CHAPTER 8

1.6K 68 0
                                    

GIOVANNA

Sermon ang aking inabot sa kanilang tatlo pagkahatid sa akin ni Sylvester dahil kasabay noon ay pagbibigay-alam niya na kami na. Normal lang naman ang reactions nila dahil umalis akong single at bumalik naman akong in a relationship pero kalaunan ay natanggap din nila.

Lalo na si Chandra na tila isang nanay ko na nakahalukipkip pa ito habang nakaupo sa tabi nina Nanay Aida.

"Giovanna, baka malaman na lang natin na may bata diyan sa sinapupunan mo ha." seryosong sabi niya sa akin at nag-init naman ang mukha ko. "G-grabe ka naman!" namumulang saad ko pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Tandaan mo, Alexandría Giovanna. Babalik pa tayo sa kung saan tayo galing at pansamantala lang ang paninirahan natin dito para sa proteksyon mo. Hinayaan ka namin sa pakikipag-relasyon mo kay De Tierra dahil ayaw naman namin na maramdaman mong sinasakal ka namin sa pagiging mahigpit." saad niya at tumungo ako. "Naiintindihan ko, Chandra." ani ko sa mababang boses.

"Mabuti naman kung ganoon, Giovanna. Let's sleep now." sabi niya saka naunang tumayo, tumingin naman ako kina Nanay na tumango lang siya sa akin kaya sinundan ko si Chandra. Tumabi ako sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway papunta sa magkatabi naming kwarto. 

"Giovanna, sinasabi ko sayo." seryosong saad niya kaya tumango ako. "Alam ko, Chandra. I am not going beyond the limit. Hindi bale na pagtawanan niya ako." sabi ko sa kaniya at tumango siya. "At kung siya ang lalaking para sayo, alam niya kung paano maghintay para sa tamang panahon hindi porket adults na kayong dalawa." saad niya at tumango-tango naman ako. 

That night I called my father to tell about it dahil alam kong makakarating at makakarating sa kaniya ang balitang iyon hindi man manggagaling kina Nanay at Chandra ay manggagaling naman sa mga tauhan niya baka umuwi pa iyon dito ng wala sa oras. I cannot risks our sacrifices. 

"Bakit ang bilis naman, anak?" tanong ni Papa sa akin at dumapa naman ako ng higa sa aking kama. 

"I want to experience on having a boyfriend who doesn't really know my name. I don't want a man to take advantage on our family, Papa." I said to him at tila nanahimik ang kabilang linya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. 

"Alexandría Giovanna, don't get pregnant yet or better never involve yourself in a pre-marital sex." Papa said at napakamot naman ako sa aking ulo. 

"Parehas lang kayo ni Chandra, Papa. Why are you thinking those things ba?" I asked him and I heard him scoffed. 

"Nagbibigay lang ako ng warning, anak. Huwag mong masasamain iyon dahil una sa lahat hindi ka isang Domingo. You are a De Rossi, the grand daughter of one of the wealthiest man in Italy." paalala ni Papa sa akin at tumango-tango naman ako kahit hindi niya nakikita. 

"All right, Papa. I am going to sleep na. Please take care of yourself, you'll bring me home pa diba?" I said to him. 

"I am glad that you admitted it to me, anak." he said so I smiled. 

"You are my Papa." I said to him and I hope those questions he has in his mind will be answered by what I said. He is my Papa and that answers all questions that might be circulating in his head. Alam kong nagtataka si Papa samantala ibang anak diyan na natatakot silang umamin sa mga magulang nila pero ako kasi, si Papa na lang meron ako. 

Kinaumagahan ay tumulong ako sa pagbibilad ng mga palay sa isang patag na semento. Ginawa pala nila ito para may mapagbiladan sila ng mga palay na naani nila. Lumapit naman sa akin sina Betty habang may dala-dalang sako na walang laman. "Mare, totoo ba na kayo na ni Sir Sylvester?" tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya at tumango. 

Hearts and Blood (COMPLETED)Where stories live. Discover now