Part 10

157 9 2
                                    


Honoracio's POV

UMIIKOT ang buong paligid niya. Para ring hinahalukay ang sikmura niya. Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng backseat para ipahinga nag sarili. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil kapag nakamulat siya ay umiikot ang kanyang panikit na mas lalong nagpapalala sa nararadaman niya.

Nakailang baso ba siya ng alak? Anim? Walo? Maging iyon ay hindi na niya matandaaan. Sunod-sunod ang naging pagtagay niya dahil sa pag-uusap nila ni Ethan. Nakakaramdam siya ng galit at takot. Galit dahil alam niyang ginagawa lamang nito iyon para galitin siya, natatakot siya dahil baka ga seryosohin nito ang mga sinasabi, he knows how much promiscuous Ethan was. Sasaktan at paglalaruan lang nito si Charito, his innocent and naive Charito.

Siguradong kung pupursigehin ni Ethan ang panliligaw na plano nitong gawin kay Charito malaki ang tyansa na mahulog dito ang dalaga.

Na hindi naman niya mapapayagan. Handa siyang isakripisyo ang pagkakaibigan nila ni Ethan alang-alang kay Charito. Kung kinakailangang ligawan niya rin ito, so be it. Handa siyang mangulit at magmakaawa kay Charito. Handa niyang isugal ang pagkakaibigan na nabuo nilang dalawa.

"Ser, naririto na ho tayo," pukaw sa kanya ng driver ni Ethan na ipinahiram sa kanya para ipa-drive siya. Lihim niya iyong ipinagpapasalamat. Hindi na niya talaga kayang mag-drive. Buti na lang at si Ethan na mismo ang nag-utos sa driver nito kanina.

That bastard...

Bumaba ang driver at umikot sa pinto kung nasaan siya. Binuksan nito ang pinto at inalalayan siya. Isinampay nito ang braso niya sa balikat nito saka siya inakay papunta sa napakalaking gate ng mansion nila. Nag-doorbell pa ito. Ilang sandali lang ay may sumungaw na. Nang makita naman siya ng mga security ay agad na tinulungan siya ng mga ito papasok sa loob ng bahay.

Sa nahihilo niyang diwa ay naaninagan niya pa si Manang Jesusa na hangos sa pag-aasikaso sa kanya. Nais niya sanang tanungin kung natutulog na ba si Charito pero hindi na niya magawang magsalita. Hinihila na siya ng antok.

Kinabukasan nagising siya na masakit at mabigat pa rin ang ulo niya. Napasimngot siya ng maamoy ang sarili. Amoy alak siya. Maging ang unan at bedding niya'y ganoon rin. Kumapit sa hingaan niya ang amoy ng alak.

Bumangon siya at nagtungo sa banyo. Agad na binuhay niya ang shower at tumapat roon. Ilang minuto siyang namalago sa ilalim ng malamig na tubig na bumubuhos sa shower bago siya nagsabon at tuluyang tinapos nag panliligo.

Linggo ngayon pero hindi na siya nagtaka nang pagbaba niya sa dining area upang mag-almusal ay nadatnan niyang walang ibang naroroon kundi mga katulong na hinihintay siya para daluhan sa kanyang almusal.

Inilibot niya ang mga mata. Wala si Charito.

"Asan ho si Charito, Manang Jesusa?" tanong niya sa matandang katiwala habang sinasalinan siya ng kape sa tasa.

"Sumimba ho, hindi ho kasi siya naka-attend ng unang misa kaya hinabol niya ang pangalawa," paliwaag nito kahit hindi nama niya iyon hinihingi.

Napatango-tango na lang siya. Linggo-linggo naman ay nagsisimba ito. Minsan nga ay sumasama pa siya kay Charito.Matapos ang agahan ay muli siyang umakyat sa itaas. Gusto niyang ituloy ang tulog niya para tuluyang mawala ang hangover niya. May pasok pa kasi siya kinabukasan.

Nadaanan niya ang silid ng kanyang mga magulang. Bahagya iyong nakabukas kaya naman dinig niya ang mga hikbi na nanggagaling sa loob ng silid. Napakunot ang noo niya. Dahil sa kuryusidad ay nilapitan niya ang pintuan. Sa pinto pa lang ay kita na niya ang ina na nakaupo sa dresser at tahimik na umiiyak doon.

Napakuyom siya ng kamao. Hindi iilang beses na nakikita niya ang Mommy niya na umiiyak ng ganito. Alam niya ang mga kalokohang ginagawa sa likod nilang mag-ina. Hindi nama kasi madaling ilihim ang bagay na iyon lalo na kung ang mga anak ng mga nakakasama nitong mga tao na nakakakita ang mga kalokohan na ginagawa ng daddy niya ay hindi nagsasabi sa kanya.

UntamedWhere stories live. Discover now