Friend Zone

13.8K 446 23
                                    

CHAPTER FIVE

Y u r i

🎶 Radiohead, Creep

Mula nang halikan ko ang babaeng 'yun, hindi na siya mawala sa aking isipan. I was in the car with my twin, but we were both silent. Kung kahapon, ang ingay naming dalawa dito sa loob ng sasakyan, ngayon naman, tila parang may takip sa aming mga bunganga dahil sa katahimikan. She was just looking at me questionably. Alam kong nalaman na niya ang tungkol kay Kai, pero bakit hindi niya ako kinukulit tungkol dito?

"What did you do to the girl?" Tanong ko sa kanya. Baka pinabugbog na pala niya si Kai, my gosh. My sister does things that are not necessary. Basta-basta na lang 'yan nagdedesisyon. She's impulsive, and so am I, but she's a lot worse than me. "Ice, talk to me."

"We should kick her out," Pahayag nito. Kumunot naman ang aking noo. Bakit naman ako papayag na ma-kick out ang isang inosenteng babae sa Scarlet Rose U nang dahil sa akin? "I don't like her," Sa lahat ng rason nito, ito ang idinagdag niya. "And you kissed the girl. A stranger."

"Says the girl who made out with people with no names." Ice grunts lowly. Oh, guilty. "You don't like her because I kissed her and now she's a threat?" Tinaasan din ako ng kilay ni Ice. Tumawa lang ako. "Or you don't like her because she's way hotter than any of your girls in ScaR U?" Alam kong magsasalita na naman si Ice, kaya naman pinangunahan ko na siya. "Don't touch her, Ice. I mean it."

"Oh, please! Don't tell me you fell in love with her already?" My twin hissed and I just laughed. "The kiss didn't even last for a minute." Malapit na kami sa aming iskwelahan nang bigla naming nakita ang babaeng aming pinag-uusapan. Naglalakad siya sa labas ng campus papunta sa Main Gate. "Wait, is that the girl?"

"Yep. That's her."

Kinabahan ako nang makita ko si Boone sa kanyang likuran. Si Boone ang football star na manyakis. Ang modus niya ay kuhanan ng litrato sa pwet ang mga babaeng kanyang matitipuhan, atsaka ito ipapakita sa kanila. He'll use it to blackmail these girls para makatabi niya sa kanyang kama. "What are you waiting for? Be the hero, my dearest twin."

"Should I?"

"You should."

I c e

At dahil nga sa sinabi ko ay agad na lumabas ng kotse si Yuri. Nakita kong nag-flash ang telepono ni Boone. He got what he wanted. Pailalim pa ang kuha. Pare, papasa naman nyan! Ito naman kasing babaeng 'to, nakayuko na kung maglakad, ang bagal-bagal pa, tapos siguro ang lakas ng volume ng pinapakinggan niya sa kanyang itim na Audio-Technica headphones, saw the logo on the headband, kaya naman hindi niya naririnig si Boone na tumatawa sa kanyang likuran. So reckless.

"Sige nga, Yuri, tignan natin kung pa'no ka dumiskarte," Bulong ko sa aking sarili habang naghihintay kung ano'ng aksyon ang gagawin ng aking kambal. "Hey, what are you doing? Beat the shit out of him!" Hindi naman niya ako maririnig dahil nasa loob ako ng sasakyan. "Yuri!" Bumaba na ako ng sasakyan upang tulungan ang aking kambal. "Ugh!" Pinapatigil niya si Boone sa pagkuha ng litrato pero ayaw nitong makinig. Palibhasa kaibigan ng nanay ko ang ama nito kaya hindi ko mapaalis ang gagong 'to dito, eh. "I told you to be the hero."

"He's not listening!"

"Oh, damn, he will." Dahil namumula na sa inis si Yuri, ako na ang sumapak kay Boone. I don't care if he's a football player, I can assault him. Itinulak ko si Boone sa pader. "Give me the phone, asshole."

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Where stories live. Discover now