chapter 14

1.8K 111 0
                                    


Masama pa din ang tinging ibinibigay sakin ng tatlo kaya nginitian ko lang sila at tinulungan sila Mary na mag ayos, ang ganda ng lugar na ito...maraming puno na may mga bunga ng prutas at kulay asul na ilog at may mini falls din, ang sarap magpatayo ng maliit na kubo at pumunta dito kapag may problema ka man para makapag relax.

"marunong ba talaga kayong magtayo ng tent?" tanong ko sa tatlong prinsipe ng makalapit sa kanila

"mukha bang hindi namin alam?" taas kilay na sabi ni Raefon

"we know how to build this Cazimiya, maya maya ay matatapos na din" ani ni Edward

"kailangan niyo ba ng tulong?" umiling ako kay Albert

"Cazimiya! Maligo muna tayo sa ilog!" tawag sakin ni Victoria

Napangiti ako at lumapit sa dalawang naglalaro na ng tubig, lulublob na sana ako ng may maalala, kaya dahan dahan akong umatras, nagtaka ang dalawa sa ginawa ko...hindi ako makakasama sa pagbababad nila sa ilog dahil baka malaman nila ang serkreto ko, hayyss mukhang ang sarap pa namang lumangoy langoy,hindi din gaanong kalalim ang ilog.

"may problema ba?" tanong sakin ni Mary

"hindi malamig ang tubig Cazimiya, o hindi ka marunong lumangoy?" umupo sa malaking bato si Victoria

Umiling ako, naramdaman ko ang presensiya ng tatlo sa likod ko kaya nilingon ko sila....i gasped, tatlo silang walang pang itaas kaya kitang kita ko ng malapitan ang magaganda nilang katawan, ano ang pakiramdam na paborito ka ng panginoon at mga anghel?

Nag iwas ako ng tingin dahil baka pag isipan pa nila ako ng kung ano, pero bakit kailangan pa nilang pumwesto sa likod ko? Painggit? Iniikot ko ang aking mata at gumilid, nahuli ng tingin ko ang dalawang iniiiwas ang tingin sa tatlo, narinig ko ang tawa ni Raefon at tumalon na sa ilog na sinundan nang dalawa...ngusong umupo ako sa damuhan at pinapanood na lamang sila.

Matapos ang ilang minutong pag langoy langoy ng lima ay umahon na sila, mabilis na tumakbo papasok ng tent si Mary at Victoria ang tatlo naman ay umupo sa harapan ko at kinuha ang kanilang mga tuwalya, walanghiya, nananadya ba sila? Oo na ang gwapo na nila ang ganda na ng katawan nila at kayang mang hook ng babae sa loob lamang ng dalawang Segundo.

"can't swim?" chorus nilang tanong sakin

"marunong ako!"

"bakit hindi ka sumamang lumangoy samin?" tanong ni Albert

Hindi ko naman pwedeng sabihin na wala akong pamalit dahil alam nilang may dala akong damit sa loob ng bag ko.

"tinatamad lang akong lumangoy" alibi ko

Tumayo si Edward upang mapunasan ng mabuti ang kaniyang likod ngunit hindi niya mapunas ng maayos kaya nagulat ako ng lumapit ito sakin at inilahad ang hawak na tuwalya, tinaasan ko siya ng kilay.

"anong gagawin ko diyan?"

"nakakahiya mang sabihin ngunit maaari mo bang punasan ang likod ko?"

ANO DAW?!

Pupunasan ko ang maputi niyang likod? Napalunok ako at ang traydor kong ulo ay bigla nalang tumango...napangiti ito at tumalikod sakin, wala na akong choice kundi tumayo at kunin ang tuwalya sa kaniya at sinimulang punasan ang basa pa niyang likod isinama ko na din ang buhok niya sa likod dahil tumutulo pa ang mga butil ng tubig doon.

"tapos na"

"salamat"

Napaawang na ang bibig ko ng pati ang dalawa ay nasa gilid ko na din at nakalahad na sa akin ang mga tuwalya nila, inis na kinagat ko ang gilid ng aking pisngi at labag sa kaloobang pinunasan din ang likod nila, kung paghahampasin ko kaya silang tatlo ng kahoy?! Ano ako utusan? Buti kung babayaran nila ako.

Tanghali na at nagsisimula na si Mary magluto, siya lang ang may alam magluto sa aming anim, sabay sabay kaming bumuga ng hangin at naghanap nalang ng pwedeng gawin...

"ano ang mga hilig mong gawin Victoria?" tanong ni Edward sa katabi ko

"nais ko din sana iyang itanong sayo" segunda naman ni Albert

Tumawa ng mahina si Raefon at tumango din, silang tatlo ay nakatingin na kay Victoria at hinihintay ang pag sagot nito, pinatong ko ang dalawa kong palad sa hita, di kaya eto ang araw na ang tatlong prinsipe ay magkakagusto kay Victoria? Na late lang ng scene?

"marami akong hilig gawin" inilagay ni Victoria ang sa likod ng kaniyang tenga ang ilang mga hibla ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha at ngumiti sa tatlo ng matamis "anim na taong gulang pa lamang ako ay tinuruan na ako ni ina na mag pinta, habang ang ama naman ay tinuruan akong magpatugtog ng iba't ibang instrumento, mahilig din akong magsulat at dumisenyo ng mga magagandang bistida"

Napatango ang tatlo.

"mahilig din akong puminta, napuntahan mo na ba ang bahay pintura?" himalang hindi nagsusungit si Raefon kay Victoria siguro ay gusto na niya ito

"napuntahan ko na ang lugar na iyon"

Nagkwentuhan ang apat kaya na out of place ako, maganda sigurong bigyan ko silang apat ng pagkakataong kilalanin pa ng lubusan ang isa't isa tumayo ako at lumapit kay Mary.

"may kailangan pa ba?" tanong ko kay Mary at sinilip ang loob ng kaldero, napapikit ako ng kumalat sa paligid ang mabangong aroma na bigla nalang nagpatunog sa tiyan ko

"maaari ka bang kumuha kahit limang maninipis na kahoy?"

Nag thumbs up ako at iniwan muna sila, nang makalayo layo na ako ay sumandal ako sa puno at pinunasan ang namumuong pawis sa noo ko....gusto kong magpalit ng damit hindi ako mapakali sa bistidang suot ko ngayon hindi ako makaupo ng maayos at makagalaw ng maayos, baka dahil dito sa suot ko ay mas maaga nilang malalaman ang sekreto ko.

Inis na sinabunutan ko ang aking buhok at nagpapapadyak sa lupa.

Nakabusangot tuloy akong bumalik at ibigay kay Mary ang mga nakuhang stick nagpasalamat ito sakin tsaka nagpatuloy sa pagluluto.

Hindi pa din tapos mag usap ang apat mukhang bukas na bukas mababalitaan ko nalang na nililigawan na nila si Victoria.

"kung gusto mo ay bumisita ka minsan sa Escalus upang maturuan kitang gumamit ng espada" ani ni Edward

Tumabi ako kay Mary.

"malapit nang matapos ang niluluto ko Cazimiya" tumango lang ako sa sinabi nito "masama ba ang pakiramdam mo?"

"ayos lang ako" naiinis lang ako sa suot ko ngayon

Matapos maluto ni Mary ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain, dahil walang lamesa ay nakapatong nalang ang plato sa hita namin habang ang magkabilaang kamay ay may hawak na tinidor at kutsara.

"gusto mo pa ba?" napatingin kami sa tatlo

Umiling si Victoria.

"marami na akong nakain," tumingin ito sakin "Cazimiya, gusto mo pa ba?"

Umiling ako.

"uhmm maya maya ay tuturuan ko kayong manghuli ng isda upang ulamin natin mamayang gabi" Mary said

"I really wanted to do that" Victoria said happily and claps her hands

Napangiti ang tatlong prinsipe sa ginawa ni Victoria, I puff my cheeks

"dadating pala dito yung pinsan ko para ipahiram satin ang kaniyang mga pamingwit" kumunot ang noo ko at tinignan si Mary

"may pinsan ka? sa royal school ba din siya nag aaral?" tanong ko

"bakit kailangan mo pang itanong?" rinig kong sabi sakin ni Raefon

Hindi ko ito pinansin at hinihintay lamang ang sagot ni Mary.

"hindi na siya nag aaral ngayon tumutulong na lamang siyang mag tinda ng mga prutas sa bayan...ngunit huwag kayong mag alala mabait si Dio"

"ahh lalaki pinsan mo?" muli kong tanong

"ano naman kung lalaki pinsan niya?" Raefon said

"Cazimiya, are you interested to Mary's cousin?" Albert asked

"ako? Masama bang magtanong? Big deal agad sainyo? Wow ah" inikutan ko sila ng mata

"it's not like that, Cazimiya" ani ni Edward

Tsk.

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now