Chapter 22

1.5K 88 1
                                    

Nasa karwahe na kami ni Rosie, lahat ng mga piling prinsipe at prinsesa ay nasa mga karwahe na din nila, iisang daan lang ang dadaanan namin kaya sunod sunod ang mga karwahe nangunguna ang aking karwahe nasa likod na ang iba pa, yakap yakap ko ngayon ang nadala kong stuff toy at nakasandal ang aking noo sa bintana

"pwede ba talaga akong sumama Cazimiya?"

Tumingin ako sa katabi ni Rosie, ngumiti ako at tumango

"basta sundin mo lang si Rosie, Mary, hindi naman tayo mahuhuli eh" sabi ko dito

"huwag kang mag alala Mary hindi ako masungit, pinaalaman ka na din nila Prinsesa Cazimiya sa iyong guro" Rosie held her hand

Napag desisyunan kasi namin nila Victoria na isama si Rosie at kaninang madaling araw ipinaalam namin ito, basta ang gagawin ni Mary ay magiging katulad siya ni Rosie para papasukin siya sa loob ng palasyo sa kanluran, kaya nakasuot siya ngayon ng katulad kay Rosie, kalahating oras na ang nakakalipas ng makarating na kami sa kanluran inilabas ko ang aing ulo sa karwahe at inilapat ang dalawang palad sa upuan lumawak ang ngiti ko ng makita ang malaking batong nakatayo sa gilid ng gate ng kanluran at may nakaukit doon na kanluran so...kanluran talaga ang pangalan ng bayan na io? Pati na din ang palasyo? Nang ma gets ay napatango ako, tumingin ako sa likuran ng karwahe at nakita ko si Raefon na nakikipag agawan ng tali sa nag papaandar ng kaniyang karwahe gusto atang siya ang magpatakbo ng kaniyang karwahe

Habang si Albert naman at Edward ay pinipigilan si Raefon sa pang aagaw ng tali, iisang karwahe ang sinakayan nila dahil sabi nila nakakatamad bumiyahe kapag walang kasamang kaibigan wala din naman kasi silang isinamang mga katulong nila.

Hindi ko kita si Victoria pero siya ang nasa pangatlong karwahe siguro ay natutulog.

"mag ingat ka Prinsesa Cazimiya" pag papaalala sakin ni Rosie

"ilabas mo ang iyong ulo Mary tignan mo ang mga tao dito sa kanluran" tumango si Mary at masayang ginaya ang ginagawa ko

Friendly ang mga tao dito, lahat sila at yumuyuko at kumakaway kapag napapadaan ang mga karwahe namin, may mga batang naghahabulan habang may mga hawak na dahon na ginawa nilang saranggola, may mga tindahan din ng mga palamuti at mga kasuotan na magaganda ang tela, pati na din masasarap na pagkain

"prinsesa Cazimiya!" tawag sain ni Edward

Kumaway ako sa kanila

"akin na kasi, hindi mo ba ako naririnig?" napaikot ang mata ko ng marinig si Raefon

"ngunit prinsipe Raefon hindi po maaari"

"raefon, itigil mo na iyan" Albert

"huy Prinsipe Raefon nakikita ka ng mga tao hindi ka ba nahihiya?" nginuso ko ang mga taong nakatingin na sa kaniya ngayon

Tumawa ito at nag pose pa, pinasadahan ang buhok gamit ang daliri sabay kindat sa grupo ng mga dalagang may mga dala dalang pamaypay

"nakatingin sila sakin dahil sa aking kagwapuhan, Prinsesa Cazimiya, kaya bakit ako mahihiya?"

Hindi na ako sumagot pa sa kaniya, pinasok ko na sa loob ang ulo at isinarado ang bintana...masisira lang niya kasiyahan ko, tumigil kami sa harapan ng pintuan ng palasyong kanluran, pinagbuksan ako ng pinto ng nagpapatakbo ng karwahe namin at tinulungan akong makababa, nagsilabasan na din ang lahat sa kanilang mga karwahe at busy sa pagtingin sa paligid, napakagandang lugar ang lawak din ng lupain at hindi mawawala ang fountain na nasa gitna ng daan pati na din mga makukulay na bulaklak.

Hahawakan ko palang sana ang suot suot kong malaking sombrero ng hanginin iyon, hahabulin n asana ni Rosie ng makitang nalipad papunta kay Albert ang sombrero walang hirap niya itong tinalon at nilingon ako

Sabay silang tatlong lumapit sakin

Napataas ang aking dalawang balikat ng isuot sakin ni Albert ang sombrero at siya pa ang nagtali nun para hindi na liparin ng hangin

"napansin kong magaganda ang mga binibini sa labas ng palasyong ito" paninimula ni Raefon tsaka nilagay ang dalawang palad sa magkabilaang bewang

"gusto mo bang puntahan ang mga binibining sinasabi mo?" tanong sa kaniya ni Edward

Nag isip muna si Raefon bago umiling at tinuro ako, kaya napaturo na din ako sa sarili

"bakit?" nagtataka kong tanong

"nasa harapan ko ang pinaka magandang binibini kaya hindi na kailangan pang magpakalayo" ngumisi si Raefon, tinapik ang aking sombrero bago pumasok sa loob ng palasyo

"pumasok na tayo?" yaya sa akin ng dalawa

"mauna na kayo hihintayin ko pa si Victoria"

Nagkatinginan muna ang dalawa bago tumango at pumasok na sa loob, nilakad ko ang pwesto ng karwahe ni Victoria, nakasunod sakin si Mary at Rosie

"nasaan si Victoria?" tanong ko sa katulong na isinama nito

"mahimbing ang pagkakatulog ng prinsesa" binuksan nito ang pinto ng karwahe at bumungad ang magandang dilag na yakap yakap ang unan at nakabukas pa ang bibig habang humihilik

Napangiwi ako at the same time natawa sa nakikita

"napagod sa biyahe si Prinsesa Victoria" Mary

Pumasok ako sa loob ng karwahe, lumuhod ako upang pantayan si Victoria...tinapik ko ang pisngi nito, ang lambot talaga ng kaniyang balat parang marshmallow

"Victoria" tawag ko sa pangalan niya

She scratch her eyes bago dahan dahang minulat ang mata, nagulat ako ng bigla itong umupo ng makitang magkatapat ang aming mukha, namula ito at kinuha ang salamin at inayos ang sarili

"huwag kang mag alala maganda ka pa din kahit na bagong gising" sabi ko sa kaniya

"b...bakit nasa loob ka ng karwahe ko?" tanong nito sakin

Tinuro ko ang nasa harapan na namin ngayon

"nandito na tayo sa palasyong kanluran sa loob mo nalang ipagpatuloy ang iyong pagtulog dahil baka sumakit ang iyong katawan kapag nandito ka at nakabaluktot" lumabas ako ng karwahe at nakita ang mga tauhan ng palasyong kanluran na ipinapasok na ang mga gamit namin sa loob gamit ang de tulak na metal parang katulad sa mga hotel na lagayan ng mga luggage

Bumaba na si Victoria sa karwahe at sabay na kaming pumasok sa loob, nagkumpulan ang mga kasamahan namin sa sala hindi naman kami makalapit sa tatlong prinsipe dahil pinalilibutan sila ng mga prinsesa

Umupo kaming dalawa ni Victoria sa bakanteng upuan habang si Mary at Rosie ay sumunod sa may mga dala ng aming mga kagamitan

Pumasok ang isang matanda ang hari ng kanluran kaya napatayo kaming lahat at binati siya, nagtungo ito sa harapan kasama ang isang lalaking may hawak ng nakatuping papel

"pinili ko kayong magtungo at manatili sa aking palasyo ng isang linggo upang gawing bakasyunan ang palasyong ito at sa labas ng palasyong ito, may ilang mga patakaran lamang akong gusto kong sundin niyo...." Pinatunog nito ang daliri kaya nagmamadaling binuksan ng lalaki ang papel na nakatupi at nagsimulang sabihin ang mga patakaran

Unang una niyang binaggit na huwag mag aaway away at gumawa ng gulo, respetuhin ang isa't isa, may curfew din dapat alas otso ng gabi nasa kani kanilang kwarto na at wala na dapat matitira sa labas marami pang sinabi kaya naririnig ko mga pag ayaw ng ilan sa ibang patakaran

"is this really a vacation?" Victoria whispered

Nagkibit balikat ako

Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now