CHAPTER 18

1.8K 66 0
                                    

ALEXANDRÍA GIOVANNA

Nagising ako sa may humahaplos sa kamay ko at pagkamulat ko ay si Papa. "What happened?" I asked him and my eyes roam the place and I realized that we are at home. "You passed out, anak. Mabuti na lang may empleyado tayong nakakita sayo." sabi ni Papa sa akin.

"Anak, tungkol--" magsasalita na sana siya pero sumenyas ako na huwag muna siyang magsalita. "I prefer not to hear anything that relates to her." sabi ko at tumango naman siya. "Nanay Sheila cooked a soup for you." iyon na lamang ang nasabi ni Papa.

Kinain ko ang soup na iyon habang pinapanood lang ako ni Papa. Pagkaraan ay pumasok sa loob si Nanay Aida habang karga si Gianna. "Hello, mommy." bati ni Nanay Aida kaya napangiti ako.

"Sandali lang, anak ha. Uubusin lang ni Mommy 'to." I said and she just stared at me. Si Gianna na ngayon ang pinagkaabalahan ni Papa. "How is my apo? Na-miss mo ba si Lolo?" tanong ni Papa dito at si Gianna naman ay tila nakikipagusap na kay Papa kaya tuwang-tuwa ang huli.

Alas singko na ng hapon nung naisipan ni Papa na utusan kami na bumili ng mga wines dahil ubos na pala ang mga stocks namin. Naglalambing si Gianna sa akin kaya ngumuso ako. "Ito na naman ang mahirap tuwing aalis ako eh naglalambing itong anak ko." sabi ko at si Papa ay natatawa na lang.

"Anak, ganiyan ka rin sa akin kaya madalas akong maagang umaalis ng bahay dahil kapag naglalambing ka sa akin. Nahihirapan akong iwan ka." kwento ni Papa at tila nanlambot ang puso ko doon. "Anak, hindi kita pwedeng dalhin sa labas dahil masyadong malamig para sayo ha. Dito ka lang muna." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Pinatulog ko muna bago ako umalis ng bahay. Si Chandra ang nagmamaneho ng sasakyan namin na hiniram ko kay Papa. May nadaanan kaming coffee shop kaya huminto muna kami at si Chandra ang inutusan kong bumili ng kapeng mainit.

I saw Dr. De Tierra and her husband going out from the same coffee shop and I remembered what happened earlier. "She may be my biological mother but she's just a stranger to me." I said firmly and I filled my lungs with air. I look at my phone when a notification came in.

From: Juancho

Pabili nga rin daw ng loafbread at nutella sabi ni boss.

I rolled my eyes and type a message for him.

To: Juancho

Potassium.

I chuckled upon my reply to him while waiting for Chandra I browse in facebook to entertain my bored ass right now pero agad din akong na-bored kaya naisipan kong lumabas ng kotse. I don't care if they are here and aside from it I made myself clear that she should stay away from me.

I felt cold when I noticed that I am not wearing a scarf. "Ang bobo naman Giovanna!" sabi ko sabay tampal sa noo ko. I was shocked when someone handed me a scarf so I look at that person. It's no other than Sylvester Damon in flesh.

I felt like the world stop from revolving and the snowflakes were stopped from falling. His physical appearance changed. "Don't let yourself get sick." he huskily said and I was just standing there.

My heart beats faster with a pain. "Thank you but I don't need it. I can manage myself." I said to him and left him there standing and his hand on the air. May mga ibang tao na napapatingin sa kaniya dahil kahit ganon ay may hitsura pa rin siya.

I calm myself when I entered the coffee shop and never look back. "O-oh Giovanna bakit ka pa sumunod dito? Nandito sina ano." sabi niya sa akin at tumango ako. "Ang tagal mo naiinip ako." iyon na lamang ang pinili kong sabihin. Tumango siya sa akin.

Pagkalabas namin ay hindi ko na nakita ang hinayupak na ipinagpasalamat ko naman. Hindi ko na lang sinabi kay Chandra dahil chichikahan lang niya ako. Sumisimsim ako ng mainit na kape nung nagsalita si Chandra.

Hearts and Blood (COMPLETED)Where stories live. Discover now