CHAPTER 37

1.3K 32 2
                                    

Warning: SPG

ALEXANDRÌA GIOVANNA

"This is your Captain Lomosad and the rest of the cabin crew, thank you for flying with us! See you again on board!" the captain of the plane announced. Nagsimula nang tumayo ang mga tao sa loob ng eroplano at huli kaming tumayo dahil ayaw namin makipagsiksikan sa mga tao na papalabas ng eroplano.

Buhat-buhat ko ang natutulog na Gianna sa balikat ko at si Sylvester naman ang mga bagahe namin. Sakto namang lumabas ang kapitan mula sa cockpit at tumango siya kay Sylvester.

"He is one of my classmates in highschool," bulong ni Sylvester sa akin kaya tumango naman ako. Nagkausap sila ng ilang saglit at lumabas na kami ni Sylvester.

"Gianna, nandito na tayo sa Philippines," sabi ko sa kaniya at humalik sa matambok niyang pisngi. Nagising naman siya at naginat ng mga kamay. Sinalubong kami nina Mama at Tito dito sa airport.

"How's your flight?" tanong ni Mama sa akin. "It's good, Mama," saad ko saka humikab. Dala-dala naman nina Sylvester at Tito Dario ang mga bagahe namin.

"Kailan naman susunod sina Papa mo?" tanong sa akin ni Mama na ngayon ay buhat na niya si Gianna. "Next week daw, Ma," sagot ko naman at tumango siya. I smiled suddenly because I am here again to get married.

Dahil nagpupunta lang naman ako dito dati para sa mission ko, the underground society is at peace as of the moment. Siguro dahil wala na si Alistair Samonte na pangunahing kontrabida sa mga transaction ng underground society dito sa Pilipinas.

His businesses are now under Sylvester's wings. Pauwi na kami ngayon sa Nueva Ecija dahil doon namin naisipan pareho ni Sylvester na magpakasal because why not? That's the province where we first met. The place of our everything.

Ang bahay na tinirhan namin noon ay ipina-renovate pala ni Papa into two-storey house and became our rest house. Kinakabahan ako dahil ngayon ko ulit makikita ang mga taong nakasalamuha ko noon, ang mga taong naging kaibigan ko baka nagtampo sila ng malala sa akin.

"What's bothering you?" tanong ni Sylvester sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Umiling lang ako saka huminga ng malalim. "The people in our town knew about the real you," sabi nito sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

Kinabahan tuloy ako.

"A-anong sabi nila? Nagalit ba sila kasi nagsinungaling ako?" tanong ko sa kaniya. Kahit sino naman magagalit sa ginawa kong pagsisinungaling pero gusto ko lang naman maging ligtas kaming lahat.

"Hindi dahil sinabi ko rin kaagad ang dahilan kung bakit mo nagawang magsinungaling. Especially your friends there, they always ask to me or Lancelot about you and Chandra," sabi niya sa akin kaya nanubig ang mga mata ko.

Sobrang guilt ang nararamdaman ko ngayon dahil iniwan namin sila ng walang paalam, ni walang kasiguraduhan na babalik kami.

"G-galit ba sila sa akin, sa amin?" tanong ko sa kaniya. We have social media accounts and yet I never tried to be reconnected with them kasi akala ko hindi na ako babalik dito. I know, it's a bad side of me.

He shook their heads. "Hindi naman sila ganoon, they are working in our family now as our maids kaya makikita mo rin sila doon mamaya," sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka pinisil ito. "Stop worrying about it, babe. Kung paano mo sila iniwan, ganoon pa rin ang babalikan mo," sabi niya sa akin at hinalikan ang kamay ko and somehow it soothes me.

His hand on mine is already enough to give peace in my chaotic feelings inside. Iidlip sana ako pero biglang humingi ng gatas si Gianna at gagawan ko sana ito pero inunahan ako ni Sylvester.

Hearts and Blood (COMPLETED)Where stories live. Discover now