chapter 10

2K 132 8
                                    

"ano ang iniisip niyo prinsesa Cazimiya?" tanong sakin ni Rosie at nilapag ang ipinatimpla kong tsaa sa ibabaw ng lamesang nasa harapan ko ngayon

Bumuntong hininga ako at gumuhit ng mga linya sa hangin, wala pa akong nasasalihang club ganun din si Victoria, kapag wala ka daw nasalihang club mapa prinsesa at prinsipe ka man maglilinis ka ng banyo at hallways ng paaralan ng isang taon, ayoko namang gawin ang mga iyon dahil nakakatamad, I groaned and scratch my head.

"Rosie, anong magandang salihang club?"

"ano ba ang hilig niyong gawin? Kung ang hilig niyong gawin ay puminta---"

"binisita namin lahat ng club at kahit may alam ako sa pagpinta o sa kahit ano pa man yan naguguluhan pa din ako"

"kung wala kang mapiling club pwede ka namang gumawa ng sarili mong club yun nga lang kailangan mo din ipaalam sa mga nakakataas at kailangan mong makakuha ng mga miyembro upang---"

"alam ko na yan, narinig ko na yan" ngumuso ako at sumimsim sa tsaa "wala din naman akong balak na gumawa ng sariling club"

"ubusin niyo na ang tsaa niyo prinsesa cazimiya upang makapag pahinga na kayo" ani nito

"pero Rosie---"

Napatayo kaagad ako na ikinagulat ni Rosie, total gusto ko namang maranasang gumawa ng bahay edi sasali nalang ako sa club ni Mary since wala pa siyang nakukuhang mga miyembro at sa tingin ko walang gustong sumali sa kaniya...poor Mary, buti nalang nandito ako at ako na una niyang magiging kasama, sasabihan ko nalang si Victoria bukas.

"anong nangyari prinsesa Cazimiya?" tanong ni Rosie

"nothing" I gave her a cheeky smile

"matulog na kayo prinsesa, lalabas na din po ako"

"ok, goodnight, Rosie"

Tumango ito at lumabas na ng kwarto ko, umupo ako sa gilid ng kama at hindi maiwasang mapatingin sa malaking bintanang nasa harapan ko....kitang kita ko ang bilog na bilog na buwan at ang mga bituin mula dito, nakabukas kasi ang kurtina, ngumiti ako at tinaas ang isang kamay tsaka inimagine na nahahawakan ko ang buwan mula dito, laging sinasabi sakin ng lola ko nung bata pa ako na totoo ang tinatawag nilang pangalawang buhay o reincarnation, mabubuhay ka muli ngunit hindi na sa dati mong katawan mabubuhay ka muli ngunit hindi na sa dati mong pamilya, mabubuhay ka muli ngunit mawawala lahat ng ala ala mo mula sa dati mong buhay.

Hindi ako naniniwala sa kaniya, hindi ko siya pinapansin kapag sinasabi niya sakin ang mga bagay na iyon....ayoko kasing umasa, ayokong tumaas ang hopes ko, takot akong mamatay at mas takot akong mamatay na hindi na muling mabubuhay.

But now...im here, nabuhay muli ngunit sa ibang mundo na, sa ibang katawan at ibang pamilya ngunit bakit ang ala ala ko ngayon ay nandito pa din? Bakit hindi nawala? Naniniwala na ako na totoo ang reincarnation, where's my lola? Ano kaya siya ngayon? Mabait ba ang mga nakapaligid sa kaniya?

Pumikit ako at pinagdikit ang dalawang palad at nagsimulang magdasal.

Kung nasaan ka man lola sana masaya ka, gusto ko ulit marinig ang pag awit niyo....gusto ko ulit maramdaman kung paano niyo ako napapakalma sa tuwing umaawit kayo.

"I miss you"

-

dala dala ko ang hand bag ko habang naglalakad sa hallway ng school, naririnig ang takong ko sa buong hallway sa bawat pagtapak ko sa sahig na siyang nagbibigay trigger nanaman sa mga selos na selos sa kagandahan ko, immune na ako sa kanila kaya hindi ko na din binibigyan ng atensyon.

Kanina ko pa hinahanap si Mary para sabihin sa kaniya na gusto kong sumali sa club niya, tumatakbo ang oras at isang oras nalang bago mag stop ang pagpili ng club na sasalihan, saan na ba kasi nag sususuot ang babaeng iyon? Iniwan ko din sa Mary sa classroom dahil hindi pa siya tapos mag sulat, ngumuso ako at hinawakan ang nakataas kong buhok, na realize ko na sobrang malapit na ako sa mga tao ngayon...naiba ang pag uugali ko, noon ay halos takot akong makasalamuha ng maraming tao magkaroon ng kaibigan maliban sa kaniya ngunit ngayon halos lumabas na ngala ngala ko sa kakasalita.

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now