Chapter 31

5.1K 93 34
                                    

Mason's POV

PINATULOG ko na ang anak ko. Panay tanong nga niya kanina kung nasaan na ang Mommy niya. Wala akong maisagot kundi uuwi rin ang Mommy niya. Naawa ako sa anak ko dahil panay ang iyak dahil hinahanap ang kanyang ina. Wala naman akong magawa kundi aluin ang anak ko.

Tumayo na ako para puntahan sa labas si Geon. Naabutan ko siyang may kausap sa kanyang cell phone. Hinintay ko munang matapos ang usapan nila bago ko siya lapitan. 

Habang hinihintay si Geon umupo ako sa silya na nasa isang sulok. Naupo ako at tumingin sa labas ng bahay. 

Kumusta na kaya si Amelia? Pinapakain kaya siya ng mga kidnaper? Sinaktan kaya siya. Mga katanungang nas isipan ko. 

Pag-aalala ang nararamdaman ko para kay Amelia. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari rito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung kailan nagmahal na ako ng seryoso tsaka naman dumating ang pangyayari na ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

" Mason may nakausap na akong makakatulong sa atin. Malapit lang ang taong iyon sa lugar kung saan naroon ang kapatid ko. Bihasa sa paghahanap ang nakausap ko. Well, kailangan nating magbayad. Wala naman kaso sa akin kahit magkano pa 'yon." Umupo si Geon sa katapat kong upuan.

"Ako na ang bahala sa bayad basta siguraduhin lang ng tao na iyon mahahanap niya si Amelia. Pero kailangan din nating kumilos. Kailangan may gawin rin tayo."

Nag-aalala ang muscle ko sa kalagayan niya. Baka naman..

"Fuck!" napamura ako. Napatingin sa akin si Geon.

"Walang magagawa ang mura mo. Kailangan nating maghintay hindi puwedeng susugod doon na wala tayong matibay na ebidensya. We need proof para pwede natin silang isuplong sa pulis." pagpapaalala niya sa akin.

Ugali ko ang sumusugod kaagad. Si Geon ang taong pinag-aaralan muna ang bagay bago sumugod.

"Hindi mo ma-i-aalis sa akin mag-alala sa kapatid mo. Kilala ko si General Capistrano malupit siya saga taong may kasalanan sa kanya." Umigting ang panga ko.

"I know huwag mo ng sabihin. May araw din matandang 'yan. I will make sure mabubulok siya sa bilangguan at mawawala lahat na mayroon siya."

I saw rage on his face. Walang kapatawaran ang ginawa ni General kung sasaktan niya ang babaeng mahal ko.

PINUNTAHAN  namin kaagad ang lugar ni Geon ang mansyon ni General Capistrano nang tumawag ang agent na inutusan naming magmanman roon. May lead na raw na positive na nandoon si Amelia. 

Kasama namin ang mga pulis na pupunta. Pinayagan naman kami ng kapulisan na sumama, ngunit hindi kami puwedeng makipagbakbakan. 

"Ayos ka lang ba, Mason? Mukhang tense na tense ka," pambubuska ni Geon sa akin. 

"Hindi ako tense excited kaya ako dahik makikita ko na si Amelia. Baka ikaw ang tense diyan, tingnan mo nga mukha mo ikaw ang kabado." Balik pangbubuska ko rito. 

Napailing lang ang reaction nito. 

Sumakay na ako sa sasakyan ni Geon dahil iyon ang gagamitin namin. Inuwi muna namin sa Mama ko si Sebastian dahil dalikado kung mag-stay pa siya dito. 

Nag-convoy lang kami ng mga pulis upang puntahan ang malayong lugar kung saan nakatira si General Capistrano. May warrant of arrest na rin na-issue ang korte para sa pag-aresto sa kanya.  

Narating namin ang lugar. Hindi ako mapakali at natatakot ako sa mangyayari. Iniisip ko lang ngayon ang kaligtasan ni Amelia. Kahit buhay ko ibubuwis ko huwag lang siyang masasaktan.

Bumaba na kami nang marating namin ang lugar. Ang mga pulis ay marahang naglakad at kumalat sila sa paligid.

Naging alerto ako habang naglalakad. Kailangan kong maunahan ang mga pulis na makita si Amelia. May pagmamadali ang paglalakad ko sa masukal na daanan. 

Nakarating ako sa likod ng mansyon. Wala akong nakitang pulis na papunta dito. Naglakad ako patungo sa kusina. Napahinto ako nang may maulinigan akong nag-uusap na mukhang paparating. Nagmadali akong nagtago sa isang tambakan ng karton. Nang makadaan ang dalawang lalaki na may bitbit na armas sa kanilang mga balikat ay agad akong lumabas sa kinatataguan ko.

Palinga-linga akong naglakad patungo sa pintuan ng kusina. Marahan kong pinihit ang seradura ngunit naka-locked.

"Shit!" Luminga ako upang tingnan kung may bukas na bintana. May nakita akong bukas na bintana ngunit mataas iyon.

Pumunta ako sa ibang panig ng bahay at may nakita akong naka-open na bintana. Nagpalinga-linga muna ako bago ko umakyat sa bintana. Tumalon ako para maabot ang sampahan nito at saka sinilip ang loob. Mukhang kusina itong papasukan ko. Inilusot ko ang macho kong katawan sa makipot na bintana. Halos maipit ang mga muscle ko sa braso at maging ang 8 pack abs ko.

Fuck! Mura ko sa aking isipan. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako sa loob. Sa lababo ang bagsak ko. Ginawa ko ang lahat upang 'di makalikha ng ingay.

Nagtago ako sa ilalim ng lamesa nang marinig kong may taong paparating.

Nakita kong bumukas amg fridge at may kinuha doon ang lalaking nakasuot ng camouflage na uniporme. Sukbit nito ang armalite.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumapat sa kinatataguan ko ang lalaki. Hinawakan ko ng mahigpit ang patalim na nakasukbit sa tagiliran ko. Gusto ko sanang saksakin na lang ang kanyang paa ngunit nag-aalala ako sa mangyayari, baka mas lalo ko lang ilalagay sa panganib si Ameliang maganda.

Kailangan kong maghintay ng magandang pagkakataon.  Ilang minuto rin na nakatayo roon ang lalaki at umalis -may dalang tray. Mukhang ito na ang hinihintay kong pagkakataon!

Sinundan ko ang lalaking may dalang tray. Mukhang papunta ito sa kinaroroonan ni Amelia.

"May nakapasok na mga pulis!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng mansyon. Dali-dali akong nagtago at saka hinugot ang baril ko. Narinig ko ang putukan mula sa labas ng mansyon.

"Tangina naman bakit nagpaputok agad sila!" Inis na turan ko na ang tinutukoy ko ang mga pulis.

Sinundan ko na ang lalaking nagmamadaling naglakad papunta sa hagdanan.

Nakarating kami sa pinakadulo ng pasilyo. Mukhang dito nila ikinulong si Amelia. Nakarinig ako ng kalabog at sigaw na nagmumura.

"Tangina mo ka! Saan mo ako dadalhin! You go to hell!!!!"

Boses ni Amelia!

Copyright©2019 All Rights Reserved By coalchamber13

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon