Chapter 9

4.4K 176 15
                                    

(Mason POV)

Pagkabangon ko sa higaan napatingin ako sa katabi ko. Napangiti ako dahil hindi ko akalaing papayag ang magulang ni Amelia ganun kadali? Akala ko nga mahihirapan ang kamachohan ko.

Hinagkan ko muna ang labi ni Amelia bago ako bumangon. Sinuot ko na ang pantalon ko. Kailangan ko na din makauwi dahil may pasok pa ako. Babalik na lamang ako ilang araw na lang pala madedestino na naman ako sa Mindanao.

Alas tres pa lang ng madaling araw kaya siguradong tulog pa ang mga tao dito. Mag-iiwan na lamang ako ng note para naman hindi ako magmukhang bastos. Ni hindi ako nagpaalam ng maayos.

Maybe ipagluluto ko na lamang sila. Para bayad ko sa pagstay ko dito. Habang naghahanap ng mailuluto nakarinig ako ng yabag kaya napalingon ako.

" Oh iho ang aga mo naman yata nagising." Naupo ito sa upuan. Kumuha ako ng tasa upang salinan ng mainit na na tubig. Kinuha ko na din ang kape at asukal sa may counter top.

" May pasok po ako Tay baka sa hapon na lamang po ako pupunta dito pagka out ko po sa trabaho." Sabi ko habang nagtitimpla ng kape ng Tatay ni Amelia.

" Ganun ba? Ah salamat." Sabi nito ng iabot ko sa kanya ang kape na tinimpla ko. Humigop ito at napangiti.

" Aba iho alam na alam mo ang timpla ko ah? Hindi ako nagkamali sa iyo at ikaw ang gusto ko sa anak naming si Amelia. Bukod sa makisig at maganda ang pangangatawan may mainam ka pang trabaho." Sabi nito. Napatikhim ito bago nagsalita muli. " Oh, ano iho naka-iskor ka na ba kagabi? Aba kailangan shooter ka at para magkaroon na ako ng mga apo. Aba naman yang si Amelia malapit na sa pagkakunat hindi pa maghanap ng nobyo. Kungbaga sa baka mahirap ng palambutin. Aba'y akala namin makakahanap na siya sa America. Eh, hindi naman pala. Dito din naman pala niya matatagpuan ang lalaking para sa kanya." Gusto kong matawa sa pakunat.

" Naku hindi pa po masyado pa pong maaga. Ayaw ko naman pong biglain si Amelia. Pasasaan po makakarating din po kami sa rurok ng tagumpay." Birong sabi ko. Balak ko na talagang galawin si Amelia kagabi kahit natutulog kaso hindi ko ugali ang mamilit ng babae. Sila ang namimilit sa akin kahit ayaw ko.

" Kung sabagay baka naman magalit si Amelia. Eh, may pagka sungit pa naman ang batang yan. Kaya walang magtangkang manligaw masyadong mataray. Kulang na lang magdala ng itak yang si Amelia at habulin ang mga manliligaw niya noon" napatawa ang Tatay ni Amelia. Napalunok ako dahil sa itak. Buti na lang hindi ko ginalaw si Amelia kagabi baka naman itakin niya ang kargada ko. Patay ako.

" Mukha naman pong mabait si Amelia. Baka naman po hindi pa talaga naiinlove si Amelia noon. Ngayon nakita na niya ang lalaking para sa kanya.  Ahem... Ahem..At ako po yun!" pagmamalaki ko. Parang gusto kong ilabas ang mga malalaki kong muscle.Napaka  macho ko talaga.

" Nagpapasalamat ako at ikaw ang lalaking nakatakdapara sa anak ko. Basta ipangako mong hindi sasaktan at paiiyakin ang anak ko."

" Pangako Tay!" Sabi ko sabay flex ng muscle ko imbes na manumpa. Napangiwi ang Tatay ni Amelia sa ginawa ko.

Nagluto na ako ng umagahan kahit ayaw ng Tatay ni Amelia. Buti na lamang kahit ganito ako kamacho at ka hot marunong ako sa gawaing bahay. Tinuruan naman kasi ako ni Mama noon dahil mag-isa lang akong anak madalas hindi ko kasama si Mama. Dahil nagtratrabaho siya noon. Kaya lumaki akong sarili ko lang ang inaalagaan ko.

" Salamat Tay sa pagpayag niyo na magstay ako dito." pasasalamat ko.

Inakbayan ako ng Tatay ni Amelia.

" Ano ka ba iho anak na din ang turing ko sa iyo. Bukod sa kaibigan ka ni Gerald nobya mo pa si Ameliang makunat" natawa ako sa sinabi niyang makunat.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon