Chapter 18

4.4K 166 25
                                    

(Mason POV)

Napasulyap ako sa babaeng kanina pa kinakalikot ang mahaba nitong buhok na mukhang dreadlocks na dahil wala na yatang suklay. Para ngang nahiya ang suklay na dumapo sa buhok niyang buhol buhol na. Paano naman hindi magbubuhol kung oras oras pinapaikot niya ito gamit ang hintuturo at nasa itaas ang tingin. Diyos baka mabaliw na ako't magawa ko din ang ginagawa niya. Ano kayang hitsura ko?

" Bakit tumitingin ka sa akin? May masama kang balak no? Gagahasain mo ako?!" Napangiwi ako sa sinabi niya. Itinuro ko ang sarili ko't napailing. Ayoko ng makipag-usap sa kanya pakiramdam ko magiging baliw na din ako. Bakit ba ako ikinulong dito kasama ng babaeng baliw na ito.

"Subukan mong pagtangkaan ako makakatikim ka sa akin ng sipa at suntok. Hindi mo ba alam na black belter ako? Nanalo nga ako noon sa competition champion ako!" Pagmamalaki pa nito. Napangiti pa na inaalala ang nakaraan ng buhay niya. Sino nga ba itong babaeng ito? Bakit nandito siya?

" Anong pangalan mo?" Tanong ko. Napatingin ito sa akin. Iyong nakangiti niyang labi napalitan ng malungkot na mukha. Napayuko ito. Napaisip ang babae ibubuka na sana niya ang bibig ng tinikom niya muli ito. Napailing iling siya.

" Bakit hindi mo natatandaan kung sino ka?" Wikang tanong ko na nakakunot ang noo.

" Ewan wala nga akong pangalan." Mas lalong nangunot ang noo ko.

" Sabi mo niloko ka ng kaibigan mo." Napakamot ako ng ulo.

" Oo niloko nga ako ng kaibigan ko. Yung babae na yun nakilala ko lang sa isang lugar kung saan ako nangangalakal. Ang kulit mo!" Inis na turan niya sa akin. Parang ako pa ang magulo kausap.

" Hindi ba sinabi mo business woman ka? Tapos nangangalakal ka naman pala." Napatawa ang babae sa sinabi ko. Hinampas niya ako sa balikat ko habang tawa ng tawa.

" Ano ka ba hindi mo ba alam ang english ng mangangalakal? Di ba businessman?" Pagkatapos niyang sabihin iyon humagalpak ng tawa. Ako naman ay napakamot ng ulo. Madami pa sana akong tatanungin sa kanya maalala kong baliw naman pala itong kausap ko. Hindi siya matinong kausap.

Biglang lumitaw sa balintataw ko si Amelia. Baka naman kapag pinatay ako ng mga terorista mabaliw ang mahal ko. Ayokong mangyari iyon. Napasulyap ako sa katabi ko na kinakalikot na naman niya ang buhok. Hanggang kailan ba kami dito?

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng putukan. Napatayo ako't napasilip sa siwang ng pinto. Nagkakagulo ang mga tao sa labas at tila ba may nakapasok sa loob ng kampo ng mga rebelde. Dali dali kong ginising ang kasama kong babae.

" Hey wake up! Kailangan nating makatakas na dito!" Wika ko habang yinuyugyog ang balikat nito. Hinawi niya ang kamay ko't tumalikod sa akin.

" Kailangan nating tumakas habang may pagkakataon pa tayo! Ano ka ba gising ka na!" Sigaw ko sa kanya.

Kahit na ba baliw ito hindi ko maatim na iwanan na lang siya dito. Napabangon ito't parang natauhan sa sinabi ko.

" Bakit palalayain na tayo?" Napangiwi ako. May sinabi ba akong palalayain?

" Tatakas tayo hindi palalayain! Kailangan makalabas na tayo dito bago pa tayo kunin ng mga dumukot sa atin." Wika ko. Nagpunta ako sa isang panig ng kubo para silipin kung may bantay. Napangiti ako nang makita kong walang tao. Lumuhod ako para gumawa ng butas. Sira sira na ang kubo at madali na lang sirain. Walang akong pagkakataon noon dahil madami ang bantay kahit sa bandang likod na bahagi ng kubo. Nang makagawa na ako ng butas nilingon ko ang kasama ko na nakasilip sa pinto.

"Pst! Halika na!" Tawag ko sa kanya. Pinauna ko siyang lumabas at sumunod ako. Upang hindi kami magkahiwalay hinawakan ko ang kanyang pulsuhan. Tinahak namin ang masukal na daanan. Kailangan naming makaalis dito habang hindi pa nakakahalata ang mga dumukot sa amin. Lakad, takbo at tago ang ginawa namin. Halos takpan ko ang bunganga ng kasama ko dahil sobrang ingay niya. Habang naglalakad kami hindi magkamayaw ng kakakwento sa nakaraan nila ng boyfriend niya daw. Kagaya ngayon medyo malayo na ang narating namin.

Barako Series #11 My Macho Man (Mason Dela Fuente Story) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon