Chapter 24

3.8K 174 31
                                    

Biglang umalis si Ameli. Tumayo ako para sundan siya.

" Ameli!" Tawag ko sa kanya. Humarap siya at matalim niya akong tiningnan.

" Bakit anong kailangan mo?" Masungit na sabi niya.

" Gusto ko lang sanang tanungin kung sa Laguna pa din naninirahan si Amelia." Tinaasan niya ako ng kilay.

" Hindi ko alam at kahit alam ko hindi ko sasabihin! Puwede ba Kuya Mason tigilan mo na ang ate ko dahil masaya na siya. Huwag mo ng guluhin pa. Pamilyado ka ng tao eh hahanapin mo pa ang ex mo na sinaktan mo lang. Kung may natitira ka pang hiya sa macho mong katawan huwag mo ng subukang kausapin pa si ate. Wala din namang mangyayari mas lalo mo lang siyang masasaktan." Napatitig ako sa kanya. May punto siya doon. Macho naman talaga ako.

Pero wala na akong pamilya na sinasabi niya. Matagal na. Kaya may karapatan na ako para suyuin ang babaeng mahal ko.

" Ameli wala na a.." napatigil ako sa pagsasalita ng makita ako ng pinsan ko.

" Kuya Mason!" Niyakap na ako. Inirapan ako ni Ameli. Nang kumawala ako ng pagkakayakap sa pinsan ko nawala na si Ameli.

" Sinamahan ko kasi si Mama tsaka wala akong work ngayon." Sabi ko. Ginala ko ang mata ko para hanapin si Ameli pero wala na siya.

" Napansin kong narito ang mga kaibigan mo. Dito ba sila magstay ng gabi?" Tanong ko.

" Yung iba lang. Yung isang friend ko uuwi din kaagad. Kailangan niya kasing umuwi dahil mag-aalaga pa daw siya ng pamangkin. Aalis yata yung ate niya kasama yung magulang nila. Ipapacheckup yata yung Tatay niya." Natigilan ako sa sinabi ng pinsan. Ito ba yung sinasabi ni Ameli na masaya na si Amelia dahil may pamilya na siya?

" Pamangkin? May asawa na yung ate niya?" Tanong ko. Kailangan kong makasiguro.

" Walang asawa yung ate niya kasi naanakan lang daw. Kasi yung lalaking nakabuntis meron na daw pamilya kaya hindi na lang daw naghabol." Umawang ang labi ko. Hindi kaya anak ko iyong sinasabi ng pinsan kong pamangkin ni Ameli?

Kumunot ang noo ng pinsan dahil sa mga tanong ko.

" Bakit mo naman tinatanong Kuya? Kilala mo ba yung ate ni Ameli?" Natigilan ako sa tanong niya. Napailing ako.

" H-hindi natanong ko lang. Kumusta naman ang buhay may trabaho. Congrats dahil nakapasok ka sa isang malaking company. Balita ko malaki ang sweldo mo." Sabi ko.

Iniba ko ang usapan para hindi niya na ako tanungin. Natawa ang pinsan.

" Hindi naman Kuya, si Mommy talaga kung makakwento malaki sahod ko. Tama lang para sa akin." Napangiti ako.

Kailangan kong pumunta ng Pakil Laguna. I need to know the truth. Kung anak ko iyon hindi puwedeng hayaan ko na lang na lumaki siyang wala ako sa tabi niya. Kailangan ko talagang makausap si Amelia.

Lakad doon lakad dito ang ginawa ko. Napasuklay ako sa buhok ko. Nagdadalawang isip akong pumunta ngayon sa Pakil Laguna. Pagkakataon ko na ito para makita ang bata habang wala si Amelia ngayon sa bahay. Sigurado akong sa akin iyon. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Amelia may anak na kami?

Kinutusan ko ang sarili. Bakit ko nga ba tatanungin kung bakit hindi niya sinabi. Natural sagad hanggang sa titi ko ang galit ni Amelia sa akin. Hindi talaga niya sasabihin.

Tanga lang Mason? Ikaw ang may kasalanan ng lahat.

"Anak ayos ka lang ba?" Napansin ni Mama ang pagkabalisa ko.

" Ma may pupuntahan lang ako." Paalam ko sa Nanay ko. Nagtataka niya akong tiningnan.

" Saan ka pupunta? Akala ko ba magspend ka ng dayoff mo dito sa bahay?" Pumameywang si Mama sa harapan ko at tiningnan niya ako ng nagbabanta look.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon