Part 19

135 4 1
                                    

Charito's POV

PINIGIL niya na ang sariling muling gumawa ang katangahan. Ayaw na niya ulit maulit ang pagkapahiyang naranasan niya dahil sa padalos-dalos na mga desisyon. Hindi na siya papayag.

Kaya naman ginawa niya ang nararapat. Umakto na hindi kilala si Ethan. Kapag nakakasalubong niya ito kahit hindi nito kasama si Kassandra yumuyuko na siya at hindi na pilit hinuhuli nag mga mata nito. Kahit pa miss na miss niya na si Ethan. Kahit pa mas gusto niya itong dambahin kapag nakikita niya ito. Lihim niya na lang itong tinititigan mula sa malayo.

Pinipilit pagkasyahin ang sarili sa mga nakaw na sulyap sa binata.

Kagaya ngayon. Nasa gym sila para ayusan ang stage dahil kasali siya sa drama club. May practice naman ng basketball si Ethan. Team captain ito ng basketball team. Kasali rin soon si Honoracio, na kumaway pa sa kanya nang makitang nakatingin siya rito. Matipid na nginitian niya ang kaibigan.

Kahit papaano nalilibang siya kapag kausap ang binata. Isa ito sa mga dahilan kung bakit kinakaya niya. Naging okay na rin sila ni Melody. Mukhang naiintindihan naman na siya ng kaibigan at kahit apa gustuhing pagsabihan siya ay hidni na lang kumikibo siguro iniiwasan lang din ni Melody na magkainitan na naman silang dalawa.

Pinilit niyang mag-focus sa pag-aaral. Madalas man na sumagi sa isip niya si Ethan at ang pangungulila niya rito nagagawa nama niya iyong tabunan ng mga bagay na kailangan niyang gawin sa araw-araw. Kaya nga mas naging aktibo siya sa mga activities ngayon kaysa noon. Mas pinipili niya na ring tumulong sa mga gawaing bahay sa mansyon kaysa magmukmiok.

Nagawi ang tingin niya kay Ethan. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makitang nakatingin din ito sa kanya habang umiinom ng tubig.

Kahit sa malayo nakikita niya ang pagdilim ng magkahalog asul at berde nitong mga mata. Nahihirapan siyang huminga. Nangungulila siya sa mga matang iyon. Ilang beses niyang hiniling noon na magkatagpo ang mga mata nila.

Hindi niya alam ang gagawin kung magbabawi ba siya ng tingin. 

"Cha!" tawag sa kanya ng isang ka group mate niya. Napalingon siya rito. Kanina pa pala siya nito tinatawag pero hindi niya man lang naririnig busy ang isip at puso niya kay Ethan na nakakalunod ang mga tinging ipiupukol sa kanya. "Paabot ng glue," anito. Mukhang naiinis na.

"S-Sorry," hinging paumanhin niya. Kinuha niya ang glue na ansa malapit niya at iniabot iyon sa nanghihingi. "Eto oh," aniya.

Paismid naman na kinuha nito iyon sa kanya. hidi niya na lang pinanasin ang pagtataray nito. Marahiol kanina pa siya nito kinakausap kaya nainis na pero hindi niya napapansin.

Napabuntong hininga na lang siya. May mga kaklase siya na lihim siyang pinag-uusapan. Minsan lantaran pa. Tinitiis niya na lang at hindi pinapatulan.

Paglingon niya kay Ethan naroroon na si Kassandra. May kirot na tumusok sa mga mata niya nang makita si Kassandra na pinupunasan ng panyo nito ang pawis ni Ethan. Siya dapat iyon. 

Ngunit wala siyang karapatan kahit pa may usapan sila ni Ethan. Hindi na nga siya sigurado sa usapan na iyo dahil magmula ng huling mag-usap sila sa labas ng mansion ng mga De'Marco hindi na uli iyon nasundan. Para na silang nag-iiwasan.

iniiwas niya na lang ang paningin sa mga ito at muling nagpaka-busy sa kanyang ginagawa.

--

Late na sila natapos at sinabi niyang hindi na siya sasabay kay honoracio dahil gagabihin nsiya at may dinner ito with his parents. Mag-ce-celebrate ata ang mag-anak at sa labas maghahapunan.

Gusto pa sana siyang isabay ni Honoracio pero siya na ang tumanggi. Nais kasi siya nitong isama. Ayaw niya namang mangyari iyon. ayaw niyang may masabi ang mga magulang nito.

UntamedWhere stories live. Discover now