Chapter 4

4.9K 184 13
                                    

(Amelia POV)

" Bakit ba pinipilit mo akong pumunta doon?! Ayoko nga!" nagpupumilit kasi na bumalik kami ng Villamor. Pinapakuha kasi ni Kuya iyong bag niya na may mga laman na damit. Madedestino kasi si Kuya sa ibang lugar.

" Hindi nga makakapunta si Kuya dito di ba? Kaya nga samahan mo na ako ate sige na?" pakiusap nito sa akin. Marahas akong napabuga ng hangin. Sa totoo nagka phobia na ako sa lugar na iyon. Dahil sa pagpunta ko doon hindi na ako virgin. Makavirgin naman ako akala mo na chukchak chenes na ako. Nagpaawa effect ang kapatid ko.

" Sige na nga! Pero hanggang labas lang ako. Ayokong makita ang Mason Dela Fuente na iyon. Nakakabuwisit ang pagmumukha niya!" naiinis na sabi ko.

" Okay, ako na papasok sa loob ng opisina ni Kuya Gerald." napangiti ang kapatid ko.

Narating namin ang Villamor Air Base ng matiwasay. Mukha kaming nanggaling sa giyerahan na injured. Ang sakit ng puwet ko na nakaupo ng ilang oras. Diyos ko day! Pagkapasok ng gate hinanap kaagad ng mata ko si Joshua. Iba na ang nakabantay doon. Pogi din naman at macho. 

"Hi, nasaan na si Joshua Garcia?" tanong ko sa sundalong nagbabantay. Mukha siyang seryoso at kung makatindig para bang bawal ang luminga at kumurap. 

"He's not on duty Ma'am." Sabi nito na hindi tumitingin sa akin. 

"Hoy ate halika ka na! Diyos ko naman hinahanap mo pa ang lalaking iyon? Malamang nakikipagdate na sa nobya niya yun! Asa ka pang single iyon! Wala ng single na lalaki ngayon. Ikaw na lang ang natitirang single!" sabi ng kapatid ko.  Grabe naman itong kapatid ko kung makaapi sa akin. Porke ba may manliligaw na ito at ako ay wala? Kawawa naman pala ako. 

Tinalikuran ko na ang robot na sundalo. Mukha siyang may stiff neck hindi man lang makalinga. 

" Ito naman para hinahanap ko lang nagsabi sa akin ng beautiful ako. Kung makasabi ka naman ng ako lang ang single parang hindi mo ako ate!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Eh, totoo naman ate. Hindi naman ako nagsisinungaling." inirapan ko ang kapatid ko. 

Nilakad na lamang namin ng kapatid ko ang opisina nila Kuya Gerald. Ang hirap naman kasi ang sasakyan na jeep dito. Buti na lang madaming puno dito at mahangin ngayon araw. Kaya fresh pa ang beauty ko. Dahil nga palinga linga ako kasi ang daming pogi at machong sundalo na nakikita ng mga mata ko. Hindi ko nakita ang kasalubong kong tao. 

"Ay burat mong malaki!" nagulat na sabi ko. Muntik na akong madapa. Buti maagap ang nakasalosa akin. Gusto ko sanang magpasalamat sa tao ngnakasalo sa akin. Pero binabawi ko na pala. Ang kinaiinisan ko lang naman nakasalubong at nakabangga ko. Itinulak ko siya. 

"Malaki talaga ang burat ko."nakangising sabi nito. Halos gusto kong panawan ng ulirat sa pinagsasabi ni Mason. Napakabalasubas ng bunganga nito. 

"Ang bastos ng bunganga mo." napataas ito ng kilay.

"Ikaw nagsabi niyan hindi ako. Kaya ikaw ang bastos. Sinabi ko lang na malaki talaga ang burat ko. Nagsasabi lang ako ng totoo."napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko talaga keribels ang sinasabi niya. Hinila ko na ang kapatid ko na nakatulala sa narinig nitong explicit language. Habang papaalis kami palinga linga pa ako kay Mason mayabang. 

"Nakakabuwisit talaga ang Mason mayabang na iyon! Napakabastos! Manyak pa!" napatirik ng mata ang kapatid. 

"Ate, ikaw kaya malaswa ang bibig." sabi ng kapatid ko. 

"Nagulat ako eh. Alam mo naman mali mali ako kapag nagugulat ako." paliwanag ko. Ewan ko ba kapag nagugulat ako kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko. Minsan talaga kusa na lang lumalabas ang hindi ko dapat sabihin. My golly!

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon