chapter 25

1.4K 87 3
                                    

Nandito kami sa malawak na lupain ng kanluran at pinalilibutan ang malaking apoy na nasa gitna, nag bo-bonfire kami dito at 7 na ng gabi dito na din naming naisipang kumain ng gabihan at matulog pumayag naman ang mahal na hari ngunit marami kaming bantay sa paligid, katabi ko si Albert at Edward habang si Raefon naman ay nakaupo sa damuhan at nakasandal ang likod sa magkadikit na legs ni Edward ang tatlo ay halos gusto nang dumikit sakin hindi naman ako makaalis dahil kapag umalis ako mawawalan ako ng pwesto, si Victoria ay nakikipag usap sa isang prinsesa tungkol sa kanilang mga suot na bistidang pantulog

Inabutan ako ni Albert ng mansanas na may honey na kakagaling lang sa pag papainit sa apoy, kinuha ko iyon at nagpasalamat tsaka kinagatan, isaw Raefon at my peripheral vision na pinapanood kung paano ako kumagat kaya sinamaan ko siya ng tingin, napakatamad kasing magpainit ng makakain niya kaya ngayon naiinggit kapag may nakikitang kumakain....

"hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan kita Cazimiya" mahinang sabi ni Raefon na sakto lang para margining ko at ng dalawa niyang kaibigan

Tumango si Edward habang si Albert ay itinali ang aking mahabang buhok na inililipad ng hangin

"para bang may palihim mo kaming inaakit" napalunok ako at napatingin sa paligid upang makita kung sino ang nakakita sa ginawa ni Albert sakin

Hinalikan nito ang likod ng aking tenga matapos masabi ang salitang iyon, ano ang ginagawa nila? Pinagsasamantalahan nila ako, kung may makakita man sa amin sa malayuan ay aakalain nilang nakikipaglandian ako sa tatlo

"huwag niyong tinatakot ang Cazimiya" mahinahon sabi ni Edward

"hindi namin tinatakot ang prinsesa" Raefon "sinasabi lang namin sa kaniya ang totoo"

Albert agreed

"maaari bang lumayo kayo ng kaunti sakin?" tinignan ko silang tatlo

Ngunit hindi sila nakinig sakin

"kailangan ko pa bang ulitin ang---"

Pinutol ni Albert ang sasabihin ko "bakit parang kinakabahan ka ata?"

Humigpit ang hawak ko sa stick, walang mga alak sa paligid at wala silang alak na ininom ngunit para silang mga lasing kung kumilos ngayong gabi kaya sino ang hindi kakabahan? Lihim akong napamura at napatingin sa likuran ng may marinig na yabag at nakita ko si David na papalapit samin, tumayo ako sa kinauupuan narinig ko ang pag banta ng tatlo ngunit hindi ko sila pinakinggan, nang makaharap ko na si David ay hinawakan ko kaagad ang braso nito at nagtungo kami sa tabi ni Victoria dahil doon inilapag ng isang bantay namin ang medyo kahabaang upuan para kay David, kaya ngayon ay magkatabi na kami

Pasalamat naman at nakalayo na ako sa tatlo

Namumula si David ng sulyapan ko siya, nagkibit balikat na lamang ako

"bakit ngayon ka lang nakarating?" tanong ko

"nag usap kasi kami ng ama kaya ngayon lang ako nakarating, may dinala din akong kumot dahil alam kong mas lalamig pa mamaya"

Buti nalang ay makakapal ang suot namin kaya hindi kami masiyadong nilalamig

"Prinsipe David, gusto mo ba ng mainit init na sabaw?" ngumiti si Victoria sa katabi ko

Tumango si David at kinuha ang inabot sa kaniyang mainit na sabaw, nakakailang ang mga titig na ibinibigay sakin ng tatlo

"may naka tadhana na ba sainyo?" rinig kong tanong ng isang prinsesa

"sabi sakin ng ina bata pa lamang ako ay mayroon na silang piniling magiging asawa ko" sabi naman ng isa pang prinsesa

"dadating ang lalaking naka tadhana na sakin sa susunod na buwan upang bisitahin ang aking pamilya"

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now