chapter 32

1.3K 84 4
                                    

Patakbong lumapit ako kay Mary ng makitang papasok palang ito sa library, nagulat naman siya sa biglaan kong pag sulpot kaya natawa nalang ako

"Kamusta ang mga kuting? Nakatulog ba sila ng maayos kagabi? Hindi ba nila hinanap ang kanilang ina?" Sunod sunod kong tanong

Sinenyasan ako nitong huwag maingay ng makapasok na kami sa library, tumango naman ako at sinundan siya....pinanood ko lang ang pagpili niya ng babasahin na libro bago kami humanap ng mauupuan at nang makahanap ay tinulungan ko siyang ayusin ang librong mga dala sa ibabaw ng lamesa, mababasa niya ang lahat ng ito? Tatlong makakapal na libro ang pinili niya at naglabas din siya ng papel tsaka tinta

Hindi pa niya sinasagot ang tanong ko kaya napanguso ako at umupo sa harapan niya

"Mary..."

Nanlaki ang mata nito tsaka napahawak sa mukha

"Pasensiya na Cazimiya, hindi ko kaagad nasagot ang katanungan mo, naghahanda kasi ako para sa royal exam bukas na gaganapin bukas" ani nito

Royal exam na bukas buti nalang at nag aral ako

"Maayos naman ang mga kuting, hindi naman sila umiyak at pinakain ko na din"

Tumango ako "dadaanan ko sila mamaya"

"Prinsesa Cazimiya"

Nag angat ako ng tingin sa isang estudyanteng abo na nasa gilid ko

"Pinabibigay pala sayo"


Nilahad nito ang nakatuping papel sa akin, kunot noo ko iyong kinuha

"Sino ang nagbigay?" Tanong ko

"Hindi ko kilala, Prinsesa Cazimiya inutusan lang akong ibigay sayo iyan"


"Maaari ka nang umalis"

Nagkatinginan kami ni Mary, napabuntong hininga muna ako bago binuksan ang nakatuping papel at napahigpit ang hawak ko doon ng mabasa ang nakasulat gamit ang tintang pula "sekretong nabuko, anong gagawin mo?" Sekretong nabuko? Nabuko ang sekreto ko? Pinunit ko ang papel at itinapon sa basurahan

"Ano ang nakasulat sa papel?" Nag aalalang tanong ni Mary

Ngumiti ako at umiling

"W...Wala, m...manliligaw lang, sige Mary maiwan na kita may kailangan pa akong gawin eh"

"Sige....."


Nagmamadaling lumabas ako nang library at hinanap ang estudyanteng nagbigay sa akin ng sulat at ng mahagilap siya ay tumakbo ako sa kinaroroonan niya ngunit nang papalapit na ako ay may biglang pumatid sa akin hindi ko na nakita kung sino dahil bumagsak kaagad ako sa sahig, tumama ang dibdib ko sa sahig at halos nahirapan akong makahinga sa nangyari, buti nalang at naiangat ko kaagad ang mukha ko bago pa lumagapok sa sahig, baka mabali pa ang ilong ko at pumutok ang labi ko

"Sino----"


Walang tao sa paligid, lahat ay nasa malayo at nakatingin sa akin, may pumatid talaga sakin! Tumama ang paa ko sa paa nito dahilan ng pagkabagsak ko, imposibleng tumakbo ito papalayo matapos gawin sakin iyon dahil ni isang hakbang o yabag ay wala akong narinig, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanan ko, madilim na ang part na iyon.

"Cazimiya!" Si Raefon na lumapit sa akin


Himala at mag isa lang siya, hindi niya kasama ang dalawa

Napamura ito ng makita ang gasgas sa palad ko, pinagpagan niya ang uniporme ko at inayos ang buhok ko

"Hindi ka ba marunong mag ingat?" Inis na tanong nito sa akin

"Hindi ko naman kasalanan na may pumatid sa akin" pinag cross ko ang dalawang braso

Tsk, sana si Edward o kaya si Albert nalang ang nakakita sa akin hindi tong lalaking to


I really hate him

"Pumatid? Sino ang pumatid sayo?!"

"Pwede ba hinaan mo ang tono mo? Para kang nakalunok nang mikropono" inikutan ko siya ng mata

Hinawakan nito ang magkabila kong balikat at tinignan ako gamit ang kaniyang seryosong mga mata tila hindi na nakikipagbiruan at gusto nang malaman kung ano ba talaga ang nangyari, tinuro ko ang hallway na nasa kanan

"May pumatid sa akin at mukhang diyan nanggagaling kung sino" sabi ko

"Nakita mo ba?" Umiling ako "kahit anino, hindi?" Muli akong umiling

Napakamot ito sa buhok at bigla nalang akong hinila papalapit sa kaniya sabay lagay ng ulo sa balikat ko, everyone gasp at hindi makapaniwala sa nakikita, itutulak ko na sana ito papalayo sa akin dahil agaw atensyon kami ng makita ko ang grupo ng mga abong estudyanteng kinamumuhian ako at gustong gusto ko nang kalabuhin, katulad ng ibang estudyante ay napatingin din sila sa gawi namin kaya ngumiti ako at niyakap si Raefon tumigas naman ang katawan nito sa ginawa ko pero isinawalang bahala ko nalang


Kita ko na pag uusok ng mga ilong nila, inggit eh, yakap yakap ako ng isa sa mga gwapong prinsipe


"Gusto mo pala ako, matagal mo na ba akong gustong mayakap?" Nakangising umayos na ito ng tayo at pinasadahan ang buhok gamit ang mga daliri


Ngumiwi ako at umaktong nandidiri kaya nag isahang linya ang kaniyang labi sabay kuha sa braso ko at hinila ako


"Linisin natin yang gasgas mo" hindi ko na makita pa ang mukha nito tanging likod nalang niya pero ramdam ko ang galit sa tono nito


"Galit ka ba?" Tanong ko


Humarap ito sa akin na nakangiti, he's definitely faking it. Ang tatlong prinsipe talaga ay magaling mag tago ng ugali at emosyon.



"Maganda ang ating mapapangasawa kaya talagang may maiinggit sa kaniya" mayabang na sabi ni Raefon habang nakasandal sa gilid at parang nag momodel



Napailing nalang ang dalawang prinsipeng nakatayo sa harapan ko, kakatapos lang linisan ang gasgas sa palad ko




"Tigilan mo nga ang pag tawag sakin ng ganiyan" inikutan ko ito ng mata




Tinaasan niya ako ng kilay




"Don lang din naman mapupunta ang lahat kaya huwag ka nang mag inarte diyan na para bang hindi ka namin aangkin" inikutan ako nito ng mata kaya napakuyom nalang ang aking kamao at pinuno ang loob ng bibig ng hangin




"Pwede na ba akong makaalis dito?" Tanong ko





Nakakailang at kaming apat lang ang nasa loob ng clinic, wala kasi ang nurse lumabas muna nagbanyo muna saglit




Hinawakan ni Albert ang balikat ko at hinimas iyon ng marahan, nagtaasan ang balahibo ko sa ginawa niya




"Sumama ka sa amin, sa amin ka sasakay" ani nito




"May karwaheng nag hihintay sa akin" pinag cross ko ang braso




"May karwahe din kami" Edward




"Makinig ka na lang sa amin" Albert




Lagi naman, tsk.





(Pakinggan niyo yung kanta ng New West na those eyes, maganda yan tiyak na magugustuhan niyo at araw araw niyong pakikinggan)

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now