Chapter 16

3.7K 139 26
                                    

(Mason POV)

Walang nagawa ang reklamo ko ng tinapos na ni Amelia ang tawag. Hindi ko na siya tinawagang muli baka magalit na naman. Mahirap pa naman paamuin ang babaeng iyon. Ayos na din ito dahil alam kong okay na kami. Tutuparin ko naman ang pangako ko sa kanya na bubuntisin ko na siya at pakakasalan. Gusto ko na ding lumagay sa tahimik at magkaroon na ng sariling pamilya. Ang sarap siguro ng pakiramdam na uuwi ka sa bahay na may sasalubong sa iyong mga anak at asawang maganda. Napangiti ako sa naiisip kong senaryo kinikilig ang titi ko.

Naupo ako sa malaking tipak ng bato habang nagmamasid sa kapaligiran. Nakabalik na kami sa kampo. Ang ibang kasama namin ay tinutugis ang iba pang rebelde na tumakas kasama ng iba pang bihag nila. Hindi na namin naabutan ang iba pang rebelde na hawak pa din ang dalawang bihag. Talagang matitinik ang mga taong iyon. Magaling sila sa taktika pagdating sa pagtakas. Ang alam ko may mga ginawa silang lagusan na hindi namin alam kaya madali lang silang makatakas.

Napalingon ako ng umupo sa tabi ko si Napeleon.

" Oh, B2 anong ginagawa mo dito? Magmumuni muni ka din ba?" Saad ko. Namulot ng bato si Napeleon at ibinato sa malayo. Napasulyap ako doon.

" Ang hirap pala magkagusto sa isang babae na taken na. Tapos malaman laman mo na may gusto pala yung kapatid sa akin." Bigla niyang saad sa akin. Nilingon ko siya na may kunot sa noo.

" Ano na namang drama yan? Nanonood ka din ba ng k-drama? Ganyan ang mga litanya mo sa buhay?" Saad ko namulot naman ako ng maliit na sanga tsaka ako nagdrawing sa lupa. Initial name namin ni Amelia at nagdrawing ako ng puso.

"Loko! Hindi ako mahilig nun! Mexican drama ang pinapanood ko." Natawa ako. " So ano ang problema mo? Puwede kang magshare masama na kinikimkim mo yan baka sa sobrang pigil mo maiutot mo na yan. Masama pa naman kapag pinigilan nakamamatay." Birong saad ko.

" May nakilala akong babae. Naawa ako sa kanya dahil iniwan ng asawa dahil hindi magkaanak. Naging magkaibigan kami at nagkapalagayan ng loob. Lagi akong dumadalaw doon sa bahay nila kahit na busy ako sa trabaho. Namalayan ko na lamang ang sarili kong may lihim na akong pagtingin sa kanya. Hindi ako iyong tipo ng lalaki na kung sino sino lang ang babae. Kapag nagmahal ako isa lang. Pero nagmahal ako sa maling babae. Hindi ko siya puwedeng angkinin dahil iba ang mahal niya. Kahit sinaktan siya ngunit patuloy pa din ang pagmamahal niya para sa lalaki. Alam mo unfair din minsan kung sino pa ang seryoso iyon pa ang sawi. Pero yung mga manloloko yun pa ang hinahabol habol ng mga babae." Napailing si Napeleon.

" Ganoon talaga walang perpekto. Hindi nga natin expected ang mangyayari sa buhay natin. Pati sa babaeng mamahalin mo. Sabi nga nila expect the unexpected. Well, kung talagang hindi kayo puwede. Huwag mong ipilit dahil ikaw din ang masasaktan sa huli. Alam kong mahirap gawin yung sinasabi ng ilan na ibaling mo sa iba ang pagtingin. Pero mahirap gawin. Ano nga magagawa mo kung hindi nga ikaw ang gusto? Hindi mo puwedeng pilitin ang ayaw." Mahaba kong paliwanag.

" I know ayoko lang nang may nasasaktan ako kasi hindi ko maibaling sa iba ang pagmamahal ko." Nagkibit balikat ako.

" Tungkol naman sa isa?" Tanong ko. Napabuntong hininga si Napeleon.

" Ayokong paasahin siya. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Pero siya inamin niya sa akin na mahal niya ako." I chuckled.

" Mahirap yan. Ayaw mong masaktan ang mahal mo pero mukhang sasaktan mo naman ang mahal ng minamahal mo. Naks ang haba ng bulbol mo ah?!" Birong saad ko kay Napeleon. Sinamaan niya ako ng tingin.

" Buhulin ko kaya yang bulbol mo! Seryoso nga! Hindi ako nakikipagbiruan." Turan nito.

" Ito naman hindi na mabiro. Ano ka si Geon the 2nd? Ang iinit ng mga titi niyo este ng mga ulo niyo. Hindi ba puwedeng cool lang parang ako." Napangiwi si Napeleon sa akin.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon