chapter 15

1.8K 103 9
                                    

Kagat kagat ang ibabang labi na pilit kong tinutuon ang atensyon sa pamimingwit ng isda, mahigpit na din ang hawak ko sa hawakan ng pamingwit ngunit  hindi ko pa din mapigilang mapatingin sa gawi nila Mary, sa kabila ng tawanan at pag uusap nilang lahat rinig na rinig ko pa din ang pagtibok ng puso ko para akong nakikipaghabulan dahil sa bilis nun, nanginginig ang mga kamay ko, pinagpapawisan din ako kahit na malakas ang pag ihip ng hangin.


Mayabang na tumayo si Raefon na nasa tabi ko upang ipakita ang kakahuli pa lamang niyang malaking isda, pumalakpak ang lahat ako naman ay hindi mapigilang ikutan siya ng mata, nakakainis! Hindi lang siya ang nakakainis kundi silang tatlong magkakaibigan, nang makapunta na dito ang pinsan ni Mary ay agad silang lumapit sakin at tinabihan, hindi man lang ako hinayaang tignan ng mabuti ang mukha ng pinsan ni Mary at hindi lang ako nakipag shake hands.


Ngunit nung makita ko na nang malapitan ang mukha ng pinsan ni Mary ay hindi na ako mapakali at gusto ko na itong lapitan ngunit ang tatlo nanaman ay hinaharangan ang dadaanan ko upang makalapit sa pwesto nila Mary.


"Hindi pa nakakuha!" Dinuro ako ni Raefon at binelatan, pinakita sakin ang nahuli nitong isda "ok lang yan aking mahal na prinsesa maganda ka pa din naman kahit walang huli"


Everyone's laughed except for me.


Nahihiya tuloy akong tumingin sa pinsan ni Mary dahil baka makita ko itong tumatawa din, ngumuso ako at sinipa ang maliit na batong nasa paanan.



"Kung sa tutuusin ay mas maraming nahuling isda si Dio kaysa sayo" bulong ko sa sarili


"Narinig ko ang iyong ibinulong Cazimiya"



Nilingon ko si Edward na nasa kaliwa ko naman habang si Albert ay nasa kanan ni Edward, tinaasan ko siya ng kilay.



"Totoo naman ang sinabi ko----"



"Ano ang pinag uusapan niyo?" Ipinatong ni Raefon ang braso sa balikat ko kaya lumayo ako sa kaniya, kung nakamamatay lang ang masasamang tingin ay matagal na siyang nakahandusay sa damuhan at inuuod na



"Pinag uusapan namin si Dio" i hissed "sabi ko mas magaling pang mamingwit si Dio kaysa sainyo"



Pinanlakihan ko ng mata ang tatlo, sabay sabay silang tumingin sa kani kanilang mga timba, si Albert at Edward ay nakahuli nang dalawang isda habang si Raefon ay apat, matapos nilang tignan ang mga timba nila ay sunod nilang tinignan ang mga nahuling isda ni Dio....napangiti ako, dalawang timba na puno ng isda.



"Marami siyang nahuli ngunit makakakain ba natin yang lahat mamayang gabi?" Tanong ni Albert



"Hindi din natin alam kung malinis ba ang isdang nahuhuli niya" segunda ni Edward



"Edi yang mga nahuli niyong isda ang kainin niyo, ang arte niyo" tumayo ako at kinuha ang timba na wala pa ding lahat kahit ni isang isda



"Saan ka pupunta?" Tanong nilang tatlo sakin



Tinuro ko ang gawi nila Mary



Ang layo layo nila Mary samin, these three annoying prince dragged me here.



"Ayaw mo ba kaming kasama?" Edward asked at ibinaba ang pamingwit tsaka tumayo



Pilit na ngumiti ako, ayan nanaman silang tatlo haharangan nanaman nila ako para hindi ako makaalis sa pwesto ko, para silang mga batang ayaw paalisin ang kanilang nanay



"Umalis nga kayo sa dadaanan ko"



Itinaas ng tatlo ang kanilang mga kamay tsaka gumawa ng bilog, nasa loob ako ng bilog at sobrang lapit ng mga katawan nila sakin



Reincarnated as a villain(COMPLETED)Where stories live. Discover now