Chapter 7

170 9 0
                                    

"I think I have a crush on Wander." I bit my lower lip. Nahihiya akong tumingin kay Nat na nakatingin lang sa'kin. It's like she didn't know what to say or what to act. I waved my hand in front of her still shock face. Dahil doon ay nakuha ko ang atensiyon niya.

"You okay?" I ask. Napailing siya at madiin na pinikit ang mga mata. I cocked an eyebrow, getting confused of the way she reacted. Parang hindi niya napaghandaan ang aaminin ko sakanya.

In just a minute she snapped back to reality.

"Yeah, sorry nagulat lang ako sa pinagtapat mo sa'kin." Ngumiti siya, ngunit alam kong pilit lang 'yon. Nakikita ko sa mata niya.

There is something going on inside her mind.

"Are you sure? I mean, puwede naman akong maghanap ng bagong crush. " I wiggle my brows to tease her. Namula naman agad ang tenga at pisngi niya.

"Luh, parang tanga,"

"Pero seryoso, crush ko lang naman si Wander. Hanggang doon lang talaga." I motion my hands, drawing a line. Totoo naman kasing hanggang crush lang ang nararamdaman ko kay Wander. Madali lang naman kasi siyang magustuhan. Kung ihahantulad ko siya sa isang tao, para siyang si Daniel Padilla. He look arrogant and snob outside but soft and fragile inside. Kaya siguro nagustuhan ko siya kasi napakahumble at down to earth niyang tao.

Anyway, today is a good day. As usual, gigising ako ng maaga at uuwi ng alas tres ng hapon na sobrang pagod. Yung ang lagi kong routine. Fresh papasok sa trabaho at hagard na uuwi sa hapon o sa gabi. Ngayong buwan ay seven am to three pm ang schedule ng duty ko kaya medyo nakakarelax ako sa gabi.

"Dok, sa katapusan pala ay may event na ihe-held ang ospital natin." Sabi sa akin ng kasama ko sa on-call room. It's a room provided for staff to rest in.

"Ano klaseng event ba 'yon, Stacy?"

"Ito po kasi 'yon. Nalaman ko lang din kasi ito nung kinuweninto sa akin ni Telma. Every June 30 po ay may half year party po na sini-celebrate ang ospital. Para po siyang gift giving ma'am. Magtitipon tipon po ang mga staff ng ospital pagpatak ng alas dyes ng gabi sa six floor. Tapos bubunot ka ng number sa maliit na box bago ka pumasok sa room kung saan ang event. And then, ilalagay mo ang gift na binili mo sa isang mahabang mesa. Mga thirty minutes to one hour ang itatagal ng progama tapos kakain ng midnight snack na buffet style. Pagkatapos ng program ay mauunang magbigayan ng regalo ang mga doctor or staff na may mga pasyente na chinecheck sa araw na 'yon. Tapos maiiwan ang mga staff na naka day off or naka off duty." paliwanag sa akin ni Stacy.

"Pero paano mo malalaman kung sino ang bumunot or nabunutan mo?"

"Ayan po ang exciting part, dok! May rule na pagkatapos mo bumunot ng number ay hindi mo yun bubuksan muna. Nakafold kasi yun kaya hindi mo makikita talaga. Paano mo malalaman? Merong nakalagay na number sa lamesa. From number one to number.. amm depende po sa ilang staff meron ang hospital." Saad niya sakin na tinanguan ko naman. Nagpatuloy ulit siya sa pagsalita, "You can choose where to seat, whatever number you want. Pagkatapos ng program ay dun mo puwedeng buksan ang number na nabunot mo. Kunghari nabunot mo ay number one, tatayo ka sa inuupuan mo, kunin ang gift na nasa lamesa-- ang intense lang kasi nakasunod ang spotlight sayo at ikaw lang ang nakatayo. And then.. you need to choose three picks to tell or do to that person. One pick is to tell what you feel about her/him, Two pick is to feed her/him a pepero stick using your mouth, Three pick is to drunkly dance on her or his lap. At panghuli ay doon mo na ibibigay ang regalo mo."

"What?! That's intense as fuck! Bakit naman ganun ang trip nila?"

"Kaya nga po diba? So weird! But isn't it amazing? Kung nabunutan mo ang crush mo puwede mo sabihin ang iyong pagsinta!"

That's absorb! Imagine it will trigger your anxiety kasi magcoconfess ka sa crush mo sa harap ng boss at katrabaho mo! Nope, much better pa na tumahimik ka nalang at baka mareject ka pa sa harap ng maraming tao. Nareject ka na nga napahiya ka pa.

Bakit naman ganun ang mga choices? Feed her or him a pepero stick using your mouth? Baka nakalimutan lang ni Mr. Demonteverde na nasa ospital kami! And drunkly dance on her or his lap? Seriously?

His Only Beloved (COMPLETED)Where stories live. Discover now