chapter 19

1.6K 113 15
                                    

"Bumili na kami ng gagamitin sa pag gawa ng bahay ng mga manok" nilapag ng tatlong prinsipe ang mga pinamili kahapon



Tumango ako at tumayo sa kinauupuan, hindi ako makakatakas ngayon dahil kailangan naming gumawa ng bahay ng mga manok para dito sa club, lumabas na kami sa bahay ni Mary at pumunta sa gilid tsaka inilapag ang mga gagamitin, tahimik si Victoria na nasa harapan ko at nag susuot na ng gloves nagkibit balikat na lamang ako at pinanood ang ginagawa ng tatlo, nililinya na nila ang mga kahoy at may martilyong hawak si Albert



Nakakahanga akala ko ay kailangan pa silang turuan kung paano gumawa ng mini poultry, alam na alam nila kung paano gumamit ng martilyo at mag pukpok, taga suporta lang kami nila Victoria habang si Mary naman ay nasa loob dahil naghahanda ng kakainin namin para mamaya



"Buti naman at marunong kayo niyan" sabi ko sa kanila



Napatigil si Edward upang makausap ako



"Isn't amazing?" I nodded



"Victoria pakiabot nga nung pako sa tabi mo" inabot ni Victoria kay Albert ang mga pako



Nagtataka na ako sa pinakikitang ugali ng mga to sakin, si Edward at Mary nalang ang kumakausap sakin sa tuwing mag sasalita ako o magtatanong, hindi ba magandang pagkakagising nila? Gusto na ba nilang umuwi? Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay nilapag na ni Mary ang mga pagkaing ginawa sa lamesang gawa sa kahoy na nandito sa labas ng kaniyang bahay



Tinulungan ko nalang din itong kunin ang mga baso at pitchel na may lamang juice



"Sayang Cazimiya hindi mo nakita ang gwapong lalaking kasa kasama ng pinsan ko" masayang sabi ni Mary



Muntik na akong mapatumba sa pagkakatayo buti nalang ay nakahawak kaagad ako sa lamesa, nag ahhh nalang ako dahil wala akong maisip na sasabihin sa sinabi niya!



"Cazim ang ngalan niya, parang lalaking bersyon ng pangalan mo" pagpapatuloy nito "sigurado akong kapag nakita mo siya ay hindi mo maiiwasang kiligin"



Hindi nauutal si Mary samin ngayon, nasanay na kasi siyang lagi kami ang kasama pero sa mga oras na ito ang gusto ko lang ay katahimikan ni Mary dahil rinig na rinig siya ng apat....



6pm natapos sa paggawa ng mini poultry ang tatlong prinsipe, pagod silang napaupo sa damuhan at uminom ng tubig....tumayo naman si Victoria at naglagay ng hay sa loob habang kami ni Mary ay kinuha ang malaking kahon na may butas butas sa gilid at naglalaman ng anim na manok, tig iisa kaming anim at napag usapan din na papangalan namin ang mga manok namin ngunit hindi pa ngayon dahil kailangan muna naming tapusin ang bakuran nila.



Pinapasok na namin sa loob ang anim na manok, nakangiti akong sumilip sa bintana nila at nakita kong nagugustuhan nila ang bago nilang titirhan



"Ano gusto mong pangalan?" Tanong ko sa manok ko na lumapit sa bintana at nakipagtitigan sakin



May mga collar na ang mga manok kaya hindi kami mahihirapan kung sino diyan ang mga manok namin, kulay ube ang collar ng manok ko, itim kay Albert, puti kay Edward, pula kay Raefon, dilaw kay Mary at pink kay Victoria...kapag mabigyan na namin sila ng pangalan ay itatahi namin iyon sa mga collar nila



"Tapos na?" Humarap ako sa kanila



I sigh when i saw Victoria, Raefon and Albert stand up...not answering my question



"Mauna ka na Cazimiya, kanina pa naghihintay ang karwahe mo sa harapan, ganun din ikaw Victoria...maya maya na kami dahil tutulungan pa namin si Mary sa pag aayos ng mga nakakalat na gamit" Edward said



Tumango ako at walang ganang tumayo, hinubad ko ang gloves na suot at pumasok sa loob upang kunin ang bag ko matapos kong kunin ay nagpaalam na akong aalis...nakasabayan ko si Victoria sa paglalakad upang magtungo na sa aming mga karwaheng naghihintay sa harapan



Peke akong umubo tsaka nilingon si Victoria



"May problema ba?" Tanong ko



"Hmm?"



"May problema ba?" Pag uulit ko "kanina pa kita napapansing hindi umiimik, may problema ba sa palasyo niyo?"



Bumuntong hininga ito at tumigil sa paglalakad, tumigil din ako at nagtatakang nilingon siya....nagtatampo ba siya sakin dahil sa ilang araw ko nang pagtakas sa kanila upang magpunta sa bayan?



Yumuko ito, umalon ang kaniyang magandang buhok dahil sa biglaang pag ihip ng hangin....



"Cazimiya, alam mong ayoko sa mga sinungaling" pag sisimula nito



"Ano ang ibig mong sabihin?"



Maya maya pa ay umiling na lamang ito nang maingat na ang kaniyang ulo ay may malapad nang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi....lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit, what's with her?



"You can't hide the truth forever" bulong nito na hindi ko naman marinig dahil sa unti unting paglakas ng ihip ng hangin



-----
Nakasandal ang aking ulo sa bintana habang pinapanood ang bilog na bilog na buwan, pinagalitan ako ni ama ng makauwi ako bakit daw ako ginabi kaya gumawa ako ng alibi na nagtungo ako sa library ng paaralan at nag basa basa ng libro at hindi ko namalayan na gabi na pala, naniwala naman ito dahil huminahon ang kaniyang boses ngunit may idinagdag siya sa kaniyang sinabi



"Ayokong malaman na binubuhos mo ang iyong oras sa mga taong walang magandang maididulot sayo"




Kung ganon ay hindi ko na kailangang ibuhos ang oras ko sa aking ama dahil wala naman siyang magandang dinudulot sakin, ano kaya ang nararamdaman noon ni Cazim na pinatatago sa kaniya ng kaniyang ama ang totoong siya?




Pumasok si Rosie sa loob ng kwarto at nilapag sa gilid ng kama ang tinimpla nitong gatas para sakin




"Rosie?"




"Prinsesa Cazimiya? May ipag uutos po ba kayo?"




"Hindi ko na talaga kaya pang kalimutan ang mga naiisip ko tuwing lagi nalang akong pinapalayo ni ama sa lahat ng mga taong kakaibigan sakin...at laging pinapaalala na huwag ilabas ang totoong ako"




"Ano ang ibig niyong sabihin, prinsesa Cazimiya?" Nasa harapan ko na siya at handang handang makinig sa mga sasabihin ko




Im lucky to have her, siguro ay kapag wala si Mary baka lagi akong nakakulong dito sa kwarto o di kaya ay hindi nakakalabas/nakakatakas ng palasyo.





Siya lang kasundo ko dito.




"Ramdam ko na parang may tinatago sakin ang ama" pinagmasdan ko ang aking sarili sa repleksyon ko sa bintana, nakasuot ako ng asul na pajama, bagsak ang puti kong buhok at wala akong make up na nakabahid sa mukha "gusto kong malaman---"





"Prinsesa Cazimiya, huwag na kayong masiyadong mag isip ng mga ganiyan....maaga pa kayo gigising bukas, matulog na kayo prinsesa Cazimiya"




Napahawak ako sa noo at pumikit




"Maaari ka na ding matulog Rosie"




Nagpaalam na ito sakin





Pupunta na sana ako sa aking kama ng may marinig na kumakatok sa bintana ko ng lingunin ko kung ano iyon ay nakita ko ang itim na ibon dali dali kong binuksan ang bintana at pinapasok ang ibon, lumapag ito sa dulo ng kama ko



Inalis ko sa pagkakatali ang papel na nasa paa nito, matapos ko iyong gawin ay lumipad na siya papalabas




Kunot noo kong binuksan ang nakasulat





Goodnight, my Queen




Who fucking wrote this creepy message?!




(Drop ur zodiac sign⬇️⬇️)

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now