chapter 29

1.4K 78 10
                                    

"ayos ka na ba prinsesa Cazimiya?" bungad ni Rosie nang buksan ko ang pinto nang aking kwarto

Tumango ako at pinasadahan ang aking kasuotan sabay hawi sa aking buhok papunta sa likod nang aking tenga, alam kong nag aalala sobra sa akin si Rosie dahil ilang araw na din siyang hindi nakakapasok sa aking kwarto ang huling nakasama ko sa kwarto ay ang tatlong prinsipe ngunit hindi na naulit pa dahil ni lock ko ang pintuan at hindi ko talaga sila hinayaan pang pumasok pati ang ama ay lagi akong tinatawag upang kami ay mag usap, kailangan kong mapag isa yun ang gusto ko kailangan kong kumalma at mag move, tinatanggap ko na talo na ako at hindi na mapapasakin pa si Dio

Nagustuhan mo siya dahil kamukha niya ang minamahal mong kaibigan

Ang salitang binulong mismo nang aking sariling utak, napailing ako at nauna naglakad habang si Rosie ay nasa likuran ko at hindi nagsasalita dahil alam nitong ayaw ko pang makipag usap, papasok sa malawak na kainan ay uupo ako sa pinaka dulo at sinabing kakain ako, nagsimulang maglagay nang mga utensils sa ibabaw ng lamesa at iba't ibang dish, inabot ko ang basong ay lamang maligamgam na gatas at sumimsim doon, matapos ang pag lalapag nang mga pagkain sa lamesa ay sinabihan ko na silang umalis ako mag isa ang nag sandok nang kakainin ko

"ilang araw ka nang hindi kumakain Prinsesa Cazimiya ako ay nag aalala sayo, naginhawaan ang aking pakiramdam nang makita kang lumabas sa iyong kwarto" rinig kong sabi ni Rosie

Tumango ako at sumubo

"umalis ang mahal na hari upang magtungo sa kanluran dahil gusto nang hari nang kanluran na magsaya kasaa ang mahal na hari, ayaw sanang umalis nang mahal na hari upang hintaying kang lumabas ngunit sinundo siya nang karwahe nang kanluran kaya wala na siyang nagawa pa" naramdaman ko ang pag alis ni Rosie sa likod ko ngunit maya maya ay bumalik at inilapag sa gilid ng lamesa ang isang sobre "pinabibigay nang mahal na hari"

Natawa ako, kung bubuksan ko yang sobre ay baka sermon lang ang mababasa ko.

"basahin mo Rosie" mahinahon kong utos

"masusunod prinsesa Cazimiya"

Binuksan nito ang sobre, sumandal ako sa kinauupuan at pinag cross ang dalawang braso upang makinig

Ipagpatawad mo ang nagawa ko sa iyo Cazim, masiyado akong magagalitin at hindi ko iniisip ang iyong nararamdaman, pinagdadamot kita sa lahat dahil takot akong malaman nang iba ang iyong tinatago wala kang kasalanan, ako ang may kasalanan nang lahat...gusto ko mang sabihin sayo ang totoo ay may pumipigil sa akin ngunit huwag kang mag alala dadating ang panahon na ako ay lalapit sayo at sasabihin ang katotohanan, tahan na aking prinsesa

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa magkasalikop kong palad na nakalapag sa ibabaw ng aking hita

"totoo bang ang ama ang sumulat niyan?" nilingon ko si Rosie na may luha na din sa kaniyang mga mata

"siya ang sumulat Prinsesa Cazimiya, ang mahal na hari, ang inyong ama"

"tapos ko nang mailuha lahat lahat ngunit ngayon ay gusto ko nanamang lumuha nang sobra sobra" tinukod ko ang siko sa lamesa at yumuko "masamang umiyak sa harapan nang pagkain" ngumiti ako

Nagulat ako nang patingalain ako ni Rosie at pinunasan ang aking luha gamit ang kaniyang mabangong panyo

-

Humihikab na pumasok ako sa loob ng classroom, nakita ko si Victoria na napatingin sa akin at nginitian ako kaya ngumiti ako pabalik

"ayos ka lang ba?" tanong niya nang makaupo na ako

"ayos na ako" sagot ko

Isa din siya sa mga nagtangkang pumasok ngunit hindi nagwagi, hindi nila alam ang dahilan kung bakit nagkulong ako maliban sa tatlong prinsipe

"ano ba talaga ang nangyari sayo?" hinawakan nito ang kamay ko

"sa ngayon muna ay ayaw kong pag usapan ang dahilan kung bakit ang mahalaga ay mag kaayos na kami nang ama" ngumiti ako nang maalala ang laman nang sulat na nanggaling kay ama

"kinagagalak kong malaman ang tungkol diyan"

"saan na nga pala si Mary? Pumunta ako sa likod kanina, kumatok ako sa pinto niya ngunit hindi sumasagot" ngumuso ako

Mga ganitong oras kasi ay alam kong nasa bahay pa si Mary at kumakain nang pang umagahan dahil maya maya pa ang mga klase nang pulang estudyante

"maaga siyang nagtungo sa library upang mag basa ng mga libro dahil malapit na ang royal exam"

Napatampal ako sa noo

"OO NGA PALA MALAPIT NA YUNG ROYAL EXAM" napalakas ang pagkakasabi ko kaya napatakip kaagad ako sa bibig

Inilapit ko ang upuan kay Victoria, at nang tignan ko siya ay nakatitig na ito sa akin at namumula ang leeg pati na din ang buong mukha, ilang beses itong napalunok bago nag iwas nang tingin kaya ibinalik ko na sa pwesto ang upuan ko

"sa susunod na linggo na" ani nito

"ahh hehehe, malapit na nga" napakamot ako sa batok

Tumayo na ako at sabay kami ni Victoria na nagtungo sa cafeteria

Matapos mag order ay naghanap kami ng bakanteng upuan

"papalapit yung tatlong prinsipe" mahinang sabi sakin ni Victoria

Napaikot ako nang mata nang makita nga ang tatlong papalapit sa table namin, maayos na umupo si Albert at Edward sa gilid habang si Raefon naman ay pinatalikod ang upuan at ang sandalan na nang upuan ang nakadikit sa kaniyang dibdib

"pwedeng umupo ka nang maayos?" inis na tanong ko

"pwedeng huwag mo na akong pakialaman?" taas kilay nitong sabi "hindi mo naman ikamamatay kung ganito ang pagkakaupo ko" dagdag niya

Uminit kaagad ang ulo ko kaya inis na tinapakan ko ang paa niya, napaungol ito at napatayo habang hawak hawak ang nasaktang paa

"bakit nandito nanaman kayong tatlo?" tanong ko

"nabalitaan naming pumasok ka na kaya matapos nang aming klase ay hindi na kami nakatiis na hindi ka puntahan" ngiting sabi ni Edward

Pumasok na din sa isip ko na kapag naging jowa mo ang tatlong ito alam mo na kaagad ang kanilang ugali at pamamaraan nang pag trato sa kasintahan, si Edward siya yung masayahin at kayang kayang pasayahin ang kasintahan sa pamamagitan lamang ng kaniyang pag ngiti siya ang ideal type nang mga babae habang si Albert naman ay daddy type siya yung tipong kayang protektahan ang kasintahan kahit ikamatay niya man at handa siyang makipag suntukan kapag nalaman niyang nabastos ka, lastly si Raefon ang tipo nang boyfriend na mapang asar papainitin niya ang ulo mo habang sumabog ka sa inis na mas lalo niya pang ikatutuwa siya din ang tipo na lalapit sa isang babae upang pagselosin ka.

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now