Apology Accepted

8.1K 310 12
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

K a i

"So, you and Yuri are okay now, huh? That's great."

"I think so, yeah. Nginitian nga niya ako kaninang nagkaklase kami, eh. Tapos hindi na rin ako ginugulo at binabastos ng ibang mga estudyante kung nakaharap siya," Pahayag ko habang nakasandal sa railing ng rooftop. "Pero syempre, alam naman nating lahat na hindi lang kami nina Yuri ang hindi pa nakaka-move on sa nangyari, kundi pati na rin ang mga estudyante dito."

"I'm really sorry, Kai, for not being able to protect you like what I promised to Ice." Hearing her name makes my heart beat faster. "Hindi ko pala nasabi na pinuntahan niya ako bago siya umalis, at hindi ko rin alam na pasimple na ka na pala niyang ibinibilin sa akin." Mason held my hand. "Best friend," Oo, tanggap na nitong si Briones na hanggang magkaibigan na lang kami. Hindi na rin daw niya ako crush. In fact, may nagugustuhan nga siya ngayon, eh. "...pasensya ka na talaga."

"Oks lang 'yun. Sinclair kaya 'to. Matapang 'to, 'no?" Ginulo ng kaunti ni Mason ang aking buhok. Nagtawanan kaming dalawa habang pinag-uusapan ang mga kalokohan nina Ice at Jackie pati na rin ang nadadamay na si Carly.

"I've missed that smile. Proud of you."

Does it mean unti-unti ko nang natatanggap ang katotohanang wala nang balak bumalik si Ice? Bagamat hindi ko maikakaila sa lahat, at lalong-lalo na sa aking sarili, na mahal na mahal ko pa rin siya, nakakangiti na ako, na noon ay hirap akong gawin. "Mason, pa'no kung magbalik-loob na lang kaya ako sa boys? O, kaya naman i-try kong makipagjowa sa iba... baka sakaling makalimutan ko siya?"

"Kai..." Ipinatong ni Mason ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat. "Be in a relationship when you're done letting go of your feelings for Ice," My guy best friend hugged me tight and pat my head slowly. "...and not when you're feeling lonely and sad about her leaving you. It will be unfair for that person, for Ice, and for you. You won't be happy. Mas lalo mo lang guguluhin ang lahat."

"Bakit, Mason, kailan ba magiging fair ang mga bagay-bagay tungkol sa pag-ibig? Especially when it comes to my fucked up love dilemma?"

"The point is, mahalin mo muna ang sarili mo bago mo subukang magmahal ng iba. Lumimot ka na muna, bago ka ulit magpapasok ng bagong tao sa buhay mo." Hinawakan ni Mason ang aking braso bago kinuha sa bench ang aking munting Jordan backpack. "Halika na, baka mahuli ka sa flight mo. Kailan nga pala ang balik niyo ng ate mo?"

"Limang araw lang kami sa Bulgaria."

"Pasalubong ha?"

"Blonde, jet black, or brunette?"

"Bahala ka na. May tiwala ako sa judgment mo." Nagtatawanan pa rin kami ni Mason hanggang sa bumukas ang elevator sa ikalawang palapag ng Delorean. "It's Yuri," Bulong sa akin ni Mason. Napalingon din ako agad sa babaeng kakapasok lang ng elevator. "Um, w-what's up?"

"I heard you're leaving, Kai."

"Just for a few days. I'll be back."

Nakatalikod pa rin sa amin si Yuri. "Sino'ng maghahatid sa'yo sa airport?" Alam na rin pala ni Yuri ang tunay kong pagkatao. Nagulat din siya noong kanyang malaman na isa akong Sinclair, at ang kapatid ko mismo ang nagsabi sa kanya. Bati na kami, well, um, medyo, parang, siguro, noong kinausap siya ni Paris. Last week yata 'yun. "Ikaw ba?" Mason nodded his head. "Ako na lang ang maghahatid sa kanya, ayos lang?"

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Where stories live. Discover now