Already Taken

14.3K 454 42
                                    

CHAPTER SIX

I c e

"Volleyball tryouts after class!" Sigaw ni Jackie sa D-3-1. Inutusan ko kasi siyang ipahayag 'yun sa loob dahil, um, basta. Hindi naman sa dahil gusto kong mag-tryout itong si Kai para makasama ko siya tuwing weekends, o kaya naman ay araw-araw 'pag malapit na magsimula ang bagong season, kundi dahil... ah, basta. Gusto ko nga, eh.

"Is she there?" Pabulong kong tinanong kay Jackie. Ito namang si gaga, tinanong sa buong klase kung nasa loob daw ba ito. "Engot! Ba't mo sinigaw?!" Napatingin daw si Kai sa kanya. Buti na lang at hindi niya sinabing ako ang nagpapatanong. Wala din daw si Yuri sa loob. Hay, nasa rooftop na naman 'yun, nag-iisip.

Isinara ni Jackie bigla ang pintuan. "Yung totoo, Ice, type mo ba si Kai?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ganun din ang ginawa nito sa akin. "O, gusto mo siyang sirain dahil parang wala siyang kainte-interes sa'yo? Nakausap ko kasi si Mason, eh."

"Bulag ka ba, Jackie? Alam mong type siya ni Yuri. Ngayon na nga lang 'yun magkakainteres ng ganyan sa isang tao, aagawan ko pa?" Napatahimik siya sa sinabi ko, although I know it's a lie. "Pakiramdam ko, may gusto rin si Briones sa babaeng 'yan."

"I'm thinking that this year's big school project is not easy to finish." Of course, she was referring to Kai. Natatawa si Jackie. Ano'ng problema nito? "You haven't even met the girl personally, Ice, and you're acting like that." Isa pa, ipapa-bully ko na 'to. "Umamin ka na kasi," Pilit ni Jackie sa akin. Oo nga naman, hindi ko pa nakilala yang babaeng 'yan sa personal, pero parang naiintriga na ako sa kanya. Sobra.

"What do you want me to say?"

"Ice, whether you like it or not, I am somewhat your friend."

"You made it sound like I don't have any friends, Jackie. Of course, we are."

"Mana ka rin sa nanay mong matigas sa una, pero sa kaloob-looban, ang lambot. Marshmallow!" At inasar pa talaga ako. She has a point. Victoria Valmont, parang ako nga siya. Mas Victoria ako kaysa kay Yuri. Noong una kasi, ayaw din niyang umaming mahal niya yung pulis na nagmamanman sa kanya, pero hindi naglaon, siya pa ang unang nagpahiwatig ng pagmamahal. Pakipot pa si mudra, eh, gustong-gusto naman. "Hay, naku, Ice, bibigay ka rin."

"Tse, tigilan mo nga ako." Hinawi ko si Jackie at naglakad palayo sa classroom nina Kai at Yuri. Paakyat ako ngayon sa rooftop para tignan ang aking kapatid. "Samahan mo na lang ako sa taas, bago tayo pumunta sa mga kaklase mong nakakakilala sa mga nangharang kay Kai kanina." Maturuan nga ng leksyon yung mga 'yun.

"Ang galing ni Kai, natuhog niya kayong dalawa ni Yuri. Ang sarap niyo sigurong klase ng barbeque." Siniko ko si Jackie. Natawa rin ako sa sinabi niya. "Ano kaya ang sawsawan nyan?" Mas lalo kong nilakasan ang pagsiko ko kay Jackie. "Patikim naman."

"Kung hindi lang kita kaibigan, siguro bugbog ka na, Jackie."

"Oh, the perks of being a Victorian friend."

"Halika na nga, hayaan na lang natin si Yuri dito." Bumababa na kami ni Jackie. Palabas na kami ngayon ng Delorean. Medyo malapit lang din yung Debonair Building dito sa gusali nila, dun kami nagkaklase. "Ice, 'yun yung mga kumompronta kay Kai kanina, o." Agad ko namang nilapitan ang mga babaeng itinuro ni Jackie. "Hala, lagot."

Kinuha ni Jackie ang bag ko. "So," Napalunok ang limang mga babae nang lapitan ko sila. I folded my arms and gave them a serious look. "...ano'ng drama naman yung ginawa niyong pagharang kay Kai kanina?" Magsasalita palang sana sila pero inunahan ko na. "If you ever try embarrassing that girl again, I will make Jackie and the rest of the IT team edit your pictures before posting them on Red." They shrieked. Seriously, they did. Akala mo naman ang gaganda para mapapangit pa. "You got that?" Tumango sila. "Warn your friends; nobody touches Kai. She's our girl."

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Where stories live. Discover now