chapter 7

2.2K 132 8
                                    



Nakasakay na ako sa karwahe ngayon, ngayon na ang simula ng klase ko, sakto lang sa katawan ko ang uniform na suot, may nakaipit na pin sa bandang kaliwang dibdib ko at nakaukit don ang aking pangalan, bagsak ang aking puting mahabang buhok tanging ang hairpin lang na binili sakin ni Victoria ang tanging dekorasyon saking buhok, humikab ako at napatingin na sa bintana ng marinig ang sinabi ang sinabi ng nagpapatakbo ng karwahe.

Malapit na daw kami.

Napaawang ang aking bibig ng makitang bumukas ang dalawang pintuang gawa sa bakal at bumungad ang mahabang hallway at sa dulo noon kitang kita ko na ang mga naglalaking mga building, may mga esatudyanteng nagbababaan na sa kanilang mga sakay na karwahe, sa magkabilang gilid ng hallway na dinadaanan namin ngayon ay berdeng derdeng mga damo at ibang mga estudyanteng naglalatag ng mga tela upang kanilang higaan.

This is cool, katulad lang din sa pinapasukan ko noon ang magkaiba lang lahat ng estudyanteng makikita mo sa paligid ay halatang mga elegante, tumigil na ang karwahe sa gilid, may nagbukas sa aking pintaun tumango ako doon at nagpasalamat bago kinuha ang aking handbag na nasa gilid at bumaba na, napansin ko ang lahat na napatingin sa gawi ko, hindi ako sanay na maraming mga matang nakamasid sakin parang gusto ko nalang tuloy na bumalik sa loob ng karwahe.

"ohmygod she's really gorgeous"

"she's a bitch"

"huwag kayong maingay, marinig niya tayo"

"she slap me last summer!"

"shhh'

Ang dami kong bashers.

"nandiyan na si prinsesa Victoria"

Tumingin ako sa aking likod at pababa palang si Victoria, binigyan niya agad ng ngiti ang mga estudyanteng binabati siya.

"cazimiya!" why is she shouting? Nasa akin nanaman tuloy atensyon nila

"they're close?"

"I can't believe this"

Sunod sunod nanaman ang bulungan ng lahat kaya wala na akong nagawa pa kundi samaan sila ng tingin.

"cazimiya, im sorry nauna ka tuloy dito...si mom kasi pinipilit na suotin ko ito" pinakita niya sakin ang kwintas na nakasabit sa kaniyang leeg

Gawa sa ginto iyon at kumikintab kapag nasisinagan ng araw, cross ang design ng kaniyang kwintas.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob, hahanapin ko na sana ang magiging room ko ng hilahin ako ni Victoria at sinabi niyang libutin muna namin ang paligid, inis na inalis ko ang kamay nitong nasa braso ko...she's really clingy!

Pinuntahan namin ang malawak na soccer field, basketball court, tennis and badminton court, lahat ng meron dito sa paaralan ay pinuntahan namin, nagrereklamo na ako kay Victoria dahil gustong gusto ko ng mahanap ang room ko upang magpahinga, binagsak ko ang pang upo ko sa upuang dito sa loob ng napakalaking cafeteria, kumuha ang kasama ko ng maiinom naming dalawa.

Royal school ang pangalan ng paaralang ito, lahat ng mga nakakataas dito ay halos puro kabilang sa mga royal families, ang mga berdeng uniporme na katulad sa suot ko ay nabibilang sa mga royal families, kulay abo naman para sa mga estudyante na nabibilang sa mga pamilyang mayayayaman, may mga sariling lupa at business, pula naman ay para sa mga scholar.

"here"

Kinuha ko ang inabot nitong maiinom.

"same class pala tayo Cazimiya" ani nito

"didikit ka nanaman sakin" sinamaan ko siya ng tingin at inikutan ng mata "stop being clingy Victoria"

"but Cazimiya believe it or not I really want to be with you, I don't know why....you're my bestfriend now"

"who told you?" I laughed sarcastically

"ang bad mo talaga" ngumuso ito

Itinapak ko ang sapatos ko sa ibabaw ng upuan at tinukod ang braso sa aking tuhod at nilapit ang mukha kay Victoria, as usual namula nanaman siya sa hindi ko malaman na dahilan.

"look at my eyes Victoria," pumula lalo ang mukha nito, tumitig ito sakin "I don't want to be friends with you, I want to be alone, alam ko naman na hindi ka mahihirapang maghanap ng bagong kaibigan, ikaw pa...you're princess Victoria, ina adore ka ng lahat ng nakapaligid sayo at walang may gustong saktan ka, so go and stop bothering me"

Yumuko ito.

Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha ay pagpasok ng tatlong lalaking nagtatawanan, napaikot ako ng mata at binaba na ang aking paa sa pagkakatapak sa upuan, nakita naman kami ng tatlo at sabay silang lumapit sa gawi namin.

Narinig ko ang pagsinghal ni prinsipe raefon.

"what happened?" tanong ni prinsipe Edward

"I think princess Victoria is crying" ani naman ni prinsipe albert at tinignan ako

Magsasalita n asana si Raefon ng patigilin ko kaagad siya.

"hindi ko siya sinaktan, sinabi ko lang sa kaniya na ayoko siyang maging kaibigan" diretsahan kong pag amin

"it's all the same, sinaktan mo pa din siya, diyan ka magaling.....manakit" galit na galit talaga tong si prinsipe Raefon sakin, kulang nalang ay ipagsigawan niya sa buong mundo ang kasamaan ko

Lumapit si prinsipe Edward kay Victoria na pinupunasan na ang basang pisngi.

"kahit anong sabihin mo sakin Cazimiya hindi pa din ako aalis sa tabi mo" desididong sabi sakin ni Victoria "kahit ano pang sabihin ng iba at kahit ano pang sabihin mo, para sakin kaibigan parin kita"

Kinagat ko ang ibabang labi sa sobrang frustrated ko.

"stop biting your lips" agad akong napatingin kay prinsipe raefon na nakangisi na ngayon.

Nahuli ng aking mga mata si prinsipe Edward at albert na nakatitig sa labi ko.

Perverts.

"huwag niyo nang pag isipan ng masama si Cazimiya" yumuko si Victoria

"pumunta na kayo sa mga classroom niyo, nag ro-roundings lang kami sa paligid" ani naman ni prinsipe albert

Kinuha ko ang handbag ko na nasa ibabaw ng lamesa at inayos na ang paldang nagusot.

"sumabay na tayo sa dalawang prinsesa" hindi ko alam kung ano mang binabalik nitong si prinsipe Raefon "hindi naman magandang hayaan nating silang dalawa sa pagkakaalam ko iisa lang naman ang classroom nating lima"

Tumango naman ang dalawa nitong kasama.

"yeah, that's a good idea" Edward said

"pwede bang sabay sabay na tayo?" tanong ni albert habang nakatingin lang sakin

Ngumiwi ako at nagsimula nang maglakad, tsk, what's wrong with them? Bakit nasa akin lang paningin nila....kay Victoria dapat!

Eto din naman kasing si Victoria nasa akin din ang tingin.

Tinabihan ako ni Raefon sa paglalakad habang sa kabila naman ay si Victoria ang dalawang prinsipe ay ramdam kong nasa likod ko.

Geez, annoying!!

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now