The Hot Transferee

7.4K 266 31
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

K a i

Ricci welcomed me with a warm embrace. Jackie and Carly kept on pinching my cheeks like they hadn't seen me in years. Mason was just laughing in the corner, waving his pizza to me. "Guys, it's our final year. Aren't you excited?!" Sigaw ni Jackie. "The ladies will beg to spend time with me, unlike others, hmm, ang manhid." Sabay tingin kay Ricci. Aba, landian agad, kararating ko pa lang. "Ano'ng tinitingin-tingin mo dyan?" Umiwas na lang ng tingin si Ricci. Wait, is she blushing?

"Walang taong manhid; sadyang ayaw lang talagang diretsohin ng isang tao ang kanyang kausap."

"Tse, mga galawang Ricci na naman," Pasungit na bigkas ni Jackie. LQ lang? Naku, ibang level na ito. "At isa pa, hindi naman kita kinakausap ah? Ba't ka sumasabat sa usapan namin ni Kai?"

"Itigil na muna ang landian, kakausapin ko lang muna ang isa sa inyo." Tinignan ko silang dalawa bago tumawa. I smell something fishy in here. "Ricci, can I have a word?"

"Sure." Sumunod naman siya agad sa akin sa may pinto. "What's up?"

"May feelings ka na kay Jackie? Not that I'm not okay with it or anything." Hindi pa man siya nakakasagot, sigurado na ako sa nakita ko. I got my answer. "Ricci, don't deny the fact that you're starting, o baka in love ka na kay Jackie, just because you promised me that you'll wait." Ricci pouted her lips and hugged me again. "It's okay, Ricci. I'm happy for you."

"I didn't say I was, so don't give me that look, Kai. You're jumping to conclusions too quickly."

"Whatever you say, Ricci." Tumawa na lang ako at hinalikan siya sa pisngi bago tumalikod. "Carly, Mason, how's school?"

Sabay nila sinabing, "Boring as fuck."

"I see." Ngayon pa lang kasi ako papasok. Nasa rooftop lang ako nung first day of school, naghihintay. Walang dumating kaya naman nabigo't nasaktan na naman ako. Mahigit isang taon na siyang wala, pero hinahanap-hanap ko pa rin siya. Nasanay na ako, pero alam kong magiging mas masaya ako kung kasama ko siya, kapag nakikita ko siya, pero wala, eh, kabilang ako sa team sawi. Ang saklap. "So, let's go?"

"You're in a good mood; did you meet someone hotter than Ice in Bulgaria?"

"No one is hotter than Ice, Jackie," Carly and Mason remarked. Sabay ulit, mas kasamang kurot lang from Jackie.

"Oooookay." Jackie laughed, walking down the stairs. "Ay!" Napasigaw si Jackie dahil muntik na siyang gumulong sa hagdan. "Thanks." Buti na lang at nahila siya ni Ricci. "Inis pa rin ako sa'yo, pero mag-ingat ka sa daan. Umuwi agad pagkatapos ng klase."

"Naks, girlfriend lang ang peg." Sinundot ko ang tagiliran ni Jackie. Ang harot, eh. May pasimple pa silang tinginan, pero hindi maiwasang tumingin sa akin ni Ricci. Humiwalay na siya sa amin sa kanto dahil papasok na rin siya sa eskwela. "Hoy, ikaw, Jackie, magtino-tino ka na kasi para magkatuluyan na kayo ni Ricci. Napakalandi kasi, nakikigaya."

"Parang ang saya mo yata?" I nodded my head. "Did you get laid, Kai? Tell us the truth." Hinampas ko si Jackie sa braso. Ano ba namang tanong 'yan? "Eh, ano nga? Malantod ang aura mo-" Napatigil si Jackie sa pananalita nang makita niya ang trending topic sa Red. "New girl alert! There's a hot transferee!"

I raised a brow. "And who might that be?" Teka, hindi kaya si Gia ang bagong number one sa Red List? Hindi malayong siya nga ang bagong sisikat sa Scarlet Rose U. I wonder if sumama sa'kin si Taylor dito, I'm sure magkakandarapa ang marami, kaso lang hindi 'yun magiging okay sa kanya. Baka magalit pa si Troy. Anyway, feeling ko si Gia ang tinutukoy ni Jackie. Napakaganda kasi niya at halata ding matalino. "Inhinyero ba?"

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Where stories live. Discover now