CHAPTER 5

1.9K 83 6
                                    

GIOVANNA

May malisyosong tingin si Chandra sa akin habang binibilang ko sa aking kamay ang sweldo na binigay ni Sylvester kanina sa akin. "Ano ang gusto mo? Ililibre kita." sabi ko sa kaniya pero may naglalarong ngisi sa kaniyang mga labi at mata nitong nang-aasar.

"Sinusuhulan mo ba ako para di ko sabihin kina Nanay kung bakit tayo ginabi?" tanong niya sa akin. Ibinulsa ko muna saka tinignan si Chandra ng matalim. "Kahit samahan pa kita kung 'yan ang gusto mo kasi una sa lahat wala naman akong ginawang masama. Naglinis lang naman ako ng sasakyan niya." sabi ko sa kaniya.

Lumabi ito at minomock pa ako kaya umirap lang ako sa kaniya. Naglalakad kaming dalawa pauwi ng bahay. May mga poste ng ilaw ang bawat nilalakaran namin at hindi rin nawawalan ng ilaw sa mga palayan, syempre mga kabahayan. Kaya maliwanag ang buong lugar.

"Pero huwag kang magkaila, Giovanna. Maganda ang katawan nung Sylvester 'no? Tangina, mare! Nakita ko siyang hinubad niya ang pang-itaas na damit niya!" sabi ni Chandra at pinalo-palo pa ang braso kong nanakit dahil sa pangangalay.

"Yes. I am not going to be hypocrite here, he has a gorgeous body." I said at pumalakpak naman siya. "You are so blessed!" saad ni Chandra kaya inikutan ko siya ng mga mata. Ilang lakaran pa at chismisan ang lumipas nung matanaw na namin ang aming tahanan.

Nakita ko sina Nanay na naka-tayo sa may harap ng gate na nag-aabang sa amin. Hihingi na lang ako ng paumanhin dahil pinag-aalala namin sila.

Nung makalapit na kami sa kanila ay inulan kami ng sermon bago kami naka-pasok sa loob kaya ngumuso ako sa kanila. Kumapit ako sa mga braso nina Nanay Aida at Nanay Sheila para maglambing na patawarin na nila kami ni Chandra.

Naligo muna kami at kumain na ng pang-gabi pagkatapos noon ay kinausap ako nina Nanay Aida at Nanay Sheila sa aking kwarto dahil katatapos din nilang kausapin si Chandra.

Naka-upo ako sa aking kama habang naka-tayo silang dalawa sa aking harapan. "Mali ang ginawa ninyong umuwi ng hindi natin napag-usapan na oras, Giovanna." madiin na sabi ni Nanay Aida kaya tumango ako saka ngumuso.

Galit talaga sila dahil sa tono ng boses ni Nanay Aida at base sa mukha ni Nanay Sheila. Alam naman namin ang pagkakamali namin at nauunawaan ko rin ang galit nila dahil pinag-aalala namin sila.

"Giovanna, wala sa mundo ang ligtas na lugar para sayo, sa inyo. Pero dito ang pinili ni tatay mong lugar para sayo dahil hindi maiisip ng kalaban natin na nandidito ka kaya sana naman, anak. Huwag niyo ng uulitin ito ni Chandra." Nagsusumamo ang boses ni Nanay Aida at hindi ko maiwasan makaramdam ng guilt.

Bad trip kasi itong si Sylvester! Because of him I am in a hot seat! Bumangon ang nanahimik kong inis kay Sylvester.

"Opo, mga Nanay hindi na po namin uulitin ni Chandra. Kung gagabihin man po kami ay sasabihin din namin sainyo agad at sa susunod ay dadalhin na namin po ang mga cellphones namin." sabi ko sa kanila dahil nakalimutan kong dalhin kanina.

"O sige bilang parusa ay hindi kayo maaaring lumabas ng gate mag-hapon ni Chandra kaya dito lang kayo. Ibinigay ng tatay mo ang buong otoridad na parusahan ka kapag may nagawa kang mali. Pero gaya ng nakagawian ay magwawalis ka pa rin sa labas bukas nagkaintindihan ba tayo, Giovanna?" tanong sa akin ni Nanay Sheila at tumango naman ako sa kanila.

Lumabas din silang dalawa at pinatay na nila ang ilaw sa aking kwarto. Kinuha ko naman ang cellphone kong nasa ibabaw ng bed side table ko.

Unang bungad sa akin sa Facebook ay ang shared post ni Chandra. Ang larawan ni Sylvester kasama ang mga pinsan niyang lalaki habang nasa labas sila ng bar. I scoffed as I see his annoying grin on his face.

Hearts and Blood (COMPLETED)Where stories live. Discover now