Chapter 5

5K 185 15
                                    

(Mason POV)

Pinuntahan ko ang address na ibinigay ni Geon. Itinaon ko na weekend dahil dayoff ko. Tsaka kailangan kong puntahan kaagad dahil madedestino kami ni Geon sa Mindanao.

Malayo layo din pala ang lugar nila Amelia. Sa Pakil Laguna pa kasi iyon. Buti may sasakyan ako kaya hindi mahirap sa akin ang bumiyahe. Unlike sa nagcommute baka abutan ako ng gabi sa daan. Huminto ako sa gilid ng kalsada. Bumaba ako para pumasok sa loob ng tarangkahan na kawayan. Simple lang ang bahay nila. Sementado naman ito at may mga puno sa paligid. May tindahan sa may tabi. Siguro ito yung tindahan ng Nanay ni Geon.

"Magandang araw po!" bati ko sa Nanay ni Geon. Namukhaan niya ako.

"Naku ikaw pala Mason pasok ka! Napadaan ka?" tiningnan niya ang likuran ko. Siguro hinahanap niya si Geon.

"Hindi ko po kasama si Geon may inaasikaso po." sabi ko.

"Ganoon ba? Akala ko kasama mo namimiss ko na ang batang iyon. Halika tuloy ka." tumuloy na ako sa may sala nila. Malinis ang bahay nila nakatiles naman ang sahig. Naupo ako sa sofa nila. Napasulyap ako sa isang larawan na nakasabit sa dingding. Si Amelia iyon abot ang ngiti nito. Kuha ito sa US dahil may mga amerikano pang nasa background.

" Bakit ka nga ba naparito iho?" tanong sa akin ng Nanay ni Geon. Napatikhim ako.

" Gusto ko po sanang makausap si Amelia." nakangiting sabi ko. Napatitig sa akin ang Nanay ni Geon. Para bang kinikilatis niya ang kamachohan at kahottan ko.

" Manliligaw ka ba kay Amelia?" napalunok ako ng seryoso niya akong tinitigan.

" Naku.." naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong tinapik.

" Sa wakas may manliligaw na ang anak kong iyon. Ilang buwan na lang mawawala na siya sa kalendaryo. Buti na lang ikaw ang manliligaw sa anak ko. Kilala na kita kaya panatag ako." sabi ng Nanay ni Geon. Napakamot ako sa batok ko.

" Nay ano ang ulam?" napatingin kami sa nagsalita. Gusto kong matawa sa hitsura ni Amelia. Gulo gulo ang buhok nito. Nakapantulog ito na terno. Inunat nito ang dalawang braso tsaka humikab ng sobra. Halos mapunit na ang bunganga nito sa pagkakanganga.

" Siya nga pala anak nay bisita ka." sabi ng Nanay ni Amelia. Napatigil sa ere ang braso nito. Napamulat ito ng mata.

" Anong ginagawa mo dito?!" tanong nito kaagad ng makita niya ako.

" Hoy Amelia ke aga aga ang init agad ng ulo mo? Aba pasalamat ka at dinadalaw ka nitong si Mason. Kaya ka nasasabihang matandang dalaga. Napakasungit mo naman kasi?! Paano ka liligawan niyan konting kibot lang ng lalaki sinisinghalan mo na. Aba naman Amelia kailangan mo ng maging mayumi at maging mahinahon. Kaya natatakot manligaw sa iyo ang mga kalalakihan dito. Dahil mukha ka daw kakain ng buhay kung makapaninghal sa kanila. Diyos ko namang bata ito." gusto kong matawa sa sermon ng Nanay nila. Ang sama na tuloy ng tingin sa akin ni Amelia.

" Good morning beautiful" bati ko. Bigla itong natigilan. Every time sinasabihan ko siyang beautiful nag-iiba ang aura niya.

" Maiwan ko na muna kayo diyan. Teka lang Amelia. Nagtoothbrush ka na ba? Aba naman haharap ka sa bisita mong amoy laway ang hininga mo?!" napakagat ako ng labi dahil natatawa ako sa pinagsasabi ng Nanay nila.

" Nay mabango ang hininga ko kahit hindi pa ako nagtoothbrush. Tsaka itong Mason mayabang lang naman ang makakaamoy sa hininga ko. Bahala siya sa buhay niya." inirapan niya ako. Tumalikod na ang Nanay nila.

Hinarap ako ni Amelia na nakataas ang kilay.

" Anong kailangan mo? Huwag mong sabihing nagpunta ka lang dito para apihin mo na naman ako. Tsaka madami ka ng kasalanan sa akin! Kaya namumuro ka na!"

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon