You're Back

10.3K 390 42
                                    

CHAPTER NINE

K a i

From Sinner:
Kamusta ang buhay pag-ibig?

Nabuhayan ako nang makatanggap ako ng isang text mula sa kanya. Mula kasi noong naging kami ni Yuri, hindi na siya nagparamdam. Magbabagong taon na, hindi pa rin ako nagbabago; kinikilig pa rin ako sa taong hindi ko naman kilala. May isa pang walang pagbabago at 'yun ay si Yuri.

From Sinner:
Masaya naman ba?

Sus, 'yun nga, eh, dapat masaya pero hindi. Sakal na sakal ako kay Yuri. Hindi na rin ako lumalapit masyado ngayon kay Mason dahil pinagseselosan niya ito. Pati nga rin si Ricci, off limits na sa'kin. This part though, I understand naman. Thankfully, may hangganan ang pangingialam niya sa telepono ko, eh. Thank God, I still have that. Kaya naman hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam ang tungkol kay Sinner.

You replied to Sinner:
Wow, nagparamdam.

Noong mga panahong hindi na siya nagti-text, 'yun yung mga oras na kailangan na kailangan ko siya. Grabe rin kasi ang pinagdadaanan ko sa taong akala ko'y matino, ngunit sa una lamang pala ito mabait. Isa pa, hindi naman ako responsibilidad ni Sinner dahil ako'y hamak na textmate lamang. Ang jologs nga.

You replied to Sinner:
Akala ko nakalimot ka na, eh.

From Sinner:
I can sense kasi na miss mo na ako.

You replied to Sinner:
Ang kapal.

Syempre, kailangan kong i-deny. Ako kasi, kahit na mahal ko si Yuri, parang crush ko pa rin si ganito, si ganyan. Hindi ko magawang maging faithful kay Yuri, loyal lang. Magkaiba 'yon and I'm not proud of it.

Yuri's taking me for granted. Yes, I deserve better than this, but I'm still being unfair to her. I also think I'm a little attached with the mysterious girl, whoever she is. Siguro naghahanap lang ako ng kakampi. O, kaya naman ay nakakaramdam lang ako ng pagkukulang mula sa aking kasintahan. Hindi ko naman mararamdaman 'to kung kuntento talaga ako at hindi siya nagpapabaya. Kahit ano pa ang dahilan, I know, mali 'to.

You replied to Sinner:
Feeling close ka na naman.

From Sinner:
HAHAHA! Anyway, kamusta ang buhay may syota? Wala kasi ako nyan, eh, kaya hindi ko alam. Share naman dyan.

Ishi-share ko ba? Ibabahagi ko ba ang katotohanang minsan ay sinasaktan ako ni Yuri? Nakatikim na rin ako ng sampal mula sa kanya. May ilang beses na rin niya akong kwinelyohan at sinakal. Ganito ba? Ganito ba dapat niya ipakitang nagseselos siya? Pwede naman niya akong kausapin, pero bakit lagi na lang niya akong sinasaktan? Physically and emotionally. May kutob pa nga akong hindi na lang ako ang babae sa buhay ni Yuri. Meron kasi siyang kalandian noong isang araw sa Love Club. Nakita ko sila, kaya naman umalis na lang ako.

You replied to Sinner:
Masaya naman, kaso lang...

Parang kagabi, nagkasakitan na naman kami. Tinulak ko din siya, eh. Dahil sa putapeteng selos niyang 'yan na wala na sa lugar, nasugatan na naman ako sa may ibabaw ng aking dibdib at nagkaroon ng pasa sa braso.

From Sinner:
Yung anxiety ko, jeske.

You replied to Sinner:
Ayoko.

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Where stories live. Discover now