Questions After Questions

8K 312 14
                                    

CHAPTER TWENTY

K a i

Matagal na dapat akong lumimot. Noon ko pa sinasabi sa sarili kong dapat kalimutan ko na siya, pero hindi ko magawa. Letseng feelings 'yan, ni hindi naging kami, pero hirap na hirap akong mag-move on. Awit, pota. Iba din talaga 'pag mahal na mahal mo, eh, 'no? Kahit ano'ng taglay mong talino, magiging tanga ka pa din. Kay sarap umibig, jeske, lasang tanga.

Bakit nga ba hindi ko kaya? Ayaw ko pa rin bang umusad sa kinatatayuan ko dahil ang totoo, umaasa pa rin akong babalik siya kung saan niya ako iniwan? Umalis siya ng walang paalam ngunit umaasa pa rin akong babalik at magiging maayos ang lahat. Hindi ko na ba mababago ang aking nararamdaman? O, sadyang ayaw ko lang talaga siyang bitawan?

"Lumilipad na naman ang isip mo..."

"Wish ko lang na sana mabuhat ako ng utak ko papunta sa lugar kung nasaan si-"

"Ice na naman, naku!"

"Carly, wala akong magagawa, mahal ko, eh." Matapos ang party sa bahay, bumalik na ako sa apartment namin nina Ricci. Nandito sina Mason at Carly ngayon sa aking kwarto, sinasamahan nila ako dahil baka raw umiyak na naman ako ng umiyak, bahain pa man dito sa amin. "Mason, Carly, am I not worth fighting for?" The two shook their heads. "Then, tell me why did she leave me. Explain to me why did she choose to break my heart. Of all things, why did she pick the choice to shatter my heart?"

"I don't know what to-"

"Will she come back, Carly?"

"I hope-"

"Should I move on?"

"It's your-"

"Carly, why did she leave me?"

"I think it's because of Yuri," Pahayag ni Carly. Umiinom na naman kami, at medyo tamado na rin. Wala sina Ricci at Jackie dahil pinilit ko silang manood na sila lang. Ang tagal-tagal na kasing sinasabi sa akin ni Jackie 'yun, kaya ko naman siya pinagbigyan. Hindi rin naman makahindi si Ricci dahil inaabangan din talaga niya 'yung bagong Fantastic Beast movie. "...but we can never tell."

"Those two..."

"The Cambria twins are unpredictable. I grew up with them, I know how they think," Medyo nagdalawang isip si Carly sa binitawan niyang salita, napansin ko 'yon. "Lalong-lalo na itong si Ice, kilalang-kilala ko 'yun. Alam kong mahal ka nun, at may mabigat lang siyang dahilan kaya ka naman niya iniwan, Kai. I'm not telling you not to move on, but please don't hate her. May rason 'yon, I'm sure."

"Even if I'm moved on, if I can, I will never, ever, hate her because she's the only person that I will love this much," Teary-eyed, I remarked. "Kahit na may sumunod pa, hindi ko siya mamahalin gaya ng pagmamahal na ibinibigay ko kay Ice. Dahil sa buhay, isang beses lang talaga darating ang taong tatatak sa'yo. Isang tao lang ang talagang mamahalin mo ng sobra, kayo man hanggang ngayon o hindi na. Minsan nga, never naging kayo, pero 'di mo siya makalimutan kahit ano'ng gawin mo."

"That's deep... and also stupid." Ano'ng ginagawa niya dito? Bakit siya nakapasok? Ay, putek, hindi pala naka-lock yung pinto. "Mahal na mahal mo nga pala talaga ang gagong 'yun." Itinulak ni Carly si Yuri dahil palapit na siya sa akin. "Carly, 'wag mo akong galitin. Tama nang trinaydor mo ako, 'wag mo nang dagdagan pa ang sama ng loob ko sa'yo."

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Where stories live. Discover now