Chapter 27

4.1K 168 45
                                    

Napayakap ako sa anak ko at hinagkan ang pisngi habang nakapikit. Nagtaka si Amelia bakit nagkamasel ang anak ko at amoy pabango ng lalaki. Ang alam kong pabango ng anak ko ay Johnson baby cologne. Bigla kong naimulat ang mata ko.

Nakayakap sa akin si Mason at halos gahibla na lang ang pagitan namin.Naitulak ko ang mukha niya. Nakangiti pa siya.

May humagikgik sa isang tabi. Napalingon ako. Walang iba kung hindi ang anak kong si Sebastian. Nakatakip ang kamay sa bibig. Tuwang tuwa na magkatabi kami ng ama niya.

Umahon ako sa higaan at nilapitan ang anak.

" Sebastian ikaw ba may gawa niyon?" Tanong ko sa anak ko habang nakapameywang. Nakatakip pa din ang kamay sa bibig nito. Seryoso ko siyang tiningnan.

" Huwag mo ng pagalitan ang anak natin. It's my fault." Napalingon ako kay Mason. Parang gustong lumuwa ng mata ko. Ngayon ko lang napansin na naka half naked ang tukmol. Napalunok ako ng mapadako ang mata ko sa abs niyang namumutiktik sa dami. Parang ang sarap nilang kurutin.

Sumeryoso ako.

" Paanong hindi ako magagalit kayakap na kita." Sabi ko. Nahalikan ko naman ang pisngi niya. Diyos ko naman hindi pa ako nagtooth brush.

Sinuklay ko ng daliri ang buhok ko. Lumapit sa akin ang anak, yumakap siya sa akin.

" Good morning Mommy." Hinaplos ko ang ibabaw ng ulo niya. Nanigas ang katawan ko ng yumakap mula sa likuran ko si Mason. Hinagkan niya ang leeg ko.

" Good morning babe" bati niya sa akin. Gusto kong magprotesta sa pagsasabi sa aking babe, nandito kasi ang anak namin.

Isang irap lang ang ginawa ko sa kanya.

Buhat ang anak ko, lumabas kami ng silid nakasunod sa may likuran ko si Mason. Alam kong nakatingin yun sa pang-upo ko kilala ko ang lalaking ito.

" Babe mukhang lumaki yata ang puwet mo ah?" Sabi ko na nga ba eh. Hindi pa din nagbabago ang halay pa din niya.

Gusto mo naman? Buyo ng isipan.

Hindi na ako nagsalita pa baka kung ano pa ang masabi ko. Tsaka na lang kapag wala ang anak namin. Masasabunutan ko talaga siya.

" Oh, narito na pala kayo. Kain na." Napakunot ang noo ko bakit parang hindi naman nabigla ang magulang ko na narito si Mason.

" Good morning Nay, good morning Tay." Bati ni Mason sa dalawang matanda.

" Halika na nagtimpla ako ng kape mo." Mas lalong sumalubong ang kilay ko sa tinuran ni Nanay. Kailan pa sila naging close? Ibinaba ko na si Sebastian at inayos ang uupuan niya. Nilagyan ko ng sinangag, itlog at hotdog ang platl ng anak.

" Salamat po Nay." Nakangiting wika ni Mason. Napatingin ako sa kanya. Kunot na kunot ang noo ko.

Sinuhulan niya siguro ang magulang ko kaya ganito ka welcome ang walanghiya sa kanila.

Umupo ako sa tabi ng anak ko, sinimulan ko ang paglagay ng pagkain sa plato ko. Pasulyap sulyap ako kay Mason na pasulyap sulyap din sa akin. May pakindat kindat pa ang loko. Ako naman ay panay irap sa kanya.

Natapos ang kainan portion at sulyapan portion. Pumunta na sa sala ang mag-ama kasama sila Nanay at Tatay na tuwang tuwa na narito si Mason. Ako nama'y hindi natutuwa. Mukhang inagaw na ng atensyon ni Mason ang atensyon ng anak ko sa akin. Sarap kurutin ang mga muscle niya at pagsasamapalin ang kanyang mga muscle. 

Hays Amelia hindi naman yata yun ang gusto mo. Gusto mo yatang mahawakan ang mga abs at muscle ni Mason. Mas lalon kasing lumaki ang mga iyon. Lumaki din kaya ang ano niya? 

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon