Ranch-Style Jealousy

6.9K 253 31
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

K a i

I've been crying my eyes out for days. Oo, iniiyakan ko pa rin siya at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari. It's been years since I started dodging, avoiding, and shutting down the most beautiful thing that ever happened to me in my entire existence. But she's also the reason why I'm in this hell-hole. I love her, I do, but what I saw, what I learned, was just too much for me to take. So we've decided to call it off, setting aside our feelings, holding off our promises. The last thing I heard about her is that she passed her boards with flying colors.

"Architect Sinclair," Bigkas ng aking boss. Ginamit ko na rin pala ang tunay kong apelyido. Syempre, kelangan ko na talagang gamitin 'yon dahil hindi ako makakapag-file para sa profession ko kung hindi. Pumasok ako ngayon sa kanyang opisina. "...may malaki tayong proyekto at ikaw ang gusto ng may-ari na gumawa nito."

"Ho?" Ipinakita sa akin ang kuha ng espasyo para sa isang ranch. Ang dami kong napi-picture out na disensyo para sa istraktura ng isang bahay. Excited na ako! First major project ko 'to, eh. "Ang laki naman po nito. Sigurado po ba kayong ako ang gusto ng may-ari?"

"Yes, in fact, she's waiting for you at the site. Kanina pa siya naroon."

"Okay po. Pupunta na po ako ngayon sa lugar."

"Very well. Good luck, hija. I trust you. Your father and sister will be very proud."

Paglabas ko ng opisina, nasalubong ko si Gia. Respetado, sikat at hindi basta-basta ang firm na 'to kaya naman pinilit talaga naming dalawa ni Gia na makapasok without anyone else's influence. Okay, fine, hindi ko alam kung dahil ba sa tatay ko kaya naman ako nakuha. "Balita ko, big project ang nakuha mo. Hindi ka kasi pumasok kahapon kaya naman alam na naming lahat."

"Ah, ganun ba?"

"Hindi kaya... si Ice ang may-ari ng ran-"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig, tapos biglang bumilis ang tibok ng puso ko, bukas-sara din ang galawan ng pasmado kong mga kamay. Para akong kinikilig, na nae-excite, natatakot at nalulungkot. "S-sigurado ka? F-feeling mo siya y-yung naghihintay s-sa'kin sa lugar?"

"I've been thinking about it lately, baka nga." Agad-agaran ang pagtakbo ko sa banyo upang maglagay ng make-up. Nagpalit rin ako ng damit na siyang mga paborito niyang sinusuot ko. Sumunod sa akin sa banyo si Gia. "Kai, mahal mo pa siya, ano?"

"Pinakawalan ko lang siya, Gia, hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya mahal. Of course, I'm still that crazy, slut, desperate, college girl who fell in love with the Queen Bee." Hindi ako mapakali. Nagsisihulugan rin ang lahat ng mga gamit ko. Hinawakan ni Gia ang aking kamay upang ako'y kumalma. Nakatulong naman ito sa akin. "Aalis na ako. Naiirita kasi 'yun kapag pinaghihintay, atsaka ayaw niyang naiinitan, eh, yung site parang-"

"Kai, don't assume. Hindi tayo sigurado kung siya yung naroon sa lugar. Oo, iba ang nasa pangalan, pero alam naman natin ang dirty tricks ni Ice." Oo nga naman, Kai, don't assume. Mamaya, hindi pala siya 'yun, eh, di nganga ka? "Malay natin, big client lang talaga at kaibigan ng tatay mo kaya-"

"Yes, Gia, I get it."

"Come here." Hinila ni Gia ang aking kamay. Niyakap niya ako ng mahigpit. "I don't wanna see you like this anymore, Kai. Kung siya nga ang nandun, makipagbalikan ka na."

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon