Part 3

329 16 1
                                    

Honoracio's POV

"Hey!"

"Hey, yourself. What's up?" sagot niya kay Ethan na sumabay sa kanya sa paglalakad. Papunta siya ngayon sa Auditorium.

"Sama ka sa amin. May party kaming pupuntahan mamaya. May bagong bukas na disco bar sa Makati sina Alfon," anito. Inakbayan pa siya nito. Kasama nito ang Alfon na tinutukoy nito. Napansin niya rin si Sylvo. Kabarkada nito si Alfonso Altierra ang apo ng may-ari nang Westwood - ang University na pinapasukan nila. At si Sylvo Moretti na tahimik lang sa likuran. Puro mga anak ng maiimpluwensiyang tao ang dalawa. No wonder kung bakit malapit sa mga ito si Ethan.

Sa ngayon ang tatlong pamilya ang nangunguna sa listahan ng Time magazine ng mga pamilyang maiimpluwensya sa buong Asia.

"Pass muna 'ko," tanggi niya kay Ethan. "May tatapusin akong thesis."

"Tss, ako ng bahala sa thesis mo sumama ka lang."

Alam niya naman ang ibig nitong sabihin. May mga scholar itong binabayaran para gumawa ng mga assignment at thesis nito. Kung tutuusin hindi naman na nito kailangang mag-aral. Trinained ito bata pa lang kung paano pamahalaan ang dambuhalang kompanya ng mga ito bilang solong tagapagmana. Pormalidad na lang ang diploma at titulo.

Hindi rin naman biro ang yaman na taglay nila pero kung ikukumpara sa tatlo maliit na kumpanya lamang iyong maituturing.

"Nah. Next time na lang talaga." Hindi naman sa ayaw niyang sumama, gusto niya rin naman para makahinga sa tambak na gawain sa University, ang kaso ngayon ang uwi ng Mommy at Daddy niya galing sa business trip ng mga ito. At hidi papayag ang Mommy niya na hindi sila magsabay-sabay maghapunan.

Napakamot si Ethan sa ulo batok nila. "Well if that's the case... ahmm, dito ko na lang sasabihin ang nais ko sanang ihingi ng pabor sa 'yo while sipping a cold cognac." Bumungisngis pa ito.

Napataas naman ang kilay niya sa kaibigan. "What is it?"

"Charito," tila nahihiya pang anito.

Nagsalubong naman ang mga kilay niya at humigpit ang hawak niya sa libro.

"What about her?" seryosong tanong niya kahit na alam niya na kung saa tutungo ang pag-uusap nila.

"I want to be friends with her."

"Friends?" Di niya naiwasan ang sarkasmo sa boses niya. "Bago ata yan?"

Nagkibit-balikat ito. Di man niya gustuhin ay nakaramdam siya ng inis sa kaibigan. Pasimple niyang tinanggal ang kamay nito sa balikat niya.

"Spare her, Ethan. Hindi kabilang si Charito sa mga babaeng kayang makipaglaro sa 'yo," may babalang aniya rito.

Ngumisi naman si Ethan. May naglalarong ngiti sa mga labi nito.

"Who told you na makikipaglaro lang ako?"

"I know you."

Malakas n atumawa si Ethan. Hawak pa nito ang sikmura. Nainis naman siya at siniko ang sikmura nito. Natatawa pa rin itong umiwas sa kanya.

"Bro, you sure na kaibigan mo lang si Charito?"Iiling-iling ito. "Kulang na lang kasi sakalin mo ako."

"I was just warning you, Ethan. Leave her alone."

"If I don't?" Naghahamon ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Nababsa niya ang amusement doon at pagkaaliw.

Tinignan niya si Ethan at nginisihan ito. "Mag-o-overseas call ako sa London."

Dagling nawala ang ngiti sa labi ni Ethan. Sumimangot ito at sumeryoso.

"Don't you dare, De'Marco."

He just tsked.

UntamedWhere stories live. Discover now