Chapter 23

3.3K 138 26
                                    

"Anak bakit hindi mo pa ipakilala kay Mason ang anak mo. Hindi habang buhay itatago mo siya sa kanya. Sa totoo kahit naman galit ako sa lalaking yun. Hindi ako payag sa balak mong huwag nang ipakilala ang ama ni Sebastian. May karapatan pa din naman siya. Hindi ka ba naawa sa anak mo kapag umiiyak at hinahanap ang ama niya?" Napatigil ako sa paghigop ng kape ko.

" Nay alam mo naman ang sitwasyon namin ni Mason. Ayokong makagulo at mas lalong ayokong umaamot ang anak ko ng pagmamahal kay Mason. May asawa na yung tao at mayroon na din anak." Halos bumigik sa lalamunan ko ang salitang anak. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Kapag naiisip kong anak lang sa labas si Sebastian. Ayokong maramdaman ni Mason ang sakit na naramdaman ko." Malungkot na sabi ko.

Hindi ko kakayaning libakin siya ng mga tao at sabihang anak sa labas. Ayokong nakikitang inaapi ang anak ko.

" Anak naroon na tayo. Wala naman na tayong magagaw kung mayroon ng pamilya si Mason. Ang mahalaga naman makilala niya si Sebastian. Hindi magiging buo ang anak mo Amelia hangga't hindi niya nakikilala ang ama niya. Lumalaki na ang bata at nagtatanong na. Naaawa na ako sa apo ko kapag umiiyak at tinatanong ang ama niya." Napapahid si Nanay sa gilid ng mata niya.

" Pag-iisipan ko Nay at kung kakayanin kong makaharap ang lalaking iyon." Sabi ko.

Hindi ko na sinabi kay Nanay na nakita ko na si Mason. Ang kapal ng apog ng lalaking iyon na lapitan pa ako. Hindi ko siya mapapatawad sa panloloko niya sa akin.

" Sana naman anak huwag mong patagalin dahil ayokong nakikitang palaging umiiyak ang apo ko." Sabi ni Nanay.

NAPASULYAP ako sa dumating na mga kalalakihan sa opisina ni General Capistrano. Napasulyap sa akin ang isang lalaki. Nagkatitigan kaming dalawa. Ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Napakunot ako ng noo dahil parang pamilyar sa akin ang lalaki. Parang nakita ko na siya.

Pananghalian ng matapos ang meeting nila General kasama ang mga kalalakihan.

" Hi Miss Tuazon." Napatingin ako sa lalaking bumati sa akin. Ito yung lalaking napatingin sa akin kanina.

" How did you know me?" Kunot ang noo kong nakatitig sa kanya. Napangiti ang lalaki sa akin.

" Hindi mo na ako natatandaan Ms. Tuazon?
It's me Joshua Garcia." Namilog ang mata ko nang maalala ko ang pangalan niya.

" Ikaw yung sundalo na palaging nasa gate ng Villamor. Anong ginagawa mo dito sa office ni General Capistrano?" Tanong ko. Grabe what a small world. Naging crush ko siya noon dahil bukod sa pogi mabait pa.

" I'm working with General as a special task force." Sabi niya.

" Nag-quit ka na sa pagsusundalo?" I asked him. Umiling siya.

" No. Nasa serbisyo pa din ako." Napatango ako. Hindi ko na kailangan itanong kung bakit narito siya at nagwowork kay General Capistrano. Wala na ako doon.

" Kumusta ka na? May asawa ka na ba?" Tanong niya. Sandali akong natigilan sa tanong niya sa akin.

" Wala pero may isa akong anak." Kumunot ang noo niya.

" Nabiyuda ka?" Natawa ako sa sinabi niya. How I wish na ganoon nga. Umiling ako. Sasabihin ko na sana ng dumating ang boss ko. Kaya hindi na kami nag-usap. Nagpaalam na din ako dahil out ko na sa trabaho.

Ang laki ng pinagbago ni Joshua. Mas lalong lumaki ang katawam niya at mas naging guwapo siya ngayon.

Amelia gusto mo si Joshua? Biro ng isip ko.

Kung sana siya na lang ang minahal ko eh di sana hindi ako nasaktan. Dapat pala tinanong ko kung may asawa na siya.

Wow may balak ka Amelia?

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon