chapter 12

1.9K 102 5
                                    

"saan ang ama?" tanong ko kay Andrey nang magkasalubong kami sa pasilyo

Bumati ito sakin at yumuko upang magbigay galang bago ako sagutin.

"nasa opisina ang mahal na hari, prinsesa Cazimiya, gusto niyo bang samahan na kitang pumunta doon?" umiling ako

"hindi na kailangan, narinig ko kay Rosie na ieensayo mo ang mga kasamahan mo"

Ngumiti ito at tumango.

"kung ganon ay pupuntahan ko na sila, prinsesa Cazimiya"

Nilagay ko sa likod ang dalawang kong kamay at nagsimula nang maglakad, magpapaalam lang ako na aalis ako bukas kasama ang mga kaibigan ko, ipapaalam ko lang kung pwede akong sumama na magpalipas ng gabi sa tabi ng ilog, sabado na bukas at dalawang araw na ang nakalipas nang mapag usapan namin ang tungkol dito.

May dalawang guards ang nasa magkabilaang pintuan ng opisina ng ama, may hawak hawak silang mahabang bakal at sa dulo nun ay patusok, nakasuot sila ng silver na armor, tumatakip din sa mukha nila ang head armor kaya hindi ko sila maaninag, ngumuso na lamang ako at pumasok na sa loob matapos akong pagbuksan ng pintuan ng isa sa kanila, nakita ko kaagad si ama na nakatayo sa gilid ng dingding na gawa sa salamin kaya Malaya niyang nakikita ang kabuoan ng field kung saan nagsasanay o nag eensayo ang mga kasamahan ni Andrey.

Ang kaniyang opisina ay puno ng mga libro at mga papel na nakatambak sa gilid ng kaniyang lamesa, may malaking gintong chandelier ang nakasabit sa itaas ng kisame at malaking couch na nasa gitna.

"ano ang kailangan mo?" tanong nito sakin bago humarap at nilapag ang maliit na basong may lamang tsaa.

"magpapaalam lang sana ako sa inyo ama"

Napatalon ako sa gulat ng malakas niyang inihampas ang palad sa ibabaw ng lamesa, galit niya akong dinuro.

"Cazim!" he shouted full of angered.

Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan, galit nag alit talaga siya, hindi ko alam kung anong ginawa kong ikinagagalit niya.

"sinabihan na kita noon pa man na hinding hindi ka lalapit sa kahit na sino man at ngayon ay mababalitaan kong may umaaligid sayong mga tao!" lumapit ito sakin at hinawakan ng madiin ang aking braso

"n...nasasaktan ako"

"paano kung malaman nila?" he gritted his teeth "Cazim, ngayon palang layuan mo na sila....this is for your sake!"

Binitawan na nito ang aking braso, nag iwan ng pulang marka na alam kong magiging pasa mamaya.

"k...kaibigan ko sila---"

"you don't need a friend Cazim!"

"I need a friend, hindi naman ako magpapahuli sa kanila, kaya ko namang itago ang sikreto natin ama, hindi ko na kailangan pang layuan sila"

"ang salitang kaibigan ay malaking biro lamang Cazim, uulitin ko hindi mo kailangan ng kaibigan"

Tumalikod na ito at umupo na sa kaniyang upuan.

"wala na tayong pa uusapan pa,"

Tumango ako at lumabas na ng kaniyang opisina.

"prinsesa Cazimiya!" nilapitan ako ni Rosie ng makapasok ako sa loob ng aking kwarto

Hindi ko ito pinansin at umupo nalang ako sa gilid ng kama, why do I need to hide my true identity? Why do I need to do this? Bakit hindi na lamang niya sinabing lalaki ako at hindi babae? Is he hiding something? Wala namang masama kung sabihin niyang lalaki ako, may magagalit ba?

Naramdaman kong may malambot na telang dumampi sa pisngi ko, I saw Rosie wiping my tears, malungkot din ang mga mata nitong nakatingin sakin.

"ngayon ko lang kayong nakitang lumuluha Prinsesa Cazimiya, takot ka noong makita ng iba ang iyong pagluha, magkukulong ka dito sa kwarto mo kapag lumuluha ka...." She caress my hair "may nangyari ba? Sinaktan ka ba ng mahal na hari?"

Umiling ako at nag iwas ng tingin ngunit nakita nito ang braso kong namumula.

"anong nangyari diyan?"

"nabangga lang ako sa pader habang naglalakad kanina" pagsisinungaling ko

"ngunit bakat ng malaking palad ang nasa braso mo"

"pwede ba?!" inis na tinulak ko siya papalayo sakin na ikinagulat niya.

Napaawang ang aking labi.

"p...patawad, hindi ko sinasadyang itulak ka Rosie"

"ako ang kailangang humingi ng tawad dahil madami akong itinatanong sainyo prinsesa Cazimiya"

Nang makalabas ito ng kwarto ay sinabunutan ko ang sariling buhok, hindi ko sinasadyang itulak siya....may mga gumugulo lang talaga sa isipan ko, ibibili ko na lamang siya ng pinaka masarap na tinapay na ibinebenta sa bayan.

Binuksan ko ang drawer ng mini cabinet na nasa tabi ng kama ko at kumuha doon ang isang papel na kulay brown at panulat, lumuhod ako sa gilid ng kama at nagsimulang sumulat sa papel.

Victoria hindi ako pinayagan ni ama na sumama sa inyo bukas dahil alam niyang hindi ako sanay na malayo sa palasyo upang magpalipas lamang ng gabi sa tabi ng ilog, ngunit gusto ko talagang sumama kaya kung pwede kayong dalawa ni Mary ay itakas ako mamayang hating gabi.

Pwede na to, tumayo ako mula sa pagkakaluhod at nagtungo sa bintana at binuksan iyon, sumipol ako at maya maya pa ay may itim na ibon na nagpakita ngumiti ako at itinaas ang isang daliri at doon siya pumatong, itinali ko ang papel sa kaniyang paa.

"sana mabigay mo yan kay Victoria, may tiwala ako sayo"

Gumawa ito ng ingay na mukhang sa tingin ko ay umoo sa sinabi ko, binuka na muli niya ang kaniyang pakpak at malayang lumipad.

Tumakbo ako papalapit sa cabinet ko at kinuha doon ang di kalakihang kulay puting bag, lahat ng kailangan ko bukas ay inilagay ko na sa loob ng bag, aalis bukas si ama kaya hindi niya malalamang tumakas ako dito sa palasyo.

Pinagtatali ko sa magkakabilang dulo ang mga kumot at itinago muna sa ilalim ng kama.

Wish me luck.

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now