Chapter 20

3.3K 152 51
                                    

(Amelia POV)

"Anak akala ko ba dito ka na sa Pilipinas? Bakit babalik ka na naman sa Amerika?" Wika ni Nanay. Napagdesisyunan ko nang bumalik muli sa Amerika dahil sa nangyari sa akin. Ayoko naman talagang bumalik doon pero kailangan. Napatitig ako kay Nanay. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya.

" Nay hindi ako makakapag move on kung nandito ako sa Pilipinas atleast doon madali akong makalimot sa mga nangyari sa akin." Wika ko na lamang. Nag-init ang sulok ng mata ko. Ano ba ito nagiging emosyonal na ako. Hindi naman ako ganito dati.

Napakasakit na napunta na sa iba ang minahal mong lalaki. Akala ko siya na pero hindi pala. Kami iyong pinagtagpo pero hindi naman itinadhana. Nabalitaan ko mula kay Joshua Garcia na ikinasal na si Mason sa babaeng nabuntisan niya.

Todo iyak ko noon at sa sobrang sama ng loob ko inaya ko ng inuman sa isang bar kasama ang kapatid kong si Ameli at si Joshua Garcia. Sinamahan nila akong magdalamhati. Wasak na wasak ang puso ko at durog na durog pa. Naging giniling ang puso kong sawi.

" Anak malalampasan mo din ito. Alam kong napakasakit ang ginawa sa iyo ni Mason pero hindi naman dito magtatapos ang buhay mo. Noon nga nabuhay ka ng walang boyfriend. Tapos ngayon para kang namatayan nang nawalan ng boyfriend." Tumulo na ng tuluyan ang luha ko. Napakabigat ng nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ito. Sa tanang buhay ko hindi ko naranasan ang mabigo. Kasi nga NBSB ako.

" Nay unang pag-ibig ko si Mason. Kaya masakit sa akin na sinaktan niya lang ako." Napasubsob ako sa dibdib ni Nanay. Hinaplos niya ang likod ko.

" Sige kung diyan ka matatahimik papayagan na kitang bumalik ng Amerika. Sana naman huwag mong isiping katapusan na ng mundo. Madami pang lalaki diyan." Kumawala ako sa pagkakayakap kay Nanay. Pinahid ko ang luha ko.

" Ayoko ng pumasok sa isang relasyon Nay. Makukuntento na lang ako na isang matandang dalaga. Wala na akong pakialam kung tuksuhin nila ako." Napabuntong hininga si Nanay sa akin. Mas mabuti nang maging single walang sakit at walang nananakit. Malaya pa ako kung ano ang nais kong gawin.

Napapatitig sa akin ang Kuya Gerald ko habang magkaharapan kami. Dumalaw siya dito sa Pakil Laguna nang malaman niyang babalik muli ako ng US.

" Sigurado ka na ba diyan?" Tumango ako. Kitang kita niya ang pamamaga ng mata ko at kalungkutan sa mukha ko. Kinabig niya ako at niyakap.

" Sorry kung wala akong nagawa para pigilan ang kasal ni Mason. Kung nakapagpasya ka ng bumalik ng US hindi na kita pipigilan kung iyon ang daan para makalimot ka. Alam kong kailangan mo iyon para makapag move on ka ng maayos." Wika ni Kuya. Mas lalong bumalong ang luha ko sa mata. Nakakainis bakit ba hindi matigil tigil ang pagpatak ng luha ko. Dapat hindi ko iniiyakan si Mason. Manloloko siya. Pero hindi ko mapigilan lalo pa at masakit sa puso ang ginawa niya sa akin.

" Salamat Kuya. Hindi mo naman obligasyon na ayusin kung ano man ang nangyari sa buhay ko. Kaya ko naman ito bigyan niyo lang ako ng oras para maging maayos na ako." Wika ko.

Hindi ko nga alam kung magiging maayos ako. Hindi ko na natiis napahagulgol ako. Yumakap sa akin ang Kuya ko.

Wala akong imik habang hila hila ko ang maleta ko. Kahit na salita ng salita ang kapatid ko kanina pa. Naiintindihan ko naman kaso wala lang akong ganang magsalita.

" Ate naririnig mo ba ang mga sinabi ko?" Tanong ni Ameli. Napalingon ako at tumango. Napa buntong hininga siya.

Pinatigil niya ako sa paglalakad.

" Ate kung mabigat sa loob mo ang umalis huwag mo na kaya ituloy? Masama daw yun." Napairap ako. Ito na naman ang kapatid kong puno ng kasabihan sa buhay.

" Hindi naman mabigat ang loob ko. Mabigat itong dala kong maleta." Napa roll ako ng mata. Ayos naman na ako. It's been two months magmula ng wala na kami ni Mason. Dapat maging masaya na ako sa kanila ng asawa niya at sa magiging anak nila.

" Ate Amelia hindi ako nakikipagbiruan." Seryoso niya akong tiningnan.

" Hindi din naman ako nagbibiro. Ikaw kaya maghila nito." Binigay ko sa kanya ang maleta ko. Nanlaki ang mata ng kapatid nang napagtanto na mabigat nga ang dala ko.

" Dala dala mo ba ang buong cabinet mo ate Amelia? Amg bigat ng maleta mo!" Wika nito sa nanlalaking mata.

" Oo sinimot ko na nga mga gamit ko. Hindi na kasi ako babalik dito." Malungkot na wika ko.

Nag-init na naman ang sulok ng mata ko. Akala ko okay na ako. Akala ko lang pala iyon.

" Ate sorry kasi wala akong nagawa. Bakit kasi hindi mo pa sinabi ang totoo kahit kila Nanay. Nakokonsensya tuloy ako. Hayaan mo kapag nandoon ka na lagi kitang tatawagan sa messenger para hindi ka malungkot.. Mag VC tayo palagi." Nagyakapan kami ng kapatid ko.

Hindi nakasama ang magulang ko dahil ayaw daw nila na ihatid ako. Malulungkot lang daw sila sa naging desisyon ko. Kanina nga todo iyak ni Nanay nang paalis na ako. Si Tatay naman pasimple lang ang pagluha niya.

" Alagaan mo sila Nanay at Tatay. Kapag nakapag established na ako ng buhay ko doon sa US kukunin ko kayo. Mag-aral kang mabuti isang taon na lang graduate ka na." Wika ko habang nakayakap sa kapatid ko.

" Ikaw ang mag-ingat mag-isa ka lang doon tsaka mahirap na ikaw lang ang.." Pinahinto ko siya sa pagsasalita.

" Ayos lang yun. Kayang kaya ko ang sarili ko. Mabait naman ang employer ko doon kaya maiintindihan niya ang kalagayan ko.

" Bakit kasi nagsinungaling ka pa eh di sana ikaw ang.."

" Ayoko nang balikan ang nakaraan. Mas mabuti na ito. Alam ko magagalit sa akin si Nanay at Tatay dahil sa paglilihim ko. Balak ko naman sabihin sa kanila ang kalagayan ko kasi akala ko.." Napaiyak ako. Hinagod hagod ng kapatid ko ang likod ko.

" Oh siya sige kalimutan na natin. Ang mahalaga okay naman ang kalusugan mo. Maiintindihan din siguro nila Nanay at Tatay ang naging desisyon mo. Ingat ka na lang ate doon ha?" Niyakap ako ng kapatid ko.

Bago kami naghiwalay ng kapatid ko isa pang huling sulyap ang ginawa ko bago ako pumasok sa loob ng departure area.

I am sorry Mason kung nagsinungaling ako sa iyo. Sana maging masaya kayo ng asawa mo. At ako haharapin ko naman ang bago kong buhay malayo sa iyo. Napahawak ako sa tiyan ko.

3 years later

Napatingala ako sa langit maaliwalas ang panahon. Hindi mainit dahil ber ber na dito sa Pilipinas. Nagpasya na akong umuwi na sa bansa para dito na manirahan. Tsaka laging inuungot ng dalawang matanda na umuwi na ako. Sabik na daw makita kami.

May humila ng laylayan ko ng damit. Napatingin ako doon.

"Mama airplane!" Turo ng batang katabi ko. Napangiti ako. Nakatingala ito sa langit at tinitingnan ang eroplano na paalis.

" We're home Sebastian." Sambit ko sa anak ko.

Copyright©2019All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2019
All Rights Reserved
By coalchamber13

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon