Part 1

1.9K 37 3
                                    

Honoracio's POV

"Mahal kita..." marahan at puno nang pagmamahal na sambit ni Honoracio sa babaeng kaharap niya sa gitna ng madilim na hardin ng kanilang mansion. Abo't abot ang kanyang kaba. Nanginginig pa ang mga palad niyang nakahawak sa malalambot na kamay nito.

Bumungisngis si Charito, ang dalagitang apo ni Manang Jesusa, ang nag-alaga sa kanya sapul pagkabata. Dalawang taon pa lang naninirahan dito sa kanila si Charito. Ipinakiusap ng Lola nito na dito na manirahan si Charito. Pumayag naman ang kanyang Mommy at binigyan ng scholarship ang dalagita sa school na pinapasukan niya.

Napakamot na lang siya sa batok niya dahil natawa na rin siya. Mahirap hindi mahawa sa pagtawa nito.

"Ano ba 'yan, paano kang gugustuhin ng nililigawan mo niyan?" anito. Binawi nito ang kamay nitong hawak niya. Naupo ito sa swing na naroroon.

Nagtungo naman siya sa likuran nito. Humawak siya sa magkabilang kadena ng swing saka marahan iyong iginiya para umugoy.

"Hindi pa ba okay? Mukha ba akong katawa-tawa?" natatawa na ring tanong niya. Bahagya rin siyang umiling. Kalokohan ang ginagawa niya sa totoo lang.

"Mmm... hindi ka naman nakakatawa." Tumingala ito sa kanya.

"Kaya pala hindi mo napigil ang hagikgik mo," biro niya. Kinurot niya ang ilong nito. Pinalis naman nito ang kamay niya at sumimangot.

Itinukod ni Charito ang mga paa sa lupa kaya naman nahinto ang pag-ugoy ng swing. Umayos rin ng upo si Charito. Hindi niya kita ang mukha nito hindi na ito nakatingala sa kanya. Nakaharap na ito sa mga tanim na bulaklak ng Mommy niya.

"Sa totoo nga n'yan dama ko ang sinseridad sa mga sinasabi mo... at hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil pakiramdam ko para talaga iyon sa akin. Hindi ko mapigilang kiligin..."

Pareho silang natahimik ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip ni Charito hindi niya magawang pagkaabalahan pa iyon dahil lunod siya sa sariling agam-agam. Napalunok siya. Sa katunayan ay idinahilan niya lang dito na may napupusuan siyang iba, hiniling niyang tulungan siya nitong mag-practice na umamin sa nililigawan niya. Ngunit ang totoo ay nais niya lamang na sabihin dito ang nadarama niya nang hindi nag-aalala na maaaring masira nag kanilang pagkakaibigan.

Sa loob ng dalawang taon na pagkakakilala nila ay naging malapit sila sa isa't isa. Pero mukhang siya lang ang tumawid sa pagkakaibigan na mayroon sila. Dahil wala siyang nakikitang senyales na nais tawirin ni Charito kung ano man ang meron sila. Nananatiling kaibigan ang tingin nito sa kanya.

Ngunit sa mga sinabi nito'y napaisip siyang bigla. Nagkaroon ng mumunting liwanag ng pag-asa siyang nakikita. Paano kung...

"Papasok na ako!" wika ni Charito. Tumayo na ito at humarap sa kanya. Nakangiti ito at natatamaan ito ng dilaw na liwanag na nagmumula sa lamp post na nasa likuran niya. Mas naging mabini ang kutis nito mula sa malamlam na liawanag. Muli na namang bumilis ang pintig ng kanyang puso. "Maaga pa rin ang pasok natin bukas."

Napayuko siya ayan na naman ang kaba na nadarama niya inaalihan na naman ng takot ang dibdib niya. Ngumiti siya at umiling. Sa ibang araw na lang siya magtatapat.

Sabay na silang bumalik sa mansion, hinatid niya pa ito sa barracks kung saan nakatira ito at ang Lola nito.

"Good night, Honaracio."

"Good night..." nakangiting tugon niya.

Tumalikod na si Charito. Kumaway pa ito ng makapasok sa pinto a bago iyon isara. Namulsa siya. Bumalik na rin siya sa mansion.

UntamedWhere stories live. Discover now