chapter 16

1.7K 102 5
                                    

"Malaki ang pasasalamat ko sa pagtrato niyo sakin bilang isang kaibigan, masaya akong nakita kayo ng malapitan" ngumiti ako "sa susunod muling pagkikita"

Nalungkot ako ng malaman kong kailangan na nitong umuwi dahil may naiwan pa itong trabaho, nang makaalis na siya ay pumasok ako sa loob ng tent at niyakap ang bear ni Victoria....ang boring tuloy, umuwi na si Dio, puntahan ko kaya siya sa bayan? O di kaya ay sabihin ko kay Andrey na kunin siya at gawing isa sa mga tauhan namin upang makita ko siya araw araw?


I frustratedly groaned, narinig ko ang boses nila Raefon mukhang kakabalik lang nila...tsk naiinis pa din ako sa ginawa nilang pag trato kay Dio kanina, dapat nga ay magpasalamat sila dahil tinuruan sila nitong mangisda, hindi porket mataas ang estado nila ay ganun na ang ipapakita nilang ugali, kung alam ko lang na may ugali silang ganun sa mga katulad ni Dio ay sana hindi ko nalang sila hinayaan pang sumama dito, hindi naman namin sila kailangan.


I can protect Victoria and Mary!



Lumabas ako ng tent, napunta sakin tingin ng tatlo hindi ko sila pinansin at kinuha ang mangkok na may lamang sabaw na nasa ibabaw  ng kahoy na pansamantalang ginawang lamesa.


"Bukas ng umaga ay makakauwi na din tayo" pagpapaalam ni Mary


"Cazimiya, hindi ka ba talaga pagagalitan ng iyong ama? Kinakabahan ako sayo" ani ni Victoria


Umiling ako



"Kung malaman man niya ang tungkol sa pagtakas ko upang magtungo dito ay ayos lang ang mahalaga nakatakas ako at nakasama sa inyo" ginulo ko ang buhok ni Victoria at pinagpatuloy ang paghigop ng sabaw


"Tumakas ka lang?" Looks like this annoying Raefon heard me



"Narinig mo naman ata diba?" Pagsusungit ko sa kaniya



"Bakit hindi ka nagpaalam?" Lumapit na ang tatlo sakin


Ano namang paki nila? Hindi ba nila ramdam na ayaw ko silang kausapin?!


"Sasamahan ka naming makauwi sa iyong palasyo" sabi ni Albert


Tinaasan ko siya ng kilay



"Bakit naman?" Tanong ko



"Upang humingi ng tawad at sabihing hindi na mauulit itong pagtakas mo" Edward


Tumango naman si Victoria at Mary, hayysss kung alam niyo lang kung bakit ayaw ng aking magaling na ama na sumama sa inyo


------

Lahat kami ay nakaayos na at ready nang umuwi, sinabi ko nalang sa kanila na ayos lang ako at sa susunod nalang sila pumunta sa palasyo, wala na silang nagawa pa kundi tumango nalang din, nag kaniya kaniya na kaming daan dahil iba iba naman ang mga daan papunta sa aming tinitirhan....binilisan ko na ang paglalakad, lumusot ako sa butas ng pader at nang makapasok na ako sa loob ng palasyo ay dali dali akong nagtungo sa aking kwarto


Naabutan ko si Rosie na kasalukuyang nag aalis ng agiw sa kisame ng makita niya ako ay dali dali niya akong nilapitan at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan, mukhang tinitignan niya kung umuwi ba akong may pasa o sugat sa katawan, tinaas ko ang dalawa kong kamay para mag unat unat.




"Prinsesa Cazimiya! Huwag mo nang uulitin ang ginawa ko, pinakaba mo ako ng matindi, hinanap ka kaninang umaga ng hari----"




Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat.




"Kailan pa nakauwi ang ama?!" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya



"Huwag ka mag alala prinsesa Cazimiya, kaninang madaling araw lang nakabalik ang iyong ama...sinabi kong mahimbing ang pagkakatulog mo kaya hindi na din siya nagtanong pa ng marami"



Ibinagsak ko ang katawan sa kama, magkakaroon ata ako ng sakit sa puso nito......kinuha ni Rosie ang bag ko at iniayos ang mga gamit na dala dala ko ng magtungo kami sa tabi ng ilog, naalala ko si Dio ngumiti ako at tinawag si Rosie lumingon ito sakin at puno ng pagtataka ang mukha dahil namumula na ako at ngiting ngiti.



"Rosie....may sasabihin ako, lumapit ka dito"




Lumapit ito sakin




"May nagugustuhan na ako Rosie"




"P....prinsesa Cazimiya? Maaari niyo po bang ulitin ang iyong sinabi dahil hindi ko gaanong naintindihan" inikutan ko siya ng mata at muling inulit ang sinabi kanina, napaluhod ito sa sahig habang ang braso niya ay nakalapat sa gilid ng kama "sino ang maswerteng babaeng naibigan niyo, Prinsesa Cazimiya?"



"Hindi siya babae, Lalaki siya Rosie...."



"Ngunit lalaki kayo hindi maaaring magkagusto ang prinsesa Cazimiya sa kapwa niya lalaki dahil magagalit ang mahal na hari"



Kinuha ko ang kamay niya




"Huwag mong sabihin kay ama ang tungkol sa sinabi ko Rosie"



"A....Ano ang ngalan ng l....lalaking n...naiibigan niyo?" Tanong nito




"Dio"




"Sa pagkakaalam ko walang Dio sa listahan ng mga royal family"



"Hindi siya ipinanganak na mayaman, simpleng trabahador lang siya sa bayan"



"Prinsesa Cazimiya--"




"Alam ko ang nais mong iparating sakin, kapag nalaman ito ng ama ay magagalit ito sakin at baka bigyan ako ng matinding parusa lalo na kapag nalaman nito na hindi babae ang iniibig ko, naiintindihan ko Rosie ngunit mahal ko si Dio at handa akong ipaglaban siya kay ama"



"Matagal mo na bang kilala ang Dio na iyong tinutukoy, prinsesa Cazimiya?"




"Kahapon ko lamang siya nakilala----"




"Prinsesa Cazimiya, baka naguguluhan lamang kayo sa inyong nararamdaman para sa lalaking iyon?"




Lumapit ako sa bintana at isinandal ang ulo, alam ko kung ano ang nararamdaman ko at alam kong simula ng makita ko si Dio alam ko nang mahal ko siya at gusto ko siyang makasama sa habang buhay.




Lumapit sakin si Rosie.




"K...kung yan ang kagustuhan ng prinsesa Cazimiya ay susuportahan ko" ani nito




"Salamat Rosie"




(Stay safe🖤🖤🖤)

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now