Chapter 1

10.1K 237 17
                                    

Amelia's POV

NAPATINGALA ako sa langit. Sa wakas nandito na ako sa bansang sinilangan ko! It's been what? Five years I live and worked in the US of A.

Minsan lang ako nakauwi noon at panandalian lang iyon dahil um-attend lang ako sa kasal ni Jessie at Storm. 15 days lang ang stay ko dito sa 'Pinas noon. Nagtampo pa nga sila Nanay at Tatay dahil mas madami pa daw ang inilagi ko sa kaibigan kaysa sa kanila.

Nilanghap ko ang hangin na nanggagaling sa labas ng airport. Bigla akong napaubo at napabahing. My god! Ano ba naman klaseng hangin iyan! Amoy usok! Bumuga ng maitim na usok ang sasakyan na dumaan sa harapan ko. Halos matakpan ang mukha ko ng usok. 'Langhiya naman!

"Ate Amelia!!!!" napalingon ako sa pinanggalingan ng tili. Napangiti ako ng malawak nang makita ko ang pamilya ko. Napamaang ako dahil buong barangay ang kasama nila. Char lang.

Dalawa lang ang sumundo sa akin. Ayon sa aking ina, si Tatay ay sinumpong na naman ng rayuma. Kumain daw kasi ng monggo kaya hayun nakaratay sa kama ang mahal kong ama. Charing lang.

Ang Kuya ko naman na si Gerald ay nasa trabaho. Isa itong sundalo na naka-based sa Villamor Air Base. Nasa Philippine Air Force siya. Naka-graduate sa PMA si Kuya Gerald. Matalino kasi iyon kaya nakapasok  ito doon. Matagal na niyang pangarap ang magsundalo kahit ayaw nila Nanay at Tatay. Wala naman silang nagawa para pigilan ang pangarap nito. Mataas na ang position ni Kuya, kaya malaki ang suweldo nito. Nakakatulong siya ng malaki kila Tatay at Nanay sa financial.

Niyakap ko ang kapatid kong bunso. Sobrang miss na miss ko na ang pamilya ko.

"Mommy, how are you?!" tanong ko sa Nanay kong mukhang Donya. Bigla akong binatukan ni Nanay. Napahimas ako sa batok ko.

"Naku ka galing ka lang ng Amerika kung maka Mommy ka naman diyan akala mo ang yaman natin. Kubo lang ang bahay natin," makakubo naman si Nanay. 

"Nay, siyempre galing ako ng US of A kaya Mommy ang tawag ko sa iyo. Oh, by the way, where's Daddy?" naka-pameywang na tanong ko.

"Tigil tigilan mo nga ang kaka ingles mo baka hindi ako makapagpigil pipilipitin ko ang dila mo! Wala ka na sa Amerika uy! Hindi ba sinabi ko na sa iyo nirarayuma yang Tatay mo." Oo nga pala. Napatirik ako ng mata. Para ngayon lang ako maging ganito. Yumakap ako sa Nanay ko. Nakakasabik ang ganito, makita ang pamilya mo. Kasi doon sa US of A wala man lang akong mayakap. May naging kaibigan naman ako doon. Pero hindi naman kami magkasama ng palagian. Kaya naho-home sick ang lola niya doon.

"Sabik na sabik na akong mayakap ka anak. Sana naman dito ka na lang sa Pinas. Ayos naman ang negosyo nating karinderya anak. Madami ng kostomer kaya mabubuhay na tayo." madramang litanya ni Nanay.

"Hindi ko po masasabi kung hindi na ako babalik. Tingnan natin kapag nahanap ko na ang mapapangasawa ko dito. Baka hindi na ako babalik doon." sabi ko. Hay naku wala man lang naakit ang beauty ko doon. Mayroon akong tinatarget na guy pero may mahal namang iba. Ang saklap mga beshy. Ang pogi pa naman nun. Hindi siya umubra sa kamandag ng kagandahan ko.

"Hay naku ate malapit ka ng mawala sa kalendaryo. Baka hindi ka na makahanap niyan. Eh ang mga lalaki pa naman gusto sariwa. Eh ikaw pabilasa ka na." nanlaki ang mata ko sa pang-aapi ng kapatid kong bunso.

"Ang sama mo! Wala kang chocolate at mga pabango" nakanguso kong sabi.

"Nay oh si Ameli inaapi niya ako." sumbong ko sa Nanay ko.

"Kayong dalawa tigilan niyo na nga yan. At ikaw Amelia ang tanda mo na sumbungera ka pa din!" natawa ang kapatid ko. Inirapan ko siya.

Pero wala ng sasaya ang makauwi ng Pinas.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon