Sleep is a Luxury

9.2K 335 11
                                    

CHAPTER TWELVE

K a i

Nakayuko ako nang ibinaba ako ng sasakyan ni Jackie. "O, lasing na naman ba 'to?" Tanong ni Ricci kay Mason nang ako'y kanilang hinatid sa amin. "Hay, ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Wika nito bago ipinatong ang aking braso sa kanyang batok. Nginitian ko siya nang hawakan niya ang aking kamay, at ganun din si Mason. "That's it. Ito na ang huling gabing iinom ka sa labas. Dito ka na lang, ako'ng bahala sa'yo."

"Um, babe, pa'no ako?"

"Sino ka?"

"Huwaw!" Sigaw na Jackie, may kasama pang dramatic pose. "Ilang buwan ko nang sinasabing Jackie ang pangalan ko, hindi mo man lang matandaan."

"Hmm, ano'ng problema mo?"

"Sama ako sa inuman."

"Oo na. Mayaman ka naman, sagot mo lagi."

"Oh, sure, sure." Sa mga ngitiang ganyan ni Jackie, halatang type niya si Ricci. Napakasungit kasi nitong isa, kaya naman hindi umuubra ang kalandian ni Jackie sa kanya. "Ah, sugarplum, pakipalitan yung damit ni Kai. Natapunan ko yan ng alak kanina, eh. Pasensya na."

I heard Ricci grunt. I smiled at her again. "Thank you," I whispered to her. "Salamat din sa'yo, Mason. Kahit kailan talaga, maaasahan ka," Wari ko sa aking matalik na kaibigang lalake bago siya umalis. Umuwi na rin si Jackie. "Uy, Ricci, ba't di mo ako pinapansin?"

"Nakakainis ka kasi," Kanyang sinabi nang kami'y makarating sa aking kwarto. "Umayos ka dahil maliligo ka. You smell like shit. Dali na," Inis na bigkas ng matulungin kong kapitkwarto. "Ano ba kasi'ng meron yang letseng babaeng 'yan at baliw na baliw ka?" Ricci scoffed. Napayuko ako kaya naman niya ako pinagalitan. "Sumandal ka lang dyan. Naghahanap ako ng isusuot mo." Isinara na niya ang aking aparador nang makahanap siya ng damit na aking susuotin. "Nandito naman kasi ako, bakit siya pa? Bwiset. Pareho lang naman kaming ikaw ang karma."

"Bakit, Ricci, naloko ka na, o nakaloko ka na?"

"Pinagsasabay-sabay ko lang naman ang limang babae at dalawang lalake. Iisa lang ang tawagan para hindi mahuli. Off-limits sa phone and passwords para hindi mabuking. Iba-ibang schools para hindi magkasalubong," Sagot niya sa akin. Naks, multitasking pala itong si Ricci. "Pero dati 'yun. Nagtitino na ako dahil hinihintay kita." Heto na naman po tayo. Sinabihan ko na siyang 'wag maghintay dahil kahit ako rin mismo ay nag-aabang sa isang taong parang wala nang balak magpakita pa. "Ako na lang kasi, Kai. 'Di kita iiwan, alam mo 'yan."

"Ricci, we talked about this."

"I know you told me not to wait, but I can't help it. Lalo pa't nagkakaganyan ka dahil sa pang-iiwan niya sa'yo, at dahil sa ex mong ayaw kang tantanan." Nang malaman ni Ricci ang nangyari, nagpunta agad siya ng ScaR U. Ayaw lang siyang papasukin ng guardia kung kaya naman napigilan ko siya. Hahatawin daw niya ng dos-por-dos si Yuri, eh. "Ayaw mo naman kasi'ng sapakin ko yung putang inang 'yun. Ayaw mo ring lumipat sa pinapasukan kong eskwelahan. Tahimik ang buhay do'n. Hindi kita pababayaan, at lalong-lalo na... hindi iiwan."

"Ricci," I cupped her face. Our eyes glued. "I know you're the better choice," She looked away, grasping her hand. "...but I can't choose you just because she's not around. I won't give up on her just yet. I love her."

"Oo na," Inalis ni Ricci ang aking kamay sa kanyang mukha. Tumayo na rin siya. Kinuha niya ang tuwalya at iba pang gamit pangligo. "...basta 'pag naka-move on ka na, ako ang una sa listahan mo. Ako." Niyakap ko siya at hindi ko na napigilang maluha. "'Wag kang iiyak, baka ano'ng magawa ko. I don't want to take advantage of the situation, but I cannot deny to myself that I'm in love with you. So, please, force back your tears until I get to my room. Lock your door, or I'll be storming in, kissing you."

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon