Chapter 30

3.1K 113 15
                                    

Pinuntahan namin kaagad ni Geon kung saan naroon ang anak kong si Sebastian. Hinugot ko ang baril ko sa may likuran ko. Maingat naming binagtas ang daan upang hindi makagawa ng ingay. 

" Doon ako sa bandang 'yon at sa kabila ka naman." Utos ni Geon sa akin. Tumango ako.

Habang binabagtas ko ang daan, alerto ako sa paligid ko. Tumago ako sa isang puno. Napatingin ako kay Geon na nasa malayo na. Hinanda ko ang baril ko. Naglakad muli ako, tinalunton ko ang masukal na daan. 

Narinig ko na naman ang iyak ni Sebastian. He's calling. Malalaking hakbang ang ginawa ko para hanapin s'ya. Nakita ko s'yang naglalakad walang sapin sa paa. 

"Anak!" tawag ko. Napatingin siya sa akin. Mas lalong umiyak ang anak ko nang makita niya ako. 

"Daddy...Daddy.." lumapit kaagad ang anak sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Diyos salamat nakita ko na ang anak ko. Hinagkan ko ang tuktok ng ulo  niya. 

"Nasaan ang Mommy mo?" tanong ko sa kanya. Mas lalong lumakas ang iyak ng anak. Hinaplos ko ang kanyan likod. "It's okay baby nandito na si Daddy. We will get your Mommy." Pagpapatahan ko sa kanya. 

"Daddy, si Mommy kinuha siya ng mga lalaki. Umiiyak s'ya." Sabi ng anak sa gitna ng pag-iyak. 

Umigting ang panga ko sa galit. Humanda sila oras na saktan nila si Amelia. Maghahalo ang balat sa tinalupan! Punyeta sila!

Binuhat ko ang anak ko. Sinubsob nito ang mukha sa may balikat ko. 

"Nasaan si Amelia?" Tanong ni Geon nang masalubong namin siya. 

"May kumuha sa kanya. Nakatakas lang si Sebastian kaya hindi siya naisama. We need to find her. " Napatingin si Geon sa pamangkin. 

"Ikaw na muna bahala sa kanya. Ako nang papasok roon." Boluntaryo nito. Wala akong magawa kung hindi pumayag sa sinabi niya. Inaalala ko rin ang anak ko. He needs me. 

"Okay, ingat ka." pahabol na bilin ko. 

Umupo muna kami ni Sebastian sa malaking sanga na nakatumba. Alerto ako sa paligid ko baka mapadaan dito ang mga tauhan ni General Capistrano.

"Daddy nagugutom ako." reklamo ng anak. Nakahawak sa tiyan nito. May dinukot na granola bar sa bulsa niya. Palagi siyang may dalang ganito para in case na nasa malayo ako, kagaya na lang ng ganito. Mayroon akong makakain. 

Binigay ko sa anak ang granola bar. Nagningning ang mata niya. Kagyat niya itong binuksan. Sinubo na niya kaagad.

"Hmmmmm... Ang sarap nito Daddy meron ka pa?" tanong ng anak. 

"Ubos mo na? " napangiti ako. Kumuha muli ako sa bulsa ko. 

Naalerto ako nang makarinig ng kaluskos ng paa sa damuhan. Hinila ko ang anak upang magtago kami sa malaking puno. Pinatahimik ko ang anak gamit ng daliri ko. Tinakpan ng anak ang sariling bibig at nagtago sa puno. 

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Geon, palingon-lingon.

"Geon narito kami!" tawag ko sa kanya. Lumabas na kami sa pinagtataguan namin.

"Nahanap mo kung nasaan si Amelia?" tanong ko kaagad nang makalapit si Geon. 

Umiling siya. " Hindi ko nakita. Masyadong maraming tauhan si General Capistrano kaya hindi ako nagtangkang pumasok. Maybe bumalik na lamang tayo kapag naiuwi na natin si Sebastian. Delikado kung mag-stay siya dito." suggestion na aniya. 

Gustuhin ko man tumanggi may punto si Geon. Hindi ko dapat sinaalang-alang ang kaligtasan ng anak ko.  Umalis kami doon nang hindi namin nahanap si Amelia. 

****

Nagising si Amelia na nasa isang madilim na silid siya. Ni kaunting liwanag wala siyang makita. 

"Pakawalan niyo ako dito! Nasaan ang anak ko!" sigaw ko. Napaiyak na lamang siya. Nag-alala siya sa kanyang anak. Hindi niya alam kung buhay pa ba o baka pinatay na nila ang anak ko. 

Napaka demonyo nila!

Napahiga na lamang si Amelia sa malamig na semento at namaluktot. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil sa pag-iyak mula pa kanina. Hindi pa siya kumakain kaya mahapdi na rin ang tiyan niya. 

Sana dumating na si Mason para iligtas kami. Napapikit na lamang si Amelia habang may luha sa kanyang mga mata. 

******

"Ano  ka ba Mason hindi puwedeng padalos-dalos tayo sa pagpunta roon, think of it malaking tao ang babanggain natin. Kailangan nating magplano. " sabi ni Geon. 

"Magplano? Paano pa tayo magplano wala na tayong oras! Amelia's life is at stake!" inis na turan ko. Biglang sumama ang mukha ni Geon. 

"Sa lahat naman ikaw ang may kasalanan! Ikaw dapat ang binihag ng gago na 'yon. Damay pa ang kapatid ko na nanahimik!" nag-igting ang panga niya. 

"Alam ko na kasalanan ko hindi mo na dapat ulit-ulitin. Hindi ko ginusto ito. Sino bang may gusto? Una palang sinabihan ko na si Amelia na umalis na sa trabaho niya. Pero matigas ang ulo niya, kasing tigas ng ulo mo. Hindi nakakaintindi." hindi ko na mapigilang mainis. 

Nawalan na ako ng pasensya. Sino ba namang hindi magburst out kung palagi na lamang niyang sinisisi sa akin ang lahat ng mali ko noon?

"Aba, nagmamalaki ka pa. Gago ka kasi! Kung hindi ka nambabae at nakabuntis ng iba hindi aalis ang kapatid ko. Sinaktan mo ang damdamin niya hanggang ngayon sinasaktan mo pa rin!" tinalikuran ako ni Geon. 

Napasandal na lamang ako sa pinto. Inaamin ko naman na naging gago ako noon. Malalim akong napabuntong hininga. Napatingin ako sa pinto ng silid ng anak. Nanlaki ang mata ko dahil naroon ang anak.

" Anak bakit hindi ka pa natutulog?"

" May babae ka noon Daddy kaya sa US kami tumira ni Mommy?" tanong ng anak. Nilapitan ko siya. Lumuhod ako upang magpantay kami.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. " Anak hindi mo pa maiintindihan ang lahat kung sasabihin ko sa iyo. Ito lang ang masasabi ko. Mahal ko kayo ng Mommy mo at kayo ang buhay ko." Madamdamin kong wika.

Yumakap sa akin ang anak. Hindi ko napigilan ang maluha. Copyright©2019 All Rights Reserved By coalchamber13

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon