Part 12

127 4 1
                                    

Charito's POV

you will be mine, cherie...

Paulit-ulit niyang naririnig iyon habang naglalakad sila ni Ethan patungo sa cafeteria ng Westwood. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya na parang anumang oras ay tatalon na palabas. Para ring mga mga paro-parong naglilipara sa loob ng kanyang sikmura. Hindi niya ata kakayaning kumain ng kahit ano.

Lahat nang nadaraannan nila ay nakatingin sa kanila ni Ethan. May mga matang naiinggit ngunit meron ring mga kinikilig. Napayuko na lang siya sa lahat ng iyon. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng mga ito, nahihiya siya.

Hangga't maaari sana ay ayaw niyang maging bulgar ang pakikipaglapit sa kanya ni Ethan. Natatakot kasi siya. Hindi naman siya ganoon kainosente. Alam niya naman na hindi siya seseryosohin ni Ethan, alam niya na anumang saglit ay may makikita itong ibang mas higit sa kanya na pag-uukulan nito ng pagtingin. Pero heto siya nagpapakabaliw na imbis ilayo ang sarili sa kapahamakan at sakit na maaari niyang danasin ay nagpapakalubog pa siyang lalo, hinahayaan ang sarili na mahulog nang husto sa binata.

"Sana ako ang laman ng isip mo," ani Ethan. Nakaupo ito sa harap niya. Isang pabilog na mesa na mukhang kinuha sa isang mamahaling restaurant ang pagkaka-set up. Nasa loaf area sila ng cafeteria. Lugar kung saan ang mga nakakaakyat lang ay ang mga estudiyante na galing sa mga maiimpluwensiyang pamilya. Kagaya na lang ni Ethan, Sylvo Moretti at Alfonso Altierria. Nasa ibaba nila ang mga estudiyante na nasa lower class, hindi mahihirap dahil galing rin ang mga iyon sa mga buena familia, hindi rin basta-basta ang mga yaman. Ang mga sineserve na pagkain ay iba rin kaysa sa mga sineserve sa kabilang cafeteria kung saan naroroon ang ibang mga estudiyante.

Parang may dalawang mundo ang Westwood. Hianhati batay sa katayuan sa buhay. Hindi niya natatanaw si Honoracio. Kahit pa nabibilang iyon sa mga lower class. Nasa kabilang building kasi iyon kung saan rin siya kumakain.

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo dahil mukhang ang lalim ng iniisip mo."

Napatingin siya sa stake na nasa harapan niya. Amoy palang halatang mmahalin na iyon. Malamang na kaya niyong bayaran ang tuition niya para sa prelim. Masarap iyon nang tikmn niy kanina. Parang natutunaw ang karne sa bibig niya at sumasabog ang flavor sa taste buds niya. It was amazing pero sa presyo nito dapat nga lang na ganoon ang halaga niyon.

"I-iniisip ko lang ang exam namin mamaya..." pagsisinungaling niya. Buti na lang at hindi ito nakakabasa ng isip. Nakakahiya na malaman nito na hidni tumitigil sa pagtakbo ang isip niya ukol dito.

"Mmm... gusto mo bang samahan kitang mag-review? Puwede rin kitang pakopyahin I can sit in to your class," anito.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Graduating na si Ethan samantalang second year naman siya. Kaya nitong gawin ang sinabi. Malamang na bukal sa loob na pagbigyan ito ng Prof nila dahil napakalaking pribilehiyo ang mapalugdan ang isang Ethan Sandoval.

But it's too much. Ayaw niyang may marinig sa mga professor niya na sinasamantala niya ang pakikipaglapit ni Ethan sa kanya.

"H-Hindi. Please, 'wag momng gawin iyan," mabilis na tanggi niya na may kasama pang iling.

Nangiti naman si Ethan. "Why? Parang maganda nga iyong idea dahil makakasama kita maghapon," dagdag pa nito.

"A-Ayokong may masabi ang iba sa akin. Nakapag-review naman ako."

Marahang natawa si Ethan. "I know, cherie, I was just kidding you, relax," anito. Dumukwang pa ito sabay haplos sa pisngi niya.

Napaigtad naman siya. Ang init ng palad ni Ethan. Nagkasalubong ang mga mata nila. Nakakalunod ang mga tinging ipinupukol ni Ethan sa kanya. Parang may nais itong na hindi niya sigurado kung ano. Napansin niya na lang na unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya hanggang sa ramdam niya na ang mainit nitong hininga na dumadampi sa pisngi niya.

UntamedWhere stories live. Discover now