chapter 24

1.4K 82 1
                                    

"May malapit na ilog dito, gusto mo bang puntahan natin?"

"tayong dalawa lang?" tanong ko

Tumango si Victoria kaya tumayo na ako sa pagkakaupo sa tabi ng fountain, hayyyss sayang kung kaming dalawa lang ni Victoria ang tutungo sa ilog na sinasabi nito gusto kong isama sila Mary at Rosie ngunit may ginagawa sila, yumuko ako upang hindi matampal ng sanga ng punong kahoy papasok na kami sa parang gubat marami nang mga sangang nasa paligid at kapag hindi ka magdahan dahan baka masabit kasuotan mo o di kaya ay magkaroon ka ng maliit na hiwa, hindi din nawawala ang mga insektong maiingay pati na din mga palakang nasisitalunan papalayo kapag may naririnig na kaluskos

Hinawakan ni Victoria ang kamay ko kaya napangiti ako at nagpahila sa kaniya, nang makarating na kami sa ilog na sinasabi niya ay nagkatinginan kaming dalawa tsaka nag apir pa, hinila niya ako papunta sa malaking bato sa gilid din asul na asul na tubig, umupo kaming dalawa doon at pinanood ang ilang mga isdang malayang lumalangoy sa ilog at nakikipaglaro sa mga kapwa isda, inilagay ko ang baba sa nakayupi kong mga tuhod

"Cazimiya" mahina niyang tawag sa pangalan ko

"hmm?" tinignan ko siya

She's playing her hair

"bakit?" I asked "may sasabihin ka ba?"

Umiling ito tsaka ngumiti, nagtatakang tumango ako at nag iwas ng tingin ngunit hinawakan niya ang kamay ko, bumukas ang bibig niya kaya umayos nalang ako ng pagkakaupo

"may katanungan lamang ako na gusto kong sagutin mo" ani nito

"sige"

"paano kung ang mga taong nakapaligid sayo ay hindi totoo?" kumunot ang noo ko

"ano ang ibig mong sabihin, Victoria?"

Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko, hindi ko pinahalatang nasasaktan ako dahil gusto kong malaman kung ano ang ibig niyang sabihin....yan ba ang bumabagabag sa kaniyang isip? Bumuntong hininga ako

"paano kung hindi totoo ang mga pinakikitang ugali sayo ng mga taong nasa paligid mo?" mas lumapit ito sakin kaya napa usog ako at tinignan ang likuran, kunti nalang ay madudulas na ako sa batong kinauupuan namin ngayon at babagsak ako sa medyo may kalalimang ilog "Cazimiya! Paano kung sabihin ko sayong hindi sila katulad ng iniisip mo? Hindi sila mabuting tao, paano kung masasama sila?!"

Malakas nitong sabi sakin

"V.....Victoria, anong nangyayari sayo?"

Nang mabalik ito sa ulirat ay hindi ko na namalayang nadulas na ako sa kinauupuan, nanlaki ang mata naming dalawa hindi ko na naabot pa ang kamay ni Victoria dahil masiyadong mabilis ang pangyayari.....narinig ko ang pagtili nito, minamalas nga naman sa dinami daming araw na pwede akong bumagsak sa ilog, mahulog sa ilog, mabasa ng tubig na galing sa ilog ngayong araw pa na ganito ang aking kasuotan, hindi ako pwedeng umahon dahil malalaman nito na hindi ako isang prinsesa, napamura ako sa kaisipan at sumilip ng unti nakita ko itong tumatawag nang mga tao upang tulungan ako kaya nilubog ko muli ang ulo sa tubig

Nakangiwing lumangoy ako papalayo sa pwesto ni Victoria nang makitang wala nang tao ay umahon ako at nagmamadaling nagtango sa puno na nakita nang marinig ang ilang mga taong tumatawag sa pangalan ko, hindi ako pwedeng umuwi ng basa nito.....sa tingin ko kailangan ko munang manatili sa pwestong ito hanggang matuyo, pinadulas ko ang katawan sa puno hanggang mapaupo sa lupa

Muling nabalik sa isipan ko ang sinasabi sakin ni Victoria, anong gusto niyang iparating sakin? gusto kong isipin na ako ang taong sinasabi niya pero hindi ko magawa dahil sabi niya sila ibig sabihin hindi ako at hindi lang iisa, sino naman ang mga yun?

Gusto ko tuloy makita si Rosie upang maialis ako sa lugar na to

Sumilip ako sa kinaroroonan ng mga tao at marami nang nasa gitna ng ilog at mukhang hinahanap ako, iniisip ata nilang nasa ilalim ako ng ilog at hindi na nakaahon.

I silently groaned and napahilamos sa mukha

Maya maya ay may biglang tumakip sa mukha ko, gulat na inalis ko iyon kaagad at tinignan kung ano iyon, malaking tuwalya...binalot ko kaagad ang sarili ko sabay tayo at pinasadahan ang buong palogid ngunit wala akong makitang ni isang anino, tumingala din ako para malaman kung sino ang bumato sakin nito pero wala, napakuyom ang aking kamao....ibig sabihin may taong nakakita sa sitwasyon ko ngayon, paano kung ipakalat niya ang sekreto ko?

-

"bakit basang basa ka Prinsesa Cazimiya?"

Inilagay ko ang hintuturo sa labi upang senyasang huwag siyang maingay tumango ito at nagpahila sakin, pumasok ako sa loob ng kaniyang kwarto at umupo sa maliit na kama....kinuha ni Rosie ang tuwalyang nakabalot sakin at siya ang nagpunas sa basa kong buhok

"anong nangyari?" tanong nito

Kinuwento ko ang lahat lahat, sinabi ko din na may taong nakakita sa basang basa kong katawan kaya napaupo ito sa tabi ko

"kung ganon kailangan nating mahanap kung sino ang taong iyon, Prinsesa Cazimiya, gusto mo bang ipatawag ko si General Andrey dito? Kailangan na nating kumilos ng mabilis dahil kung hindi baka ipakalat niya ---"

"huwag mong ipatawag si Andrey dahil alam kong ipapaalam niya kay ama ang lahat"

"ngunit paano natin mahahanap ang taong iyon?"

"Rosie, kung pwede lang pag aralan mo lahat ng kilos ng mga kasama mo dito habang ako ay pag aaralan ang kilos ng mga taong nasa paligid ko" tumango ito "magpapatuyo muna ako dito"

Dumating ang gabi at nagpakita na ako sa kanilang lahat, niyakap ako ni Victoria habang umiiyak at sinisi ang sarili kaya pinatahan ko na siya habang ang ilan naman ay tinanong kung bakit bigla nalang akong nawala kaya ang sinagot ko na lamang ay ngiti, nahagip ng tingin ko ang tatlong prinsipeng kalmadong nakaupo sa pahabang couch at parang walang nangyari sakin, mabuti na lamang at wala dito ang mahal na hari pati na din ang anak niya kung hindi baka ipa explain niya sakin ang nangyari at ipa check pa kung may galos ba ako na hindi ko matatakasan

Pero sigurado akong mahahagip nila ang balita dahil halos lahat ng tao dito sa palasyo ay naghanap sakin

"Prinsesa Cazimiya, may pasa ka" sinabi sakin ng isang prinsesa na dumaan sa harapan ko

Tinuro nito ang pisngi ko gamit ang hawak na pulang pamaypay

"ipatawag ang magaling na manggagamot---" pinatigil ko ito sa pagsasalita

"mawawala din to" ani ko

"ngunit baka lumala at masira ang iyong kagandahan"

"huwag pilitin ang prinsesa Cazimiya" sabi ni Albert na nasa gilid ko na pala

"kami na ang gagamot" Edward na nasa kabilang gilid ko naman

"huwag kang mag alala kay Prinsesa Cazimiya, dahil kahit anong mangyari hindi mawawala kagandahan niya " niyakap ni Raefon sa likod ang prinsesang nasa harapan ko

Namula ito at kinilig ng bigyan siya ng halik sa tenga ni Raefon

Nilagay ni Edward ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tenga ng makitang humaharang ito sa aking mukha, nagpasalamat ako

Hindi ko maiwasang tumingin kay Victoria siya naman ang tahimik

Baka sinisisi pa din ang sarili sa nangyari

"aksidente lang yun Victoria tsaka hindi ako nag iingat kaya nahulog ako kaya huwag mo nang sisihin sarili mo" malambing na sabi ko sa kaniya

Tumango ito at nilaro ang mga daliri

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now