Chapter 25

3.9K 162 29
                                    

Napansin ko ang pagbabago ng anak ko. Parang hindi naman nalungkot nang wala ako sa bahay. Hinila ko si Ameli. 

"Anong ginawa mo sa anak ko? Ginamitan mo ba ng gayuma? Bakit parang ang saya ng aura niya. Eh nung umalis kami ang lungkot lungkot niya." sunod sunod na tanong ko. 

"Ate pasalamat ka nga hindi yan umiyak. Baliw ka ba ate? Wala akong ginamit na gayuma diyan! Si Kuya..." napatigil sa pagsasalita si Ameli. My forehead creased while looking at her. 

"Si Kuya ano?" tanong ko. 

"Ah si Kuya Gerald tumawag kagabi nakausap niya si Sebastian kaya masaya siya." paliwanag niya. 

"Buti naman hindi nag-iiyak si Baste." Naupo ako sa sofa. Napagod kami sa byahe. Ang dami naming ginawa sa Hospital. Ang dami kasing ginawa kay Tatay. Mabuti naman at walang malalang sakit si Tatay okay naman ang result ng laboratory niya. Mataas lang ang cholesterol niya kaya nakakaramdam si Tatay ng panghihina at may urinary tract infection din. Kaya bantay sarado sa pagkain si Tatay. Panay kasi softdrinks at hindi pala inom ng tubig.

" Mommy masaya ako kasi nand.." napahinto sa pagsasalita ng anak .

" Sino?" Nanlaki ang mata ng anak at napatakip ng bibig.

" Ah ano ate kasi yung friend ko dumalaw tapos nakipaglaro kay Baste." Napangiti ng alanganin ang kapatid. Hinila niya ang pamangkin at yinakap.

" Ang pogi talaga ng pamangkin ko napaka macho mo pa." Pinisil niya ang pisngi ni Baste. Napanguso ang anak sa ginawa ng Tita niya.

Napailing ako sa mag Tita.

Habang nag-aayos ng mga kalat ni Baste sa silid namin. May napansin akong isang bagay na nasa ibabaw ng kama. Napakunot ako ng noo. Kinuha ko iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita ko  ang isang brief. Alanganin naman na brief ni Sebastian ito dahil malaki ang size.

" Ameli!" Tawag ko sa kapatid.

" Bakit ate?" Ipinakita ko sa kanya ang brief. Kagaya niya nanlaki din ang mata ng kapatid.

" Kanino itong brief?" Tanong ko sa kapatid.

" Kay Tatay yan. Eh kasi nagtupi ako dito habang nagbabantay kay Baste. Akin na ibabalik ko sa damitan ni Tatay." Hinablot kaagad ni Ameli ang brief. Tsaka lumabas ng silid.

Napasandal si Ameli sa may pintuan. Kabang kaba siya dahil muntikan na siyang mabuko.

Diyos ko naman mag-iiwan pa ng bakas ang lalaking yun. Buti na lang mabilis akong mag-isip.

NAPANGIWI ako nang tumawag si Ameli. Todo ang sermon niya sa akin halos mabingi ako sa lakas ng boses niya sa phone.

" Sorry na nakalimutan ko kasing kunin. Nilabhan mo ba yang brief ko?" Tanong ko.

" Ano?!!! Ibig sabihin ginamit mo itong brief mo?! Bakit ko naman lalabhan yun. Ew!!!" Inilayo ko ang phone sa teynga. Mabibingi yata ako sa lakas ng boses ni Ameli.

"Itapon mo na lang kung a.." napatigil ako sa pagsasalita nang inend call niya ang tawag. Napabuntong hininga ako. Napaka careless ko naman nakalimutan ko pa yung brief ko. 

" Anak pakidala nga ito sa kinakapatid mo. Ito yung address tsaka pangalan nung company nila, dyan nagtratrabaho sa building na yan." Ibinigay sa akin ang paper bag pati na yung papel.

" Sige po. Ano po ba ito?" Sinilip ko ang laman.

" Mga damit yan regalo ko sa kanya. Birthday niya kasi noong nakaraang linggo hindi ako nakadalo. Baka kasi magtampo yung bata, hindi na nga ako nakadalo wala pa akong regalo." Napatango ako. Humalik muna ako sa pisngi ni Mama bago umalis.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon