CHAPTER 4

1.9K 75 1
                                    

GIOVANNA

Ngayong araw nila sisimulan gawin ang plano sa pag-aayos ng pagdadausan ng kaarawan ng matandang De Tierra. May nagpuputol ng mga kawayan, dahon ng niyog at kung ano-ano pang resources na makikita dito na gagamiting pang-disenyo sa event.

Nandito kami sa katabing lote ng mansyon ng mga De Tierra para linisin ito. Hindi naman ganon kalawak but it is already enough to accomodate huge amount of people who will attend on this coming birthday celebration.

From my point I have seen the huge mansion of De Tierra that screaming the design of a rich family. It's a mediterrenean design. "Ang ganda." sambit ko at natulala ako sa magandang disenyo ng mansion.

May tumulak sa akin ng mahina. "Iha, walang matatapos kung tutulala ka lang diyan. Marami pa tayong lilinisan." sabi ng isang babae na may edad na kasama rin namin sa paglilinis. Tumango naman ako at agad na nag-walis gamit ang walis ting-ting.

Ang ipinagpapasalamat ko ay napalibutan kami ng matatayog na puno kaya kahit malakas ang sinag ng haring araw ay hindi kami masyadong naiinitan at mahangin pa.

Nililinis namin ang mga tuyong dahon mabuti na lang at purong semento ito at hindi lupa kaya madali lang linisin. Pagkatapos namin linisin ay naglagay ang mga lalaki ng malaking net sa itaas para hindi malaglagan ng mga dahon na babagsak mula sa mga puno.

Magkasama kami ni Chandra ngayon dito at naka-upo kami sa dulo habang nagpapahinga. May dalawang bote ng eight ounce na soft drinks at tig-isa kami ng cracklings bilang meryenda namin.

"Hindi ko inakala na kaya natin gawin ang mga 'to dito." sabi ni Chandra at tila proud sa sarili niya kaya ngumiti ako at sumang-ayon. "Masarap mamuhay ng simple. 'Yung may sapat kayong pera at pagkain at syempre may masisilungan sa araw-araw." sabi ko sa kaniya at huminga ng malalim.

The lives we had in London is so far from what we are living right now. My father won't even let me hold a broom but now I am sweeping a dirty floor. Wala akong pinagsisihan dahil natutunan ko ang isang buhay; ang buhay ng isang mahirap.

Tahimik kaming nagpapahinga ni Chandra dito dahil itutuloy namin ulit ang paglilinis. Dahil ang kinaroroonan namin ay malapit lang sa parking lot ng mga De Tierra. May mga asungot na dumating, sunod-sunod silang dumating at ipinark ang kanilang mga mamahaling kotse.

Dahil palaging wala ang mga lalaki sa pamilyang ito at madalang lang silang makita, ang mga kasama namin dito ay nagpunta sa gawi namin para tignan ang mga batang De Tierra.

Lahat ng kasama naming babaeng teenagers ay tumitili at may kasama pang hampas. 'Yung isa nahampas pa niya ang ulo ko kaya tinignan ko 'yon at sinamaan siya ng tingin. "P-pasensya na, Ate." saad niya at umirap lang ako dito.

Unang lumabas sa sasakyan ang pinaka-panganay na apong lalaki. Sylvester. Wearing his all-black outfit with his white gucci sneaker and his dark sun glass. Ngumunguya pa ito ng chewing gum at nakapamulsang naglakad papasok sa kanilang tahanan. Sumunod naman ang mga kasama niyang pinsan. They are like royalties.

"Crush ko na 'yung lumabas sa Black BMW Z4 Convertible." sabi ni Chandra at tila nag-daydream pa ito kaya inikutan ko siya ng mga mata. "May crush ka diyan? Ipinagpapalit mo na si Juancho?" tanong ko sa kaniya at napasimangot naman ito.

"Mare, matagal ko nang hindi crush 'yon." sabi niya sa akin at kinurot pa ang bewang ko kaya napaigtad ako. "Ano ba." sabi ko sa kaniya. Pinagpawisan na ako dahil naka-kumpol sila sa amin. "W-wala na po sila diba? Kaya atras na po tayo." maalumany kong saad at tila nahimasmasan naman sila kaya agad silang umalis na parang wala lang.

"Siguro, kapag sinabi ng mga De Tierra na lumuhod sila, luluhod sila." sabi ko at pinunasan ang pawis ko sa aking noo gamit ang panyong dala ko. "Sino naman ang hindi? Tunay na pinagpala ang mga mukha nila at kung maaari lang ay magpapaanak ako sa crush ko para man lang mabiyayaan ng magandang lahi, gagawin ko." sabi ni Chandra kaya sinapak ko siya sa braso.

Hearts and Blood (COMPLETED)Where stories live. Discover now