Chapter 19

3.5K 143 28
                                    

(Mason POV)

Napaluha ako ng makita ko si Amelia. Hindi na ako naghintay ng sandali sinugod ko na ng mahigpit na yakap ang mahal ko.

" Babe I miss you so much!" Wika ko habang mahigpit ko siyang yakap. Napahagulgol ng iyak si Amelia. Hinaplos ko ang kanyang likod.

" Bakit ngayon ka lang umuwi? Nag-alala ako ng sobra sa iyo. Akala ko hindi ka na makakauwi!" Wika nito sa gitna ng pag-iyak. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.

" Don't cry babe. Nandito na ako hindi na ako aalis." Pinahid ko ang luha nito sa pisngi. Hinawakan ni Amelia ang magkabila kong braso habang titig na titig sa mukha ko. Para bang kinakabisado niya ang bawat sulok ng mukha kong guwapo.

" Ang pogi mo pa din at macho kahit nadukot ka ng mga terorista. Salamat naman at hindi ka napano doon." Hinawakan niya ang aking pisngi.

" Ginawa ko lahat para lang hindi ako mamatay doon. Iniisip kasi kita ayokong mabaliw ka kung may masamang nangyari sa akin. Mahal na mahal kita babe."

" Ako mababaliw? Malulungkot lang ako hindi ako mababaliw." Reklamo ni Amelia. Hinagkan ko ang labi niya. Naging mapusok ang halikan namin para bang isang taon kaming hindi nagkita.

" Hoy bakit mo hinahalikan ang boyfriend ko?!" Nagulat kami ni Amelia sa pagsulpot bigla ng babaeng nakilala ko sa bundok. Pinaghiwalay niya kami at lumingkis sa akin na para bang pinoprotektahan niya ako. Kumunot ang noo ni Amelia sa naging reaction ng babae.

" Sino naman itong babaeng ito? Anong ibig niyang sabihin Mason?" Nagtatanong ang mga mata ni Amelia. Kinalas ko ang kamay ng baliw na nakahawak sa akin.

" Hell no! Wala akong naging nobya ikaw lang. Mahabang salaysayin." Pagrarason ko.

" Boyfriend ko siya!" Nanlaki ang mata ko. Anong pinagsasabi ng baliw na ito.

" Anong boyfriend ako ang nobya niya!" Pumagitna na ako para awatin ang dalawa.

" Teka nga!" Hinarap ko ang babaeng baliw.

" Bakit ba pinagpipilitan mong boyfriend mo ako? Hindi ko nga alam ang pangalan mo. Tinulungan kitang makatakas doon kasi naawa ako sa iyo. Ayoko naman iwan ka doon. Wala kang utang na loob sa akin sisirain mo pa ang relasyon namin ng nobya ko." Inis na turan ko.

Tumawa ang baliw. Napangiwi ako.

" Ano ka ba hindi kita type! Iba ang type ko hindi ikaw! Tsura nito! Ayoko sa iyo masyadong maliit ang mga muscle mo tapos para kang palito!" Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya. Ako maliit ang muscle. Napatingin ako sa mga muscle kong namumutok . Palito ako? Hindi totoo iyon!

" Babe palito ba ako? Maliit ba ang mga muscle ko?" Napailing si Amelia.

" Hoy babae huwag mong inaapi ang boyfriend ko! Anong maliit slight lang." Wika ni Amelia. Nangamot ako ng ulo.

Biglang umalis ang babae na bubulong bulong.

" Pasensya ka na dun may tililing kasi yun kaya ganun ang mga sinasabi. Hindi niya nga alam ang pangalan niya ni o pamilya niya. Nakakaawa siya." Paliwanag ko kay Amelia.

" I believe you naman. Mukha ngang wala sa sarili. Sana makaalala na siya para makapiling na niya ang pamilya." Napangiti ako kay Amelia dahil kahit hindi pa naman niya kilala ang babae concern siya. Hinagkan ko ang kanyang noo. 

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Napaka sarap nang nagmamahal ng totoo.

Pagkapasok ko pa lang sa opisina ko sinalubong na kaagad ako ng isa kong naka fling dati. Yung babaeng naka sex ko sa may hotel   nahuli pa nga kami ni Amelia. Pero ilang beses na din may nangyari sa amin noon.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon