Part 20

168 5 1
                                    

Ethan's  POV

Kitang-kita niya ang disgusto sa mukha ni Charito dahil sa sinabi niya. Wala namang matinong babae ang papayag sa gusto niya, pero handa siyang pilitin ito at sumugal dito. Totoong mahal niya na si Charito. Minahal niya na ito ng mas lalo siyang napalapit sa dalaga.

Mas lalo niya iyong napatunayan ng ilang araw na itinuring siya nitong hangin, na parang hindi sila magkakilala. Nakakasalubong niya ito, hindi man ito umiiwas pero ni hindi siya nito tinatapunan ng tingin. There's a tugged in his heart everytime Charito do that. Para a siyang mababaliw. Lalo na kanina na parang baliwala siya rito at nakikipag ngitian pa ito kay Honoracio na parang si Honoracio lang ang nakikita nito.

Hindi na siya nakatiis kaya kinorner niya ito ngayon. At ngayon pipilitin niya itong pumayag sa gusto niya.

Kailangan niyang magpakasal kay Kassandra dahil iyon ang utos ng Daddy niya. Una'y plinano niyang kumalas sa engagement nila ni Kassandra at manindigan na si Charito ang gusto niya pero isang malakas na suntok lang ang inabot niya sa Daddy niya. Walang nagawa ang Mommy niya ng gulpihin siya ng Daddy niya. Nagbanta rin ito na tatanggalan siya ng mana. Manang nagmula sa pamilya ng Mommy niya.

Hindi niya hahayaan na hindi sa kanya mapunta 'yon dahil pinaghirapan iyon ng grandparents niya na magulang ng Mommy niya. Nakikiusap din ang mommy niya sa kanya na sundin na lang ang Daddy niya.

Wala siyang balak bitawan si Charito, not in this lifetime. Wala naman siyang nararamdaman kay Kassandra. She's so annoying. Isang spoiled rotten brat. Naiinis na siya sa kaartehan nito dahil masyado itong spoiled sa mga magulang. Hindi niya naman masisisi ito dahil nag-iisang anak lang din ito. At sa yaman na taglay ng pamilya nito magagawa at makukuha nito nag lahat ng naisin.

"No. If you really love me, Charito, you'll agree to be with me even if I marry her. Dahil ako handang hindi ka bitawan kahit pa magpakasal ako kay Kassandra. Take it or leave it."

He doesn't mean that. Alam niya sa sarili niya na kung hindi papayag si Charito gagawa at gagawa siya ng paraan para makasama ito. Isipin pa lamang na may ibang lalaki na itong pag-uukulan ng sarili ay hindi niya na mapigil ang galit na umaahon sa kanya.

He's fucking jerk, he knows that. Hindi na siya magmamalinis dahil hindi rin naman malinis ang ino-offer niya rito.

Nakita niyang bumakas ang sakit sa magandang mukha ni Charito. Magulo pa ang buhok nito dahil sa namagitan sa kanila kanina. It turned him on pero pinigil niya ang sarili na lapitan ito at muling ikulong sa bisig niya. Kailangan nilang mag-usap. Kailangan niyang masiguro na papayag ito sa gusto niya.

Kumibot-kibot ang mapupulang mga labi nito na bahagya na ring namamaga. Disoriented ito. Para itong isang paslit na naliligaw at hindi malaman kung saan pupunta. That innocent eyes make him more crazy about her. Gusto niya kanya lang ito. Sa kanya lang dapat si Charito.

Kinakabahan siya sa maaari nitong isagot pero hindi niya pinahahalata. Alam niya na mahal siya ng dalaga. Dahil hindi naman ito papayag sa mga nangyayari sa kanila kung wala itong nararamdaman para sa kanya.

Napayuko si Charito at namasa ang nga mata nito. May kung anong lumalamukos sa kanyang puso. He hated himself dahil sa nakikitang pagkalito at sakit sa maamong mukha nito.

Wala na siyang magagawa ro'n. Selfish na kung selfish pero hindi niya hahayaan na mawala ang babae sa kanya.

"So?" kinakabahan tanong niya sa pananahimik nito.

Binasa ng dila niya ang labi niya. Humakbang siya papalapit kay Charito.

"Patunayan mong mahal mo ako, cherrie..." mabining tanong niya rito. Almost pleaded. Well kung kinakailangan na makiusap niya at kung yun lang ang magiging paraan para mapapayag niya ito sa kabaliwang nais niya he'll do it. Luluhod siya kung kinakailangan.

UntamedWhere stories live. Discover now