CHAPTER 15

2K 66 2
                                    

THIRD POINT OF VIEW


Halos mahimatay na si Andrea mula sa nalaman nila sa doctor na nag-asikaso sa pamangkin niya. Giovanna almost gave up her life but her doctors and nurses did not allowed it. Si Alexander naman ay tila nauupos na kandila habang paupo siya sa mga upuan na nandidito. Napahawak si Alexander sa kaniyang tuhod at iyinuko ang ulo habang lumuluha ito dulot ng nalaman tungkol sa unica hija niya. 

Dumating naman sina Brooklyn upang alamin sa doctor ang kalagayan ni Giovanna. Nakaalalay si Juancho kay Chandra na ngayon ay tulalang nakatingin sa sahig. Pinapaypayan naman ni Alex ang dalawang matanda na nanghihina parin dulot ng matinding kaba at takot para kay Giovanna. Brooklyn looked around and her heart hurts because she knows that these people who surrounds Giovanna filled her position in Giovanna's life. 

"Dr. Briones, what's the update for Giovanna?" tanong niya sa kabaro nitong hinihilot ang leeg. "We already removed the blood clots on her head and she's still in a critical state. Her body almost gave up awhile ago." Dr. Briones said to his co-doctor. Nasapo ni Brooklyn ang noo niya at huminga ng malalim. "We transferred her in the VIP room." balita nito sa kaniya at nagpasalamat naman siya sa doctor. 

"Honey, do you want to go home? At your state right now, you can't perform your duty." sabi ng kaniyang asawa sa kaniya pero umiling lang siya. "I want to see Giovanna." Brooklyn said but they were interruped by a loud sound of cleared throat. "You are only allowed to see Giovanna but you can't get near to her. I am giving you ten minutes to catch a glimpse of her." malamig na sabi ni Alexander dito."

"Alexander, alam kong galit ka sa akin pero isantabi mo muna ang bagay na iyan. Nasa panganib pa rin si Giovanna." sabi nito sa lalaking nakatayo lang sa harapan nila at malamig na tingin ang iginagawad nito sa kanila. "And what? Kailangan ka niya?" Alexander sarcastically said. 

"Hindi ka niya kailangan. Paggising niya hindi ikaw ang una niyang hahanapin or hindi ka niya maalala. This place is not suitable for Giovanna, this is not the right place for my daughter." Alexander said and threw dagger look to Sylvester who remain his head bow. Hindi niya kayang kalabanin ang mga tingin na iginagawad sa kaniya ng mga taong nagmamahal ng tunay kay Giovanna. 

Nagmamahal ng tunay... Sylvester painfully thought. 

"W-what do you mean?" tanong ni Brooklyn dito. "Once the doctor announces Giovanna as not in critical state, I will transfer her in London where she really belongs." Alexander said at nakapamulsa itong naglakad paalis pero tumigil siya dahil nagsalita si Brooklyn. "Ilalayo mo siya sa akin?" tanong ni Brooklyn dito. 

Gusto niyang bumawi sa anak! Gustong-gusto niyang marinig na tawagin siyang Mama ni Giovanna. Nasasaktan siya sa kaisipang walang matawag na ganon ang batang si Giovanna hanggang sa paglaki. At nasasaktan siya dahil siya ang mismong nagdulot noon sa puso ni Giovanna. 

Uminit ang ulo ni Alexander sa tanong ni Brooklyn. "Ano ang gusto mong iparating na ako ang dahilan kung bakit hindi mo nakapiling si Giovanna? Brooklyn, baka nakakalimutan mo? Pagkatapos mong isilang si Giovanna ilang oras lang ang lumipas ay umalis ka at nang-iwan ka ng sulat. Dahil sa laki ng kasalanan ko sayo dahil ipinilit kong buhayin mo si Giovanna sa sinapupunan mo kahit ayaw mo ay nirespeto ko ang gusto mo. Hinayaan kitang umalis ni hindi mo man lang sinulyapan ang batang nanirahan sa loob mo ng siyam na buwan. Ngayon mo sa akin sabihin, ako ba ang naglayo sayo kay Giovanna? Hindi ba't ikaw din naman?" saad ni Alexander. 

Hindi niya gustong ungkatin ang nakaraan pero dahil sagad na sagad na siya sa araw na 'to. He lost the captain of his alpha team and now his daughter is still in danger. His mind is in chaos. 

Hindi naman nakaimik si Brooklyn at tahimik na lumuha saka naglakad na paalis si Alexander at sumunod naman sa kaniya ang kapatid na si Andrea at iba pang kasama nila kanina. Tumapat si Andrea sa harapan ni Brooklyn. "Huwag kang mag-alala, Brooklyn. Inako ko ang lahat ng responsibilidad ng isang ina bukod sa pagpapasuso kay Giovanna. Hindi lumaking may kulang si Giovanna." sabi ni Andrea dito at tuluyan na itong sumunod sa kapatid. 

Hearts and Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon