Part 7

181 12 2
                                    

Honoracio's POV

"You sure you're okay?" tanong niya kay Charito bago pa man ito makababa ng sasakyan.

Nilinong siya nito mula sa passenger seat at nginitian.

"Oo naman, wag ka nang mag-alala," anito trying to reassured him with a smile.

Napabuntong-hininga na lang siya. Kanina pa kasi ito tahimik habang nasa biyahe sila. Parang ang lalim ng iniisip nito kaya hindi niya maiwasang mag-alala. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na pagmasdan ito sa review mirror.

"Next time, tell me if someone is bothering you?"

"Mmm..." Tumango ito. Saka niya pa lang itong hinayaang makababa ng sasakyan.

Agad na itong nagtungo sa gilid ng mansion para pumasok sa backdoor kung nasaan naroroon ang dirty kitchen. Paniguradong magiging abala na rin ito dahil lagi itong tumutulong sa Lola nito sa paghahanda ng hapunan.

Bumaba na rin siya ng sasakyan at pumasok sa loob. Naabutan niyang nagtsa-tsaa sa sala ang Mommy at Daddy niya. Mukhang kanina pa dumating ang mga ito.

"Good evening, mom, dad," bati niya. Lumapit siya sa mga ito upang humalik sa pisngi.

"Good evening, hijo. How's your day?" tanong ng Mommy niya. Marahan nitong ibinaba ang tasa ng tsa. Ang daddy niya naman ay abala na sa business magazine na binabasa nito.

"Fine, mom. How 'bout your trip?" he asked.

"Great. Your father close the deal." Ngiting-ngiti ang mommy niya. Halatang proud na proud sa asawa.

"I won't be surprised." Ngumiti siya sa ina. Nagpaalam na rin siya rito na aakyat na siya para makapagbihis. Binilinan naman siya nito na bilisan para makapaghapunan na sila. Marahil nais na rin ng mga ito makapagpahinga kaya nais ng magsabay-sabay sa dinner.

Mabilis siyang nag-shower. Pinalitan niya ng t-shir at cotton short ang school uniform niya. Bumaba na rin siya agad sa dining room. Naabutan niya na nga na naroroon na ang mga magulang. Siya na lang ang hinihintay. Dumulog na siya sa lamesa na wala kahit na isa ang sinasablubong ng tingin. Ayaw kasi ng mommy niya na nakikipag-usapan o pinapansin niya ang mga katulong. Nagagalit ito dahil hindi naman nila kauri ang mga katulong nila. Baka raw maging malapit sa kanya at abusuhin siya.

Mabait naman ang mga magulang niya pero gaya ng ibang mayayaman at nakakariwasa sa buhay may pagkamatapobre ang mga ito. Pareho kasing galing sa buena familia. Iisa ang society na pinanggalingan kaya naman iisa lang din ang paniniwala nang mga magulang niya.

Nag-umpisa na silang kumain. Panaka-naka'y nagkukuwentuhan sila ng tungkol sa mga stokc, at current event ng bansa ngayon. His parents didn't want them to talk anything nonsense. Their topics are about what is going on in the business world. Who is now in control of the stock market, the rise in fuel prices, and its impact on business. They are not the typical family who will discuss their personal lives to each other.

Hindi niya tuloy maiwasang ma-miss ang mga oras na nakakasalo niya sa hapag ang mag-lolang Jesusa at Charito. Kapag ang mga ito ang kasama niya sa lamesa nagiging magana siya sa pagkain. Hindi niya kasi kailangang gumamit ng kung ano-anong kubyertos. Hindi niya kailangang bantayan ang mga kilos at galaw niya.

Naisip niya nga kung mag-aasawa siya sisiguraduhin niyang hindi mapag-uusapan ang negosyo sa ibabaw ng lamesa. They will talk about their day and laugh. Share their stories, whether they are funny or gruesome. Hindi niya naiwasang mapatingin kay Charito na nakatayo sa tabi ng lola nito naghihintay ng utos sa mga amo.

Napangiti na lang siya ng ma-imagine ito na nakaupo sa gawing kanan niya at inaasikaso ang kanyang pagkain habang masaya silang nagtatawanan.

UntamedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora