Chapter 13

3.8K 148 16
                                    

(Mason POV)

Dumaan ako ng mall para bumili ng damit ni Amelia at ilang underwear at brassiere.

" Ah, Sir, ano pong size ng bra ng nobya niyo?" Tanong ng saleslady sa akin. Napaisip ako sa tanong niya. Kaya inalala ko ang paghawak ko sa dibdib ni Amelia. Minonstra ko ang palad kong parang may hinahawakan. Napaatras pa nga ang saleslady sa ginawa ko.

" Ah.. mga ganito kalaki." Habang nakahulma ang palad ko kung gaano kalaki. Napangiti ng alanganin ang saleslady.

" Small size po cup A lang po yan. Eh yung size po ng katawan baka po kasi masikip." Nangunot ang noo ko. Ang dami palang dapat malaman. Inisip ko na naman noong niyakap ko siya. Nangamot ako ng ulo.

" Slim lang ang nobya ko." Sabi ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko idemonstrate sa kanya ang laki ng katawan ni Amelia.

" 32 po ang pinaka saktong size ng slim para sa adult" sabi ng saleslady.

" Sige kunin ko na yan." Binigay na sa akin ang mga pinamili ko at nagpunta na sa cashier. Napapatingin pa sa akin ang mga babaeng nakapila. Kasi may mga hawak akong bra at panty. Akala nila siguro sa akin ang dala dala ko.

I cleared my throat.

" Para sa nobya ko itong lahat." Sabi ko sa kanila. Sabay ngisi at kindat sa mga babae.

Inilagay ko na lahat sa backseat ang mga pinamili ko. Bibili na lang siguro ako ng pagkain namin ni Amelia.

Chineck ko ang phone ko pero ni isa walang text sa akin si Amelia. Tinawagan ko siya ngunit nakailang ring na hindi niya sinasagot. Napakunot ang noo ko. Baka naman may ginagawa. Iwinaksi ko sa isipan ang mga negatibong pumasok sa utak ko.

Dumaan ako sa isang fast food chain para bumili ng dinner namin. Nang makuha ko na umuwi na ako. Gusto ko ng makita ang mahal kong Amelia. Narating ko ang bahay pasado alas-otso na ng gabi.

Kinuha ko na ang pinamili ko at papito pito pa akong pumasok sa loob.

" Babe I'm home!" Sigaw ko ng nakapasok na ako ng bahay. Nagtaka ako ng wala man lang sumagot. Baka naman nasa silid si Amelia. Pero maaga pa para matulog. Excited na yata ang babe kong magtabi kami sa higaan. Aba nauna na sa akin.

Inilapag ko sa counter top ang binili kong ulam. Nagtext sa akin si Mama kaninang umaga. Hindi makakauwi si Mama ngayon dahil hindi na siya pinauwi ng kaibigan niya.

" Babe!" Tawag konh muli. Narinig ko ang yabag ni Amelia pababa ng hagdanan. Napangiti ako ng masilayan ko na ang mahal kong Amelia. Namiss ko siya kahit isang araw ko lang siyang hindi nakita. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko siyang mugto ang mata. Kaya nilapitan ko siya kaagad. Hinawakan ko ang kanyang balikat.

" Babe umiyak ka ba? Tell me may nangharass ba sa iyo dito? Ano may pumasok ba ditong magnanakaw? Dapat tinawagan mo ako. Uuwi ako kung kinakailangan!" Mahaba kong sabi. Hindi ito kumibo. Napasubsob siya sa dibdib ko at yinakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok.

" Babe tell me is there something bothering you?" I asked her. Kumawala sa pagkakayakap si Amelia at pinakatitigan ang mga mata ko.

" Mahal mo ba ako?" She asked me.

" Yes I do love you babe. Magmula ng makilala kita hindi na ako nambabae. Ikaw na lang ang pinagtuunan ko ng oras at kamachohan ko." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinagkan ang ibabaw niyon. " I really love you babe. Hindi man kapani paniwala anh sinasabi ko. Pero iyon ang totoo na mahal kita. Kahit itanong mo pa sa Kuya Geon mong mukhang terorista at mainitin ang ulo. Totoong mahal kita mamatay man si Covid19."sabi ko. 

" Talaga? Hindi mo ako iiwan at ipagpapalit sa iba?" Paniniguro niya. Tumango tango ako. Napanguso si Amelia. " Paano kung bumalik yung first love mo na pinangakuan mo. Iiwan mo ba ako at sasama ka sa kanya?" Kumunot ang noo ko sa pinupunto ni Amelia.

" Kung bumalik man ang ex ko ikaw pa din ang pipiliin ko. Kasi ikaw ang kasalukuyan at ang nakaraan wala na iyon nakalipas na. Kung siya pa din ang nasa puso ko bakit tumibok sa iyo ang kargada ko este ang puso ko. Kung mahal ko oa din ang ex ko." Hinaplos ko ang pisngi ni Amelia.

" Tandaan mo babe kahit bumalik pa ang ex ko ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Alam mo kung bakit?" Napangiti ako.

" Bakit?" Tanong niya.

" Dahil sa unang dapo ng mata ko sa kagandahan mo nasilaw na ako. Tapos itong itlog ko namaga nakaramdam ng paninikip ng masilayan ang iyong ganda. Ang matigas at mahaba kong kargada tumitibok tibok ng madama ko ang iyong pagmamahal para sa akin." Sinamaan ako ng tingin ni Amelia.

" Hindi ako nakikipagbiruan!" Inis na sabi niya.

"Babe hindi din ako nagbibiro. Totoo ang sinasabi ko." Hinawakan ko ang braso niya. Nilingkis ko ang malalaki kong braso sa maliit niyang beywang.

" By the way nabili ko na yung mga kailangan mo. Damit, panty at bra. Grabe nahirapan ako sa aize ng bra mo. Kailangan ko pang imonstra ng kamay ko ang size ng dede mo babe. Buti naman nakuha kaagad ng saleslady " nanlaki ang mata ni Amelia sa akin.

"Bakit hindi mo na lang ako tinext hindi yang sinusukat mo pa sa kamao mo?!" Itinulak niya ako at lumayo sa akin.

" Babe bakit ka ba nagkakaganyan may nagawa ba ako?" Naging seryoso ako. Parang may iba kasi kay Amelia ngayon.

Biglang napaiyak si Amelia. Kaya nagtataka ko siyang tiningnan. Hinarap niya ako at ginawaran ng sampal. Napahawak ako sa aking pisngi.

" Nakakainis ka Mason! Hindi ko dapat nararamdaman ito! Nakakainis ka! Sa lahat lahat ng lalaki bakit sa iyo pa ako nagkagusto! Alam mo bang nanliliit ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito dati. I used to be carefree walang alinlangan. Kahit na ba wala akong boyfriend pero ngayon nastress na ang beauty ko sa iyo!" Umiiyak na sabi niya.

Alam ko na kung bakit. Nakita ko kasi kanina yung photo album kong wala na sa ayos ang pagkakalagay sa ilalim ng lamesa. Hindi naman magulo iyon dahil magmula noon hindi ko na tinitingnan ang mga picture ko noong High School pa ako.

" Babe kung ang tinutukoy mo si Graziela matagal ng wala kami. Kung talagang porsigido akong balikan siya matagal ko ng ginawa. Ang daming pagkakataon para sa akin. Pero mas pinili kong hindi na lang. Lumipas na ang pagmamahal ko sa kanya. Kagaya ng mga pagkain may expiration. Ganun din ang love ko para kay Graziela. Hindi mo dapat ikaselos ang larawan na iyon. Ikaw ang future ko at si Graziela mananatili na lamang nakaraan ko na hindi ko na babalikan." I hold her both hands and place it on my heart. I look her sternly straight into her eyes.

" Kung dumating man ang pagkakataon na magcross ang landas namin. Ikaw ang pipiliin ko wala ng iba. Mahal kita no question period." Nakangiting sabi ko.

" Mahal din kita tukmol ka! Kahit napakahangin mo pero minahal kita kung ano ka. Kaya huwag mo akong lolokohin at paiiyakin. Dahil isusumbong kita kay Kuya Gerald. Kaya magtino yang muscle mo kung ayaw mong pugutan ka ng ulo ng Kuya ko." Tumango tango ako.

" Yes babe! I will love you forever." Nagyakapan kaming dalawa. " So mamaya magloving loving na tayo?" Napatawa si Amelia na parang kinikiliti. So it means payag siya.

Copyright©2019All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2019
All Rights Reserved
By coalchamber13

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon