CHAPTER 13

2K 56 0
                                    

GIOVANNA

Tulala kaming dalawa ni Chandra habang nakatingin sa may private plane na nirentahan ni Papa na maghahatid sa bangkay ni Francis at kina Juancho pauwi ng London.  I will not waste your sacrifices for me, Francis. You sacrifice your life for me to live. Bago pa pumasok siJuancho sa loob ng private plane. 

"Juancho, 'yung anak ni Francis. Look for her and let her stay in our house." sabi ko sa kaniya at tumango siya sa akin. "Babalik din kami mamaya ng gabi dito." sabi niya sa akin at tumango ako sa kaniya. "Safe skies." I told him and he nodded. After that sumakay ako sa sasakyan na nandidito. 

Palabas na kami ng airport nung nakita kong nasa ere na rin ang eroplanong sinasakyan nila. My tears rolled down again on my cheeks at tuluyan na akong humagulgol habang nakatakip ako sa aking mukha. 

I will give him a justice. 

Alas tres na ng umaga. "Tulog ka muna, Giovanna. Alas tres na ng umaga. I got you." mahinang sabi ni Chandra sa akin at tumango ako. Sumandal naman ako sa head rest at pinanood ang ilaw ng Manila. 

Manila? Napabangon ako. "Nasa Manila tayo, right? Alam mo ba kung nasaan ang condo nina Sylvester?" tanong ko kay Chandra. I want to see him because I missed him already. Chandra nodded. "Pero paano kapag nagtanong kung ano ang ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin kaya napayuko ako. 

"I'll cross the bridge when I get there." sabi ko sa kaniya and Chandra said to our driver the address of the condominium of De Tierra's cousins. Binigyan ako ni Chandra ng bagong damit at pantalon, she even gave me a jacket and fixed my hair. We parked around the vicinity of the area at pinalabas muna namin 'yung dalawang lalaki na kasama namin sa loob ng kotse. 

Chandra helped me to get dressed. She even put make up on my bruises in my face. "Kung si Sylvester ang makakapagpagaan ng kalooban mo, hahayaan kita pero hihintayin kita diyan sa labas ng building if anything happens don't hesitate to call me, Giovanna. Saka just update me na lang sa desisyon mo ha." bilin niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa entrance ng building. 

"Good morning, ladies. Hindi po kayo maaring pumasok sa loob kung hindi po kayo residente dito." sabi sa amin nung guard kaya napakamot naman ako ng ulo. "Bibisitahin ko sana po 'yung boyfriend ko na si Sylvester Damon De Tierra doon sa may fiftieth floor." sabi ko sa kaniya at tila naniwala naman siya. He even scanned me if I am carrying weapon so when I am cleared he let me go. 

Pagkapasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang fully-airconditioned place kaya nagpapasalamat ako na binigyan ako ni Chandra ng jacket at hindi ko alam kung paano nalalaman ni Chandra ang lahat ng ito. Pumunta ako sa may elevator at pinindot ang button number fifty. I look at my wrist watch and it's already four o'clock in the morning. Mabilis akong nakarating sa may floor niya at ang bumungad sa akin ay ang mahabang hallway saka sa dulo nito ay nag-iisang pinto. 

So this is an executive floor. The higher your floor requires higher amount of money. De Tierras are rich as fuck naman so they can afford floors like this. Siguro sa mga next floors paitaas ay pagmamay-ari ng mga iba pa niyang pinsan. Maglalakad na sana ako papunta sa may pinto nung may narinig akong tawanan ng mga kalalakihan sa gilid. Bago ka makarating sa pinto ni Sylvester madadaan mo pala itong terrace na ito. Nagtago ako sa pader. 

"Sylvester, hindi ba boring ang buhay mo sa probinsiya?" tanong nung isang lalaki at dahan-dahan akong sumilip they were four of them including Sylvester. Wala rito ang mga ibang pinsan niya at ang hula ko ay mga kaibigan niya ito. 

"Why would be? I have a girlfriend there." Sylvester answered and drink his alcohol on his glass. Tumawa naman sila at tinapik pa ang balikat ni Sylvester. "Masyado mo naman dinidibdib ang relasyon niyo ng Giovanna na 'yon. Eh alam naman natin na hindi ka seryoso sa kaniya." sabi nung isang nakasuot ng maroon na shirt. 

Hearts and Blood (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon